Part 02

598 10 10
                                    

=====SM=====

"Lagot ako nito kina Nora pag nalaman nilang andito ako sa sm tas kasama pa kita. Pusta magagalit ang mga un." Imik ni Nathan habang nakasakay sa escalator.

"Ikaw ih, bat ka guh sumama? wala namang pumilit sayo."

"Yae kasama naman kita kaya ok lang."

"Che! inuto." Pagkikibit balikat ko sa sinabi niya. Sus for sure isa na naman un sa mga pang bibiro niya.

"Hahaha." dahil dun sa naging reaction ko. tinawanan lang niya ako tapos tahimik na naglalakad papasok nang quantum.

Pagkapasok namin dun, dumiretso kami sa counter para magpapalit nag tokens, then inuna namin ang pagkanta, at sa sobrang bait ko si Nathan ang pinakanta ko. Hahaha swerte ko nakatakas ako sa pagkanta. Ang panget kaya nang boses ko. >.<

After nun, naglaro kami para mangulekta nang tickets na ipapamalit  namin sa mga maliliit na bee.

Pagkakuha namin nun, mejo naggala-gala lang kami sa loob nung quantum. tas narealize ko parang all the time na kaming magkasama nitong si Nathan kaya naisipan kong mejo humiwalay muna at sumama kina Ann pero nagulat ako nung mahawakan niya ung kamay ko at inilapit sa dibdib niya. Sa ginawa niyang un, napahinto ako saglit at napatingin sa kanya.

"B..bakit?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Ang lamig nang kamay mo. :)" sagot niya sabay ngiti sa akin. Ewan ko ba dahil dun sa sinabi niya, may something akong naramdaman na naging dahilan para hilahin ko pabalik ang kamay ko.

"sadyang malamig yan! tss, napapaano ka guh?" Imik ko sa kanya sabay talikod.

"Ui teka san ka pupunta?" imik agad niya nang maabutan ako.

"Uwi na siguro, bigla akong tinamad mag gala eh." Liar, naguguluhan lang ako sa nang yayare ngayon kaya gusto kong umuwi na muna.

"eh? agad na? Siya hatid na kita." tapos this time hinawakan niya ulit ako sa kamay.

"Salamat, pero pede? wag mo ko hawakan." sabay hila ko sa kamay ko. " baka kasi makita tayo ni jane at kung anong isipin." si Jane nga pala ung ex nitong nathan na nililigawan daw niya ulit kaso ayaw naman ni girl, pero parang ngayon ei naghahabol sa kanya nang makitang nagkakainterest siya sa iba.

"Hayaan mo siya."sagot niya sa akin sabay sita nang jeep. "oh yan, ingat ka huh.bye panget."

" siya sige. ingat ka din panget. bye." sabay sakay ko sa jeep. Tapos pagkalayo ko sa sm, napatingin ako sa kamay ko at automatic na nagsmile ung labi ko. DUH? ang weird. >.<

-Na feel niyo na ba ung ganito? ung parang biglang weird happenings sa buhay niyo? Ayaw ko namang mag assume na gusto ako nitong si Nathan kasi nga friends lang kami at tsaka ginagawa naman niya ata to sa ibang girls. Tss, ayaw kong mangarap!-

=====SCHOOL TRIP=====

Ok, let me call this a "SCHOOL TRIP" kasi hindi naman to field trip. I totour lang daw kami sa branch scool nitong western high. Kaya yan maaga kaming pinapasok nang school and the fact na 13 sections kaming pupunta dun kaya un ilang jeeps din ang inarkila.

"Ok section Emerald, punta na kayo sa mga jeep niyo. Ito jeep numbers niyo 13 and 14." Imik nung adviser namin sa amin habang inaabot sa vice at pres. ung mga plackard.

"Yes maam!" sagot naming lahat tapos nagstart nang maglakad papunta sa mga assigned jeeps namin.

"Ui Hanna? saan tayo sasakay? 13 or 14?" Pagtatanong ni Ann sa akin habang naglalakad.

Memories of Him (Short story) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon