Bago ko nga pala simulan itong aking kuwento, magpapakilala muna ako.
Taglish na lang gagamitin ko.
I'm Orange Hernandez. Isa sa mga varsity player ng aming paaralan. Grade 12 na ako at may kaisa-kaisa akong kaibigan- si Gilbert.
Orange ang pangalan ko dahil ipinaglihi ako sa orange. Gets? Ganun lang kasimple. It's also my favorite color magmula kinder. Mahal na mahal ko talaga lahat ng orange maliban lang sa carrots at hinog na papaya.
Natapos ang game namin laban sa Forte SHS at dahil nanalo ang grupo, ililibre kami ni coach sa pinakamalapit na fast food.
Dahil Friday ngayon, hindi na magtataka pa ang aking mga magulang kung bakit late akong uuwi.
Mabuti na lamang at hindi ako naging babae dahil yung ate ko na 19 years old na eh may oras ang pagdating niya. Hindi nga pinapayagang lumabas kapag lampas alas sais na.
"Orange. Pagkatapos nito, celebrate tayo sa bahay" bulong ni Lancelot marahil para hindi marinig ni coach.
"Maaasahan mo kami diyan." nakangiting sagot ni Zoren.
Iinom ako pero konti lang. Baka hindi ako makauwi sa bahay ng buhay eh.
Siyam kaming lahat kasama si coach.
Busog kaming umalis ng fast food.
"Salamat sa libre coach!" Sabi naming lahat.
"Wala iyon. Next game niyo sa February 14 ha." Paalala ni sir.
Oo. Nataon pa sa Valentine's Day ang game namin at sa Andromeda SHS ang venue ng game.
Siniko ako ni Gil.
"Range, sama tayo ha"Tumango ako at tinapunan siya ng ngiti.
Papunta na kami sa paradahan nina Lancelot.
Nauuna siya kasama sina Zoren, Jullian at Adam.
Nasa gitna kami ni Gil at nasa likod sina Fergus at Kristoff.
Tumingin ako sa aking cellphone to found out na may 3 missed calls ako from my mom and messages din.
Tinawagan ko siya
Masyado akong nakafocus.
"Argh! Yung carrots koo!" Paiyak na turan ng babae na nabunggo ko.
"Hello anak... uwi ka-"
"Wait lang mom." Sabi ko.
Tumingin ako sa hinahabol ng babae.
Carrots???
Grabe pala ang ginawa ko. Natapon sa daan yung mga carrots na nakalagay sa green na plastic.
Ang cute!!! Orange..
Ay wait! Ayaw ko nga pala ng carrots. I remind myself."Hoy kuya, tulungan mo ako." Demand ng babae.
"Ah sorry miss. Hinihintay na kasi ako ng mga kasama ko" sagot ko dahil napansin kong nakatingin sa akin ang pito mula sa 'di kalayuan.
"No! Dahil sayo nalaglag ang mga carrots ko. Hayaan mo yang mga barkada mo. Mas importante pa ang mga carrots na ito" mahabang turan niya habang nakapamewang at nanlilisik ang mga mata.
Napalunok ako. Ang petlu! Para siyang Amazona.
No choice ako kundi tumulong sa pamumulot niya ng mga carrots.
"Oh heto." sabi ko nang mapulot ko na ang huling carrots na nagpagulong-gulong malapit sa gitna ng kalsada.
"Thank you!" Sabi niya habang hinihele ang mga carrots.
BINABASA MO ANG
A Compilation of Short Stories
General FictionHalina at mainspired, kiligin, umiyak, tumawa, malungkot,magalit, masaktan at magsenti kasama ng ating mga bida. Kapulutan sana natin ng aral ang bawat kwento na ating mababasa. Sabi nga po nila na :Learn from other people's experiences. With no fur...