Pauwi na kami ng aking mga kaibigan nang bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Hindi ako nagdala ng payong dahil isa pa itong dadalhin. Hindi ko rin inaasahang uulan sa araw na ito na kanina ay tirik na tirik lang ang Haring Araw.
Ginawa kong payong ang aking kulay luntiang file case habang sina April at May naman ay nakalilong sa aking checkered.
Nasa kalagitnaan kami ng pedestrian lane at may makakasalubong kaming dalawang lalaki na mukhang aattend ng kanilang PE classes.
Hindi ko binigyang-pansin ang mga pagmumukha nila bagkus ay sa hawak-hawak nilang pulang rosas.
Napakaganda!
Haysss.... Kailan naman kaya ako makakatanggap ng ganoon?
Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay itinapat ng isang lalaki yung kaniyang hawak na rose sa akin.
Binibigay niya ba ito sa akin? Tinanggap ko ito habang ako ay naglalakad.
Tanging likod lang niya ang aking nasilayan dahil sa nagmamadali rin sila.
"Thank you kuya!"
Sigaw ng aking puso.
"August! Babaita!" Napukaw ang atensyon ko sa sigaw ni May na kasalukuyang nasa lilong na.
"Bakit?!" Tanong ko.
"Nasa gitna ka ng kalsada. Magpapakamatay ka na ba?"
Pasigaw niyang turan.Ano?!
Tumingin ako sa aking kaliwang banda at may jeep sa tabi ko.
"Beep! Beep!" Malakas na busina ng jeep.
"Sorry po" sabi ko sa drayber sabay takbo sa kinaroroonan ng dalawang babaita.
"Bat 'di niyo ako tinawag? Iniiwan niyo naman ako" sabi ko sa dalawa.
"Isandaang beses ka na naming tinatawag pero nakatunganga ka lang. Muntik ka na kayang mahagip ng jeep. Mabuti na lang at nakapagpreno pa si kuyang drayber" paninermon ni May.
"Sorry na" sabi ko.
"Eh bakit ka kasi nakatunganga sa likod. Ano bang nakita mo?" Usisa ni April.
"Ito oh" sabay taas ko ng pulang rosas.
"Kanino at saan naman naggaling 'yan? Wala ka namang hawak na ganyan kanina ah" ~Si April
"Doon nga sa kuya na nagbigay nito. Inabot niya sa akin. Sayang nga lang kasi likod niya lang ang nakita ko"sagot ko.
"Kaya naman pala muntik ng masagasaan ang ating damsel in distress" ani May.
"Tara na nga" bitter na sabi ni April.
Hindi ko na lang sila pinansin at inamoy ko pa ang halimuyak na taglay ng pulang rosas.
Mas maganda pala itong pagmasdan kung basa ang mga talutot.
"Ingat!" Paalam ng dalawa sa akin.
" 'Yung checkered ko ha!" Paalala ko sa kanila
"Sa Lunes na. Bye!" At nawala na sila sa aking paningin.
Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad.
Bakit naman kasi umulan pa at wala akong kasabay?
******Fast Forward******
"Ba't naman daig mo pa ang basang sisiw anak? Nasaan ang iyong payong? Baka magkasakit ka niyan. Teka! Kanino galing yang rose na hawak mo?" Sunod-sunod niyang tanong.
BINABASA MO ANG
A Compilation of Short Stories
General FictionHalina at mainspired, kiligin, umiyak, tumawa, malungkot,magalit, masaktan at magsenti kasama ng ating mga bida. Kapulutan sana natin ng aral ang bawat kwento na ating mababasa. Sabi nga po nila na :Learn from other people's experiences. With no fur...