Twenty-5

6.6K 288 13
                                    

Unedited

Two weeks later....



Dahil sa isinampang kaso ni Pierre na murder kay Eleina ay nahatulan ang dalaga ng panghabangbuhay na pagkakakulong idagdag pa ang mga pambabanta nito sa buhay ni Angela at sa Pamilya Tuazon. Umugong ang balita sa bawat TV at Radio sa halos buong mundo. Naging laman ng harapan ng Mansion ng mga Tuazon ang mga media dahil sa pagkalat ng balita tungkol sa relasyon nila Pierre at Angela na ikinakabit na pilit sa isyu kay Xandro.

"Mr Tuazon, hindi po ba pangit tingnan na nakakulong at ipinakulong mo ang pumatay sa asawa mo tapos heto ka ngaun at kasintahan ang kapatid ng criminal?"tanong ng isang media kay Pierre matapos ang pagdinig sa huling hearing kay Xandro.



"Mr Tuazon ano po ang masasabi nyo sa pagkakapanalo ng kaso ninyo laban kay Mr.Velasco?"tanong ng isang media habang papalabas siya ng korte.


''Masaya ako at nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aking yumaong asawa.''


"How about your partner now Mr Tuazon? Is'nt a treat na sa araw araw na makikita mo siya ay maalala mo ang pagkawala ni Mrs Samantha Anderson-Tuazon?"


"Angela is not a threat beside hindi naman siya ang criminal, I love her."


"Are you going to marry her?"

''Ofcourse."

Naging mabilis ang paghakbang ni Pierre palayo sa mga media, at palapit sa kanyang kotse ng bumukas ang pinto ng isa pang kotse bago pa siya nakasakay sa loob.



''Pierre Orluv Tuazon?!?"may diin tawag sa pangalan niya na kanyang ikinalingon.

"Yes?"

"Hindi ka magiging masaya!"


"Teka sandali sino po ba kayo?"


"Ito ang tandaan mo kung hindi mo hahayaan makalabas si Xandro sa kulungan, sa pangalawang pagkakataon mawawalan ka ng babaeng minamahal."



Agad na kumabog ang dibdib ni Pierre sa sinabi ng kaharap, bilang isang Professional na tao ay ayaw niyang gumawa ng aksyon na ikasisira ng pangalan niya, pinilit niyang kalmahin ang sarili para wag bigyan ng isang suntok ang lalaking kaharap.



"Kung wala kang magawa sa buhay mo, pwede ba leave us alone!"



"Bantayan mong mabuti ang mag ina mo! Mr Tuazon,baka ngaun pa lang dahan-dahan na silang nawawala sa buhay mo. Dahil  baka ma-realize ni Angela na.mahirap mabuhay sa sitwasyong inyong kinatatayuan."


"Damn you! What is your fucking problem with me ha!? Sino ka ba?"

"Malalaman mo.rin kung sino ako,soon Ciao!"



Kung gaano kabilis nawala sa paningin ni Pierre ang kotse ng lalaking nagbigay ng kaba sa kanya ay mabilis din ang pagmamaneho niya pauwi sa Mansion at halos paliparin niya ang kotse niya. Sunod-sunod ang busina niya sa mataas nilang gate. Lalo siyang kinabahan ng tahimik ang buong paligid.


"Angela!?


"Manang!?"


Malakas na sigaw ni Pierre ngunit walang tugon ang mga ito, lalong nilamon ng kaba ang puso niya ng isang tahimik na kwarto ang sumalubong sa kanya. Laglag ang balikat na napaupo siya sa kanyang kama at nag-unahang tumulo ang kanyang luha.



"Angela bakit ninyo ako iniwan?"umiiyak niyang sabi ng dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto sa pag-iisip na baka isa lang ito sa guard sa kanilang Mansion ay hindi niya ito pinag-aksayahang tingnan.



♥Mundo Mo Ay Akin♥ {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon