Part 07

458 8 4
                                    

=====RESORT=====

"Oh yan nandito na tayo." Imik agad ni Mr. President nang makarating kami sa resort na panliliguan namin.

"Yan huh tulong tulong sa pagbaba nang mga gamit natin." imik naman ni Celine sabay hawak sa isang supot at bumaba nang jeep.

"Geh ako na magbababa nitong mga baboy na pangihaw." Sagot ko sabay hawak nung tupperware. "Tabi nga jan bababa ako." sambit ko naman dun sa katabi ko.

"Sabihin mo munang di ka galit." sagot ni Nathan na hinaharangan ung daraanan ko.

"Tss. d naman ako galit. Kaya PLEASE padaan." imik ko ulit sa kanya.

"Sabi mo yan huh. Siya tulungan na kita jan." Tapos hinawakan niya ung tupperware na hawak ko.

"Wag na, ako na lang." tapos hinila ko papalapit sa akin ung tupperware.

"Tulungan na kita. :)" tapos hinila niya ung tupperware papalapit sa kanya.

"Aist. oh geh ikaw na magbaba niyan, pati rin nitong mga coke." tapos itinulak ko sa kanya ung tupperware at inilapit ung 5 bote nang coke sabay daan sa tabi niya.

"Ako na magbababa nitong gamit natin." Tapos hinila ko ung gitara at bag namin sabay lakad papalapit sa cottage namin.

Ilang minuto lang din naman ay dumating na din si Nathan na di magkaintindihan sa dala niya.

Ako naman pinanood lang siya na hirap na hirap sa pagbababa nung gamit niya.Hahaha. Dapat lang yan sayo! :P

Tapos nung maibaba niya ung gamit niya agad siyang lumapit sa akin. "Gitara ko?"

"Nandun po." Sabay turo ko sa kanya sa pinaglagyan ko nang gitara niya.

"Mamats panget :)" imik niya sabay pisil sa pisngi ko at lumapit dun sa pinaglagyan ko nang gitara niya.

"walang anuman..." Bulong ko sa sarili ko tapos sumulyap lang sa kanya at lumapit na sa mga classmates ko na nagiihaw.

"oh yan. tapos na kami sa mga gagawin namin. Yan na lang iihawin niyo ang iintayin namin." Imik nung kaklase kong lalake habang iniaabot ung mga tinuhog na baboy nung ibang girls.

"Maliligo muna kami. Pwede naman siguro?" request naman nung isa ko pang kaklase.

"Sure. Pwede na. Nagawa niyo na naman ang duty niyo. Kami nang tatlo nina Hanna bahala dito." sagot  ni mr. Pres. habang pinapaypayan ung uling na pinapabaga.

"Yes!" Imik nung mga nagpaalam kay mr. Prez tapos dumiretso na sa pool.

Paypay dito....

Paypay jan...

Nagkabaga...

Nilagyan nang iihawin.. *PSSSSS* (oH HA?? halimbaw ganyan daw ang tunog nang iniihaw.x3)

At hahanguin...

Yan.. ganyan nang ganyan lang ang ginawa namin nila mr. Prez habang tinatapos ung iniihaw namin. Pero habang paunti nang paunti ung iniihaw namin, nakikita ko sa mga kilos nung dalawa kong kasama na gustong-gusto nang maligo kaya...

"Oi mr. Prez at Celine.. Ligo na kayo. Ako na bahala dito :)" Naawa naman ako sa kanila kaya un ganun na lang naisip kong gawin.

"wag na. Tapusin lang natin to." -Celine

Memories of Him (Short story) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon