Part 04

468 10 5
                                    

=====THE BALL=====

BORING..

Ganyan ang kinalabasan nung seniors ball namin, nung mag 10 na nang gabi. Naubusan na kasi nang pakulo at aun puro sweet music lang at tumutunog, konti lang naman din kasi ang mga couples dito.

"Ehem.. hey guys! Lithen up." imik nung emcee with matching high energy. "Para maging mas maganda ang evening natin, text me and I'll read your messages live! just text. 09283....... Ok intayin ko kayo." Tapos nag off nang mic si emcee at umalis nang stage.

Un namang mga classmates ko nagsipagdamput nang cellphone at naging abala magtxt. Ako naman, eto busy silang panoorin. na expire kasi si load. >.<

Tapos un, ilang minuto lang din nabuhay ung mga lights at umakyat nang stage ung emcee para magbasa nang texts.

"ok this one is for hanna. Bebehkoh, nasan ka? ung promise mo ha ung dance natin un lang. I love you bebehkoh from 0928........" -emcee

(MxS' Note: Seriously, nakalimutan ko ung buong message na sinabi ni guy nun basta ang importante kasi sa akin nung time na un, siya ang kaunaunahang bumati at live pa!)

After hearing the message, biglang nagtinginan ang mga classmates ko sa akin at nagsigawan. Few tables away from us naman may narinig din akong mga sigawan which means si rem ang nagtxt. Mejo naaaninag ko kasi siya sa table na un. Tapos after nung pagbati niyang un, nagtxt siya sa akin at pinaghandaan ung promise na sayaw ko sa kanya.

At nung time na namatay ung ilaw tinext niya ako na tumayo kaming dalwa at lalapitan niya ako.Nung una pa nga hindi kami magkahanapan pero ako na ung nagstep forward sa may liwanag para makita niya ako nang mas madali.

Di naman ako nagkamali kasi, pagharap niya kinawayan ko agad siya at aun nagstart na kaming magdance.

Ipinatong niya ung kamay ko sa balikat niya tapos siya naman pinatong niya ung kamay niya sa likod nang bewang ko. Actually, ung tayo namin parang pwedeng pwedeng mag hug kung gugustuhin niya. Haha syempre jowk lang!

Pero seriously, nao-off guard ako pag kasama ko siya. I feel like super open to him. Un bang parang kapatid ang turing ko sa kanya pero na fa-fall ako na lampas pa dun pag minsan. Tsss, retarded na talaga ako, may emotional problems na. >.<

"Buti naman narinig mo ung binasa ni emcee na dedicated sayo." pagoopen niya nang topic habang nagsasayaw kami. Simpleng swing lang naman ung gingawa namin.

"Nashock nga ako nung tawagin ung name ko, inasar nga agad ako nung mga classmates ko nung matapos ung message mo."

"Haha, kung ako nga din. Di ko naman ineexpect na akin ang unang mababasa at tsaka di ko dapat isesend yun, kase nahihiya ako pero ung classmate ko nagsend nung message eh." -Rem

"Haha, ikaw pa nahiya ka pa!" tapos ni lock ko ung mga daliri ko sa likod nang leeg niya.

Tapos aun nagkaroon nang few minutes silence, grabe naiilang akong tingnan siya sa mata kaya iginagala ko na lang ang paningin ko sa paligid.

"uhm.. Musta na nga pala kayo nung nathan?" Biglang tanong niya sa akin pagkatapos nung silence.

"ah un ba? still friends pa rin. bat mo natanong?"

"a.. wala lang. Kala ko kasi nililigawan ka nun.?"

"haha. Ako liligawan nun?... malabo!"

"Eh kung ako manligaw sayo? papayag ka."

sa tanong niyang un, napahinto ako. Pagdating sa mga ganung tanong na galing sa kanya nalilito ako kung sasagot ako nang oo o hindi. I know may nararamdaman ako para sa kanya pero minsan lang. Pwede ba naman un? Tulad ngayon, Feeling ko naiinlove ako sa kanya.

Memories of Him (Short story) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon