Chapter 23: Caught in the Act

87 11 1
                                    

[Chelle's POV]

6 months na simula nong umakyat siya ng barko.

Tumawag siya kani-kanina lang na dumaong yung barko nila!

Super strong ang relationship naming dalawa. Minsan nag-aaway kami dahil sa communication kasi pag free ako busy ang schedule niya at vice versa.

Pero agad din naman kaming nagkakaayos.

Kinakaya naming dalawa na labanan ang LDR upang hindi ito makaksagabal sa relasyon namin.

Umattend din ako sa kasal ni Meliza.

Isa na sa mga kaibigan ko ang natali at may asawa na.

Bongga yung kasal nila ni Wendell sa simbahan at yung pari ay si Rugei!!!

Kaya parang nag reunion na rin kami.

At naipatayo na rin ni Keer at Andio ang kanilang pinapangarap na Photoshop na open sa lahat ng orders at services.

Si LeahJoy at Ronnie naman nagpaplano nang magpakasal.

Si Jean at Yazo strong pa rin.

Si Abiella naman!!! May nanliligaw na sa kaniya!



Kyaahhh!!! Si Richer!!!!

Expect the Unexpected nga naman.

Si Nhoren naman ay dating.

Tapos si Ella 1 month na lang lilipad na papuntang Ireland! Bongga talaga!

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko sumakay agad ako ng taxi at nagtungo sa daungan ng barko na medyo malayo sa lugar namin dahil don daw sila dumaong.

Hindi ko sinabi sa kaniya na pupunta ako ng ship gusto ko kasi siyang isurprise.

Pagdating sa port agad akong nagtungo sa entrance ng barko, kunti na lang yung pasaherong naghihintay ng kanilang sundo.

Lumapit ako sa guard.

"Ma'am? Ano pong kailangan niyo?"- guard.

" Ah, guard? Kadadating lang po ba ng barko?"- ako.

Tumingin siya sa orasan.

"Mga 2 hours na po"- siya.

" Thank you po. Pwede po bang pumasok? Girlfriend po ako ng captain "- ako sabay pakita ng picture namin ni Rico kaya pinapasok agad ako.

Nagmamadaling tumakbo ako , kinuha ko ang cp ko ng tumawag siya.

" Hi!"- hyper kong sabi at nagpatuloy sa pagtakbo papuntang Captain's Quarter.

"Hello pupunta ako mamaya sa bahay niyo. Date tayo"- siya.

Kinilig naman ako.

Walang tao sa Captain's Quarter kaya dumiretso ako ng grand hall.

" Sige ba! Hintayin kita ha?"- ako.

Pagpasok ko agad kong nilibot ang paningin ko.

Nanatili ang mata ko sa grupo ng mga seaman at staff na nasa mini bar.



"Wooohhh!!!!"- sigawan ng mga lalaki ng makita kong yumakap ang babae sa lalaki at mas lumakas ang hiyawan nong hinalikan ng babae ang lalaki pero tinulak ng lalaki ang babae.

Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang mga mukha ng pinagkakaguluhan.



S-si Rico at Irish.

Nanuyo bigla ang lalamunan ko at nahirapan akong huminga.

" L-loves? Nasaan ka?"- lakas loob kong tanong.

Cutest Love Story Ever ( COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon