Chapter 5: Moving On ?

129 14 1
                                    

[Chelle's POV]

Last period na namin at wala kaming teacher.

"Guys! nasa baba si Rejoice! paakyat na dito"- balita ni Rugei.

Oo nga pala alam niya na na crush ko si Rico at matagal niya na daw itong ex-crush.

Pumasok siya sa room at I'm sure na alam niya na ang nangyari. Malungkot na tiningnan niya ako at nag sign siya ng magkahiwalay na heart. Pekeng tumawa ako.

" Ok lang iyan Chelle! sa huli pag nawala na ang feelings mo sa kaniya mare-realize mo na ang pangit-pangit niya! super!"- siya at tinapik ako sa balikat.

"Haha ok lang ako no! parang hindi na ako nasanay"- ako.

Di nagtagal uwian na namin , parang zombie lang ako kung maglakad.

Nagulat ako ng hinila ako ni kuya Israel , kuya-kuyahan namin sa room at bigla niya akong niyakap.

" Chelle kaya mo diba? malakas at matatag ka diba? hindi ka iiyak diba? Ngiti ka na di kami sanay na malungkot at tahimik ka. Kakayanin mo Chelle diba? Marami pang lalaki diyan!"- siya at kumalas sa yakap.

"Hehe kuya naman eh! Ako pa? Kaya ko no!"- fake kong sabi.

Mabilis akong tumalikod dahil naramdaman kong nanubig ang mata ko. Gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sakit!

Si kuya Israel lang pala ang makapagpaiyak sakin.


Lumapit ako kay Abiella na kalalabas lang ng AVR.

"Bie"- ako at niyakap siya ng mahigpit at don na ako nagsimulang umiyak.

" Hala! Oy Chelle!!! Baliw oh! Tama na tahan na Chelle"- alalang sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

"Anong nangyari?"- si Nhoren.

" Umiiyak, ngayon niya lang napalabas ang sakit na nararamdaman niya"- si Abiella.

"Chelle tahan na. No ba yan! Nakakainis talaga si Rico at Irish!!!"- inis na sabi ni Jean at niyakap ako sa likod.

" Aaarrgghh!! Nakakainis talaga ang Rico na yan! Nasasaktan ka dahil sa kaniya!!!"- galit na sabi ni Nhoren.

Naramdaman ko na lang na grinoup hug nila ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at umalis sa yakap nila.

"Thank you guys ha? H-hindi naman talaga ako iiyak eh"- ako.

" HuwG mo nang ideny Chelle. Ok lang na umiyak ka dahil nasasaktan ka pero di namin kaya na makita kang umiiyak"- si Ella.

"Alam namin na kanina pang umaga mo pa pinipigilan ang luha mo"- si Andio.

Umuwi ako na sobrang tamlay hindi ako gumawa ng gawaing bahay dahil wala akong lakas.


3 days passed...

Tuwing makakasalubong ko silang dalawa sa school, yumuyuko lang ako. Parang maiiyak ulit ako. Pero sabi ko sa sarili ko mag mo-move on na ako! kakayanin ko dahil gusto ko.

Nong lunch break umuwi ako sa bahay dahil nakalimutan ko ang baon ko.

After kong kumain naghintay ako ng tricycle na masasakyan. Busy ako sa pagbabasa ng EBook kaya ng may tumigil na tricycle umikot ako upang sumakay.

SHEMAY!!! S-si R-Rico!!! sa tabi niya na lang ang may space! nakakahiya naman siguro pag umatras ako.

Lord God naman, pakisabi kay destiny na nasa moving on stage na ako!

Sumakay na lang ako at naramdaman kong umisod siya. Buong biyahe sobrang tahimik namin, sa kabilang direksyon ako nakatingin.

Siya? Ewan! ni hindi ko nga siya masulyapan man lang! magkakaroon na siguro ako ng stiff neck.

Mga 15 minutes ko nang pinipigilan ang hininga ko kaya pagdating ko pa lang sa school mabilis na bumaba ako at nagbayad ng pamasahe at mabilis na pumasok ng gate. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko!!! Kailangan pa ba akong pahirapan ni destiny sa pagmo-move on?

Kinabukasan...

"Chelle!!! Kyaaahh!!! Good news!"- tili ni Jean.

" Ano naman?"- kami.

"Break na sila! si Rico at Irish!!!"- siya.

" Kyaahhhh!!!!"- tilian nila.

Ako? ewan ko ba! masaya ako na malungkot.

Masaya ako dahil single na siya ulit. Malungkot dahil alam ko na may posibilidad pa rin na masaktan ako dahil MAHAL ko pa rin siya ! 😞

Hindi ko kayang mag move on! Wala akong laban lalo na si destiny at Cupid ang kalaban ko.


Ang saklap ng kapalaran ko! Parang cliché tong nararamdaman ko dahil katulad ng iba, nagmahal ako ng tao na hindi ka naman mahal.

Friday ngayon as usual konti na lang ang bumabalik na mga estudyante. Vacant namin ang last period kaya tumambay kami sa labas ng room. Nagkwentuhan at nagkulitan lang kami. Hanggang sa naisipan naming maglaro ng habulan! haha parang mga bata lang.

"Chelle! may ibibigay ako sayo!"- nakangising sabi ni Jean. Konabahan naman ako.

" Ano naman?"- ako at umatras.

"Basta! kunin mo!"- siya at nilapit sakin ang nakayukom niyang kamay.

" Ilayo mo yan Jean! malilintikan ka talaga sakin!"- banta ko pero tumawa lang sila. Nanlaki ang mata ko ng makitang gagamba pala ang hawak niya!!

"Waaahhh!!! Ilayo mo yan!"- sabi ko at mabilis na umatras.

" Kyahhhhhhh!!!!!"- tilian na lang nila ang narinig ko.

Habang umaatras kasi ako bigla ko na lang naramdaman na may naapakan ang likuran ng paa ko at bumangga ang likod ko sa kung sino. At base sa abnormal na tibok ng puso ko! hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang nabangga ko.

Mabilis na pumasok ako sa room at sinubsob ang mukha ko sa armchair.

"Gosh!!! Success yung plano natin!!!"- sigawan nila. Inangat ko yung mukha ko.

" Hala Chelle!!! Sobrang pula mo! Gosh! destined talaga kayong dalawa dahil kahit back to back nagkabanggaan pa din kayo!"- si Abiella.

Remain speechless lang ako. Inaabsorb ko pa kasi ang kilig ko.

"Wala na! naestatwa na siya dahil sa kilig!"- si Rugei.

Cutest Love Story Ever ( COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon