Special Chapter

8.2K 288 24
                                    

Mula ng mahuli ng mga police si Xandro ay sa korte pa lang ito nakakaharap ni Pierre ng personal, kaya naman ng bumalik si Angela ay nagpasya siyang harapin ito.



"Velasco may bisita ka."wika ng police kay Xandro na bumakas ang pagkagulat.




"Sino?"



"Nasa visitors area. Bilisan mo may limit ang oras ng dalaw sayo."




Tahimik na sumunod si Xandro at itinuro nito ang lalaking nakatalikod na nakaupo sa gawi niya. Inilang hakbang lang niya ang kinatatayuan niya ang pagitan nila at agad itong nilapitan.




"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"tanong niya kay Pierre.



"Noong hindi pa kita nakakaharap sabi ko dudurugin ko ang pagmumukha mo, dahil sa ginawa mo sa asawa ko."mahinahong tugon ni Pierre."but now,I realize hindi ko na kailangan gawin pa iyon, dahil nakakulong ka na nga mayabang ka pa rin!"





"Did you come here para insultuhin ako? Kung ipinaubaya mo na noon pa si Samantha sakin hindi sana aabot sa ganito!"



Agad na naggalawan ang panga ni Pierre at kuyom ang dalawang kamao."what you did to her is unforgiven! But atleast matatahimik na siya sa kinaroroonan niya! Your case is unbailable! Dito ka na tatanda at magkakaisip sa mga pagkakamali mong ginawa!"




"Masaya ka na Tuazon! Bilog ang mundo hindi natin masasabi ang kapalaran ng bawat tao!"




"Sisiguraduhin ko naman na sa bawat pag ikot ng mundo ay nandyan ka sa kulungan!"



"Hahaha! Tinatakot mo ba ako?"


"Wala sa bokabularyo ko ang manakot! Ang katotohanan lang ang sinasabi ko."



"Makakaalis ako dito Tuazon! And my sister will help me."nakangising sabi nito.




"She is with me, ikakasal na kami soon, kasama ang anak namin. Kaya hindi mo mabibilog ang ulo ni Angela. Magbayad ka sa kasalanan mo! Hanggang ikaw na mismo ang huminhi ng tawad sakin at kay Samantha!"mariing sabi ni Pierre at tumayo na ito para iwan ang binata dahil baka di na siya makapagpigil ay mapatay niya ito.




"Hindi ako matitiis ng kapatid ko! Mas Kilala ko siya kesa sa pagkakakilala mo Tuazon! Kaya wag kang masyadong confident!"



Napahinto si Pierre sa paghakbang at mabilis na lumapit kay Xandro! Isang malakas na suntok ang ibinigay niya dito dahilan para bumagsak ito sa sahig.



"Kung hindi lang kasalanan sa mata ng Diyos ang patayin ka! Ginawa ko na ngaun! Be thankfull Xandro mahal na mahal ko ang mag ina ko!"




"See you around Tuazon!"sigaw ni Xandro na tumatawa hanggang sa nawala na ang boses niyang humahagikgik at napalitan iyon ng hagulgol, 8 buwan na siyang nakakulong at sadyang mahirap sa loob.


Nawawalan na siya ng pag-asa dahil sa kaso niyang walang piyansa, tanging pag-asa lang niya ay iurong ni Pierre ang kaso at ng Ama ni Samantha ngunit imposibleng mangyari iyon. Pareho silang nakakulong ng ama, ito ang hatol ay 5-10 taon pagkakulong dahil sa pagsuporta sa kanya at pagtatago ng mahabang panahon at droga.




"Velasco, pasok na sa loob!"muling sigaw ng warden.




"Bahala ka na po sa'kin Panginoon patawad sa nagawa ko."




Mula ng dalawin ni Pierre si Xandro ay naging tahimik siya na ikinataka ni Angela.



"Hon? May problema ba? Napansin ko this pass few days para kang lutang?"tanong ng kasintahan habang minamasahe ang sintindo niya.




♥Mundo Mo Ay Akin♥ {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon