Camera

3 1 0
                                    

"Josh! Halika nga rito. You take a picture of Agatha" utos ni ma'am.

Mabilis akong pumunta.

"Oh Agatha. Ito na 'yung sinasabi kong free lance photographer. Si Joshua." pagpapakilala sa akin ni ma'am.

Nakatalikod 'yung babae kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha.

"Ilang poses ba ang kailangan?" Tanong niya at saka humarap sa amin.

Biglang lumiwanag ang paligid at tumigil ang oras. Nakarinig din ako ng isang kanta.

"Okay lang ba sa'yo 'yon?" Tanong ni ma'am.

"Po?"

"Okay lang ba ang 15 shots?" Tanong niya.

"Ah wa-wala pong problema" sabi ko.

Napansin kong palihim na tumawa si Agatha.

Ang ganda ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kaniya.

"Ok. Maiwan ko muna kayo ha. May aasikasuhin pa ako sa kabila." Paalam ni ma'am.

"Ready ka na ba?" Tanong niya.

"Yes." Sabi ko....

"Okay let's start." aniya at nagsimula ng mag-pose.

Hindi siya mahirap kuhanan ng litrato hindi kagaya ng dalawang babae na nagpose kahapon.

Mabilis kaming natapos.

Nagsusuot siya ng jacket nang lumapit siya sa akin at umupo sa tapat ng aking kinauupuan.

"Free lance photographer... Since when?"

Bakit siya interesadong malaman?

A/N: Ano ka ba naman Josh. Slow lang ha. Natural G-W-A-P-O ka. Hindi ka kasi tumitingin sa salamin.

Psh. Haha. Hinihintay ko lang naman na sabihin mo ngang gwapo ako. Haha.

A/N: 'Yung kausap mo naghihintay ng sagot mo.

Ay oo nga pala.

"Since June." Tipid kong sagot.

"Oh. Parehas pala tayo." Nakangiting sagot niya.

"K fine" sabi ko sa isip ko.

"Suplado naman neto" aniya.

Ooops nalakasan ko yata yung pagkakasabi ko.

"Talk to yourself then" aniya at saka umalis.

Hala! Balat-sibuyas pala itong Agatha na ito ah.

Mabilis na lumipas ang isang oras at pwede na akong umuwi but I decided to wait for her to clarify all the things.

Mahirap na dahil baka ito pa ang maging dahilan ng pagkaubos ng mga offers sa akin.

I am enjoying my work kahit maliit ang kita atleast may panggala ako kahit minsan or pandagdag allowance man lang.

Ayan na nga siya at palabas na mula sa dressing room.

"Ahm Agatha... I am so sorry. Wala lang kasi ako sa mood na makipag-usap." Pagpapaumanhin ko.

"K fine" aniya at naglakad ng napakabilis.

Tinakbo ko na para lang maabutan siya at saka nagsabing: Okay kain tayo sa labas. Sagot ko" sabi ko.

"Really? Game!" Masayang turan niya.

Haysss.

"Pagkain lang pala ang katapat mo" sabi ko.

"Anong sabi mo?" Nagmood swings na naman siya.

"Ah wala. Hehe" sabi ko.

At nauna na naman siyang naglakad. Hinabol ko na naman siya.

A Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon