Part 05

458 9 4
                                    

After nung seniors ball, lalong naging weird ang mga bagay bagay sa akin. Like lalong dumadalas ung paghahatid sa akin sa sakayan, tapos madalas na din kaming nagkakasama at nagkukwentuhan na kaming dalawa lang.

Si Rem naman, bigla na lang nawala nang parang bula. Yung bang parang lumayo siya bigla na hindi man lang nagsabi. Hindi na rin naman siya nagttxt or nagmemessage sa akin. May ginawa ba akong masama sa kanya at bigla na lang siyang nagbago after nun?

Pero aun nga, sabi din ni nathan siguro hindi daw deserving si Rem na makatanggap nang OO from me. Biruin niyo as in super close na kami nitong si Nathan at kinukwentohan ko siya nang mga bagay tungkol sa love life ko. At lagi siyang nanjan para sagutin ung mga WHAT IF- ko sa guys.

Isang bagay lang ang hindi ko pa maitanong sa kanya. Kung talagang MU na kami. Ganun ang sabi nang mga kabarkada ko eh, we actually feel inlove with each others daw pero nagaalinlangan na magkaroon nang commitment. Ganun ba un pag special ang treatment niyo sa isa't isa?

Ayoko namang magassume na ganun nga un, malabo naman siguro. Pero teka bakit nga ba ganun? feeling ko ang sweet naman niya sa akin? lalo na nung matapos ung fourth year life namin.

=====FACEBOOK=====

kasalukuyang online si ako at inaabangan siyang online. Since nung nagbakasyon kami, na excite akong makachat siya. ewan ko kung bakit pero, hindi siguro magiging kumpleto buong araw ko pag hindi siya ang nakachat ko.

*DING*

"Gandang hapon panget :)" Message agad sa akin ni Nathan.

"Gandang hapon din^^" reply ko naman sa kanya.

"Kanina ka pang online?" -nathan

OO Magiisang oras na siguro? excited na makachat ka ee. Yan ung balak kong sabihin pero syempre nakakahiya kaya ganito na lang sinabi ko. "Hindi naman ka bubukas ko lang ^^."

"Eh? ganun ba......... I MISS YOU :)" natigilan naman ako dun sa sinabi niya. Feeling ko namumula ako >////<.

"HAHAHA.... agad na para iilang araw lang?" And that's what i hate about myself. Masyado akong duwag na iexpress ang nararamdaman ko.

"Kahit pa! miss ko ung pagtambay at paghiga ko sa binti mo.:(" >////< naman un un eh! ung memories nung seniors ball. Ung moment kung saan ako nahulog si <3 sa kanya.

"Sus para un? tagal na nun ah. Kalimutan mo na un, antokerz ka lang nung time na un!"

"Hindi ah! Physically tulog ako pero emotionally nasa heaven na ako. :)"

"haha. tamang banat. Teka sama ka ba sa birthday celebration ni Carmela bukas? Crush mo un diba?"

"Hindi ko crush un, nacucutan lang ako..... Depende ang pagpunta ko, pupunta ako pag nandun ka. :")"

"Ahh ganun ba? siya pupunta ako." Para makita kita. Gusto na ulit kitang makita eh. kung alam mo lang!

"Ok sige punta ako... Ei panget pasensya kailangan ko nang mag-out may laban pa kasi nang basketball mamaya, ee magpapractice pa kami."

"Ahh ganun ba? siya ingat ikaw :)"

" Ikaw din, I miss you." tapos aun nag offline na siya.

Since nag bakasyon, naging madalas ung time na busy siya dahil nung liga nila. May mga places pa nga daw silang dapat puntahan nang laban. Ako naman dahil strict si parents, gusto sanang mapanood siyang lumaban kaso di ako palabasin. >.< . kaya un, no choice pero maging prepaired para bukas.

Memories of Him (Short story) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon