Bird of Paradise

12 2 0
                                    

Ako nga pala si Aumar. Ibabahagi ko lamang sa inyo ang kwento namin ni Sophia.

Going back five years ago...

"Aumar, hindi mo ba ako papansinin?" Habol ng babae sa akin na noong isang taon pa nagpapapansin sa akin. December yun nang magkakilala kami sa isang birthday party ng aking kaklase sa tatlong subject.

February na ngayon at saktong Valentine's pa.

"Tanggapin mo lang itong cupcake na ginawa ko...hindi na kita kukulitin ngayong araw."

Itinapat niya sa akin 'yung cupcake na kaaya-ayang pagmasdan.

"The hell. For this day lang talaga ha?" At nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nang liliko na sana ako ay hinarangan niya ako.

"Happy Valentine's!"

Inabot niya ang aking kamay at inilagay doon ang cupcake at dali-daling tumakbo pakaliwa.

"Tsk."

Graduating na ako sa kurso kong Business Administration major in Marketing. 'Yung babae nga pala kanina ay si Sophia Mandelo. Major siya sa Finance kaya may tatlong subject na magkaklase kami. Ewan ko sa kaniya... hindi naman kami close eh lapit ng lapit sa akin magmula noong nagsimula kami sa second sem. Trimester kasi sa university na pinapasukan ko.

Sayang naman itong cupcake kung itatapon ko lang kaya inilagay ko ito sa aking bag. Saka ko na lang iisipin kung ano ang aking gagawin dito pagkauwi ko sa condo.

Nasa business trip kasi sina mom and dad at yung ate ko naman ay nasa Manila nag-aaral.

Apat na taon na rin akong nag-iisa kaya sanay na ako.

"Hi Aumar! Happy Valentines!" at lumapit sa akin 'yung koreana kong classmate at nagbigay ng gift bag na kulay red.

Inabot ko ito at lumapit siya sa akin para makiselfie.

"Aumarrrr! Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ng isang babae na hindi ko kilala.

''Happy Valentine's! Para sayo nga pala" inabot niya yung lobo na hugis puso.

Tsk. This day sucks... always... since High School.

Nagpaalam ako sa kanila at saka pumunta doon sa garden na malapit sa building namin. Vacant ako ng dalawang oras at may thirty minutes pang naiwan.

Nakakapagod kasing magperform sa stage. Tila nanuyo ang aking lalamunan matapos kantahin ang mga song request ng mga babaeng maiingay. Pasalamat lang sila dahil para ito sa Music Club kaya ako kumanta. Ang hirap maging vice president pero kakayanin ko ito dahil ilang buwan na lamang ang hihintayin ko at lilisanin ko na ang school na ito.

Walang tao sa garden kung kaya kahit nakaformal attire ako eh inakyat ko pa rin ang puno na aking tambayan.

Itinali ko yung lobo sa maliit na sanga at saka sinabit ko yung paper bag.

Nagmumukha tuloy akong babae sa mga hawak ko.

Makaidlip nga.

"Hello mommy"

"Hmmm?"

Minulat ko at kinusot ang aking mata.

May nagsasalita eh.

Tumingin ako sa baba at tila si Sophia iyon.

Siya lang naman ang kilala kong palaging nakasuot ng kulay pula.

Nakadress siya at nakawhite doll shoes. Half permed ang itim niyang buhok. Maputi siya. Fil-Am yata siya eh. Ewan ko.

"Sorry mommy. May program kasi kami kanina. Uuwi rin po ako agad after ng last class ko."

A Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon