[A/N: Thank you pala kay Doctor/Surgeon Ella May Bayot Horan Choi Kim :D sa pag sketch ng Wedding Gown ko :* Thank you talaga ng marami dahil pinagaksayahan mo talaga ito ng oras para mabuo lang :* :( I so love you so much! Don't worry kung magpapakasal man ako sa huli ganito talaga ang design ng Wedding Gown ko :* ]
[Chelle's POV]
"Chelle! Tumigil ka nga sa kakakagat ng labi mo! Ilang beses na kitang nilagyan ng lipstick!"- reklamo ni Ella na syang nagli-lipstick sakin.
"Kinakabahan kasi ako eh!!!"- ako.
" Normal lang yan Chelle, naranasan ko na yan eh. Trust me"- advice ni Meliza na may 1 year old ng anak.
After 2 years pa kasi naming naisipan na magpakasal para makapag-ipon kami kaya ito na ang the most awaited day!
Kasal ko na ngayon at parang nasususka ako sa sobrang kaba.
"Parang naiihi ako na natatae! Basta hindi ko maipaliwanag!!"- ako.
Sinamahan ako ni Jean at Abiella sa banyo upang isuot ang wedding gown ko.
" Oh my gosh Chelle!!! Ang ganda ganda mo!"- si Abiella.
Napangiti na lang ako.
"Hay... Hindi ko inaasahan na hahantong tayo sa ganito. Natupad mo na Chelle ang pangarap mo"- si Jean.
Pinipigilan ko ang umiyak baka masira ang make up ko at pagalitan ako ni Ella at Nhoren.
" Kayo Jean? Kailan niyo balak magpakasal ni Yazo?"- ako.
"Next year daw sa Korea"- masayang sabi niya.
"Wow! Kayo naman ni Richer?"- ako kay Abiella.
"Next year din"- siya.
Di nagtagal dumiretso na kami sa simbahan.
" Chelle! Smile naman diyan!"- sabi ng photographer ko na si Andio at Keer.
Ngumiti ako kahit na nakaharang na sa mukha ko ang veil.
Silang dalawa ang photographer namin nong prenuptial namin.
At promise! Ang gaganda ng mga kuha nila!
Professional na professional.
Nong magsignal na magsa-start na agad akong nakadama ng kaba.
"Relax Chelle, remember nandito lang kami palagi ni papa mo sa tabi mo. Mahal na mahal ka namin. Di ko lubos maisip na mawawala na sa bahay ang panganay ko"- umiiyak na sabi ni Mama kaya niyakap ko na lang sila ni Papa.
Napangiti ako ng makita ko ang isa sa mga flower girl.
Si Julian! Ang cute cute niya pa rin tapos ang isa sa mga abay ko ay si Althea.
Nong turn ko na huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa simbahan.
Habang naglalakad umaalingawngaw sa simbahan ang kantang " Falling" ni Tyler Ward at ang kumakanta ay si Divine Grace na kaibigan ko nong high school na sobrang ganda ng boses.
Lumapad yung ngiti ko ng tumapat kami sa harap ng lalaking mahal ko.
Ang gwapo gwapo niya sa suot niyang tuxedo na white at red naman ang necktie.
Yung motif kasi ng wedding namin ay Red and White at ang wedding planner na kinuha namin ay si Julie Mae, Jennifer, Diane, at Genirose. Ang ganda kasi nilang mag organize ng wedding.
"Ingatan at mahalin mo ang anak namin ha?"- banta ni Papa.
" Opo, Mama, Papa"- siya at hinawakan ang kamay ko.
Nakangiting lumapit kami sa altar at nakangiting mukha ng pari ang sumalubong samin.
Si Rugei!
Makikita sa mata niya na ang saya niya para samin.
"We have been invited here today to witness the very important moment of Lance Rico Balladares and Amethist Chelle Dela Cruz in their lives. In the years they have been shared together, their love, trust, and understanding of each other has grown and mature and now they decided to unite as one and to live their lives together as husband and wife"- si Father Rugei.
" Can I ask if who is against in this wedding? "- siya.
Lumingon kami sa kanila at halos nanlaki ang mata namin ng makita namaing nakataas silang lahat ng kamay!!!
Anong kalokohan to!
Nilingon namin si Father Rugei na nakataas din pala ang kamay!
Tiningnan ko si Rico na nakatingin na pala ng masama kay Rugei.
Natatakot naman na binaba ni Rugei ang kamay niya at narinig ko pa ang tawanan nila.
Mga baliw!
" Lance Rico Balladares and Amethist Chelle Dela Cruz, the bond which you are about to make with each other is meant to be a beautiful and sacred love for each other. As you pledge your vow, we ask that you do so in all seriousness and sincerity "- Father Rugei.
"Lance Rico Balladares, will you accept Amethist Chelle Dela Cruz to be your lawfully wedded wife as long as you both shall live?"- Father.
" I d----"
"Sure ka na talaga?"- Father na ikinatawa ng lahat.
Napakamot na lang ako sa noo ko.
" Haha. Joke lang iyon Rico, ano na?"- siya.
Kahit kailan talaga si Rugei oh!
Parang naging comedy yung kasal namin.
"Amethist Chelle Dela Cruz , will you accept Lance Rico Balladares to be you lawfully wedded husband as long as you both shall live"- tanong sakin.
Inirapan ko muna siya bago sumagot.
" I Do"- ako.
At nilahad na rin namin ang aming personal vow at lahat ng pinagdaanan namin ay binunyag namin at hindi namin napigilan ang mapaiyak. Ang lahat ng tao sa loob ng simbahan ay naiiyak na din at kinikilig sa love story namin.
"As they have already stated their vow with sincerity and love let me recognize and introduce to you the holy union of Mr. and Mrs. Balladares. I now pronounce you husband and wife. Mr. Balladares you may now kiss your bride"- Father at agad akong hinalikan ni Rico at nagpalakpakan sila.
" I love you Mrs. Amethist Chelle Balladares "- siya. Ang sarap namang pakinggan.
" I love you too Mr. Lance Rico Balladares"-ako.
BINABASA MO ANG
Cutest Love Story Ever ( COMPLETE ✔)
TeenfikceHi Crush! Kailan mo ko papansinin at mapapansin? Kailan mo mararamdaman na I exist? Hanggang kailan kita titingnan sa malayo? Hanggang kailan ako aasa at hanggang kailan tayo pagtatagpuin ng tadhana?