Twenty-1

5.6K 256 44
                                    

Unedited



Tulirong tumakbo pababa si Pierre para buhatin si Angela. Tila isang iglap na bumalik ang nakaraan sa kanyang paningin si Samantha duguan at dumadaing.



"P-Pierre ang anak mo."sambit ni Angela bago tuluyang nawalan ito ng malay.


Sa hospital halos sigawan lahat ni Pierre para asikasuhin si Angela, tahimik lang na nakamasid ang kanyang Ama at si Manang sa kanya, hindi niya masalubong ang mga titig ng mga ito na nanunuot sa kanyang kaluluwa.


Makalipas ang dalawang oras ay lumabas ang Doc mula sa ER.


"Doc kamusta ang....


"Kamusta ang aming mag ina, ang apo ko."tanong ng ama ni Pierre na lumamon sa itatanong niya dito na bakas ang pag-aalala at takot.


"Sr. Tuazon."bigkas nito bago humugot ng isang malalim na hinga."The mother is fine, but sad to say namatay ang baby sa tyan niya dahil sa matinding pagkakahulog niya, nag 50/50 din ang ina pero malakas ang loob nito at lumaban althouh maraming dugo ang nawala sa kanya."



Pakiramdam ni Pierre ay dinaganan ang dibdib niya ng sako-sakong graba ng marinig ang sinabi ng Doc, hindi na rin niya naintindihan ang mga sinabi pa nito, he's back on his senses dahil sa suntok ng kanyang Ama na tumama sa panga niya,pakiramdam niya ang nabasag ang kanyang ang mga ngipin sa lakas ng suntok ng ama.



"Sr. Tama na ho, baka kung mapaano pa kayo."ang awat ni Manang Melba sa ama niya.


"Dad?"


"Wala kang kwentang Ama Pierre!"mga salitang binitiwan nito bago siya iniwanan."Melba stay here in a couple of hours ay magigising si Angela pipilitin kong makabalik aasikasuhin ko lang ang bangkay ng apo ko!"




"Sige po Sr."




"Manang."



"Nangyari na ang hindi dapat, sana maisip mo na ang tama at mali Pierre. Mahal na mahal ka ni Angela, iningatan niya ang anak ninyo dahil umaasa siya na baka kapag nakita mo ito ay magbago ang pananaw mo sa kanya, pero wala na ito, sinayang mo ang pagmamahal niya, mas naniniwala ka kay Eleina, na walang ginawa kundi palalain ang lahat ng problema."puno ng hinanakit na sabi ni Manang Melba bago ito umalis papalayo sa kanya.



Ilang oras ng wala si Manang Melba sa tabi niya ngunit nanatili pa rin siyang nakaupo sa sofa na naroroon, hindi niya malaman ang gagawin ng mga oras na iyon.


"Sir, nailipat na po ng kwarto si Ms. Velasco, room 905 po 3rd floor."pagbibigay alam ng nurse kay Pierre na nagpabalik sa kanyang naglalakbay na diwa.





"Salamat."tipid niyang sagot at tinungo ang elevator,nanalaytay ang kaba sa dibdib ni Pierre habang papalapit sa kwartong kinaroroonan ni Angela,he took a deep breath and handed the door knob.



Katahimikan ang sumalubong kay Pierre, sunod-sunod ang paglunok niya ng makita ang dalagang may benda sa ulo at may dextrose sa kamay. Hindi alam ni Pierre kung paano niya naihakbang ang mga paa, palapit sa dalaga. At sinenyasan si Manang na iwan sila.


"Im sorry."ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig."hindi ko sinasadya."




"Anong ginagawa mo dito?"walang emosyong tanong ni Angela kay Pierre ng mamulatan niya ito sa tabi niya.

"I know what I did is unforgiven Angela. Hindi ko gustong mawala ang anak natin. Siguro nga ay hanggang dito lang tayo, we cannot be together, mabuti pang hanapin muna natin ang mga sarili natin, masyado ng magulo at kumplikado ang lahat, Im sorry kung hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo,hindi ko pa makapa dito sa puso ko, hindi ko alam kung totoong bulag ba ako sa galit o talagang wala akong nararamdaman.."mahabang litanya ni Pierre."paalam Angela, salamat sa lahat."




♥Mundo Mo Ay Akin♥ {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon