Twenty-4

5.7K 248 17
                                    

Unedited




"Hindi na kailangan."




Halos mabali ang leeg ni Pierre sa mabilis na paglingon sa taong nagsalita.




"Manang?"




"Iho, nakikiramay ako,huhuhu."




"Manang salamat ho, saan ho ba kayo nagpunta nila Manong? Sabay-sabay kayong nawala, gusto kong isipin na kasama nyo lang si Daddy, at minsab naiisip ko rin na may kinalaman ba kayo sa pagkawala niya."malumanay na tugon ni Pierre habang nakayakap dito.




"Marami kaming ipapaliwanag sayo, tunay na napakabilis ng bawat pangyayari parang isang masamang panaginip."




"Manang, nasaan po..."




"Pierre pakikuha ng dala kong mahalagang bagahe nasa backseat iho."utos ni Manang na ikinakunot ng noo ni Pierre."sige na ikaw ang kumuha dahil para sayo ang bagahe na iyon.




Walang imik na lumabas si Pierre ng Mansion at lumapit sa taxi na naroroon, habang papalapit siya sa kotse ay malakas ang kabog ng kanyang dibdib, patindi ng patindi ang kabog lalo ng hawakan niya ang handle ng pinto ng kotse. Ng ganap na niyang mabuksan ang pinto ay bumulaga sa kanya ang isang sanggol na kumakawag-kawag at ang katabi nitong babae na tulog na tulog.




Princess Tuazon....


Ang basa niya sa nakasulat sa car seat nito. Naguguluhan ang isip ni Pierre ngunit ang puso niya ay hindi, buong ingat niyang iniangat ang batang tila nakatitig at kinikilala siya. Ang luha niya ay kusang tumulo ng mahawakan ito. "Anak ko?"tanong niya.





Ng umihip ang hangin ay nakaramdam ng lamig si Angela at kinapa ang katabing anak ngunit wala siyang nahawakan kaya naman agad siyang napamulat.




"Baby?"bigkas niya na agad natigilan ng makita ang lalaking nakatayo sa labas ng kotse hawak ang anak."Pierre?"




"Angela? Can you explain this?"mahinahon niyang tanong.





"I will."tugon ng dalaga na andun ang pakiramdam na gusto niyang yakapin si Pierre ngunit nagdalang hiya siya."Manong magkano po?"baling niya sa taxi driver.





"3000 pesos ineng."




"Ako na."bigkas ni Pierre.



"Okey kung may cash ka?"




Agad na napahinto si Pierre sa pagdukot sa bulsa at napaisip."I know I have."tugon nito at dumukot sa bulsa ngunit halagang 500 peso lang ang naroon."sorry ito lang."





"As usual."tugon ni Angela ang nag abot ng bayad sa matanda." maraming salamat po, inyo na po ang sukli."nakangiti niyang tugon.




Ng makalayo ang taxi ay nagkatinginan ang dalawa. At walang babalang niyakap ni Pierre ang dalaga kasabay ng pagtulo ng luha sa magkabilang pisngi.




"Im so sorry."bulong ni Pierre."hindi kita pinakinggan."bulong nito habang nakayakap sa dalaga.



"Im sorry too,once again sinasabi ko wala akong kinalaman sa pangyayari."




"I know, kaya patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko."




Ng umiyak ang hawak na sanggol ni Pierre ay saka lang parang pumasok sa isip nito ang pagtatanong tungkol sa bata. Agad na kinuha ni Angela ang anak at inihele ito na lalong ikinapukaw ng damdamin ni Pierre dito.




♥Mundo Mo Ay Akin♥ {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon