Ballpen

4 1 0
                                    

Malapit ng mapuno ang dyip na aking sinasakyan hanggang sa may pinasakay pa si kuyang drayber.

Siyam-siyaman lamang pero ginawa niyang tigsasampu. Petmalu, para magkadagdag kita.

Nagsimula nang bumagal ang daloy ng trapiko at naipit na nga kami dito. Paniguradong makakagalitan na naman ako ng aming guro dahil late ako at ang mas malala ay half day lang akong papasok.

Hindi ko naman inaasahang sasakit ng sobra ang aking ulo. Salamat na lamang kay kuya Moss at nakapagsulat siya ng excuse letter para sa akin bago pumunta sa kaniyang trabaho.

Tumatagaktak na ang aking pawis dahil sa sobrang init. Naku! Huwag naman sana akong mangamoy pawis nito.

Naawa yung katabi kong lalaki sa katabi niya sa kaliwa na halos hindi naman nakaupo. Kulang na nga lang ay kalungin na lang siya
ng lalaki kaya't mas naipit si junjun.

Sorry junjun. Inilagay ko na lamang ang aking kanang kamay sa pagitan ng aking mga hita para makahinga naman siya kahit papaano.

"Oops" pasigaw na turan ng babae na siyang pumukaw ng aking pansin.

Nakatingin siya sa baba.

Ah! 'Yung ballpen niya pala.

Gumulong-gulong 'yung violet niyang  ballpen hanggang sa tumigil ito sa pwesto ko.

Akmang pupulutin ko na ito nang bigla itong gumulong papunta sa kabila.

Ganoon din ang ginawa ng lalaking katapat ko nang bigla itong gumulong dahil umandar na naman ang sasakyan.

"Manong para!" Sabi ng isang estudyante.

Ito na ang pagkakataon para pulutin ito.

Pinulot ko ito at ibinigay sa kaniya.

"Thank you'' sabi niya with matching cute smile.

Nginitian ko lang siya.

Nakita ko ang ID lace niya at magkaparehas lang pala kami ng pinapasukang paaralan.

"Prooot... tootooot" dinig ko.

Nagsitakip kami ng aming ilong maliban sa ale na may bitbit na sanggol. Siguro nasa pitong buwan na ito at siyang-siya sa pag-upo sa mga hita ng kaniyang ina.

Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagsa-subdue ang amoy.

Hindi ko na matiis kaya bumaba na ako. Hindi lang yata utot ang naaamoy namin kundi tae ng sanggol.

"Wait" sabi ng boses mula sa aking likuran. Nilingon ko ito at nakita ko 'yung babae.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit mas binagalan ko nga lang.

"Gisella Martin nga pala" huminto ako para tignan siya.

"Brock Hernandez" at nagkamayan nga kami.

Tahimik lang kaming pumasok sa school.

Paakyat na kami ng hagdan nang marinig ko ang sinabi ng dalawang babae na nakasalubong namin.

"Ang malanding Gisella. Ibang lalaki na naman ang kasama"

"Grabe nga eh. Yuck!"

Tumingin ako sa babaeng nasa kaliwa ko at nakayuko lang siya na parang walang narinig.

Baka hindi naman siya ang tinutukoy.

"Hayaan mo na sila. Sanay na ako" aniya na pumutol sa aking iniisip.

"Saan ang room mo?" Tanong ko

"Magkaklase tayo"

Nanlaki ang mata ko.

A Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon