Part 10

430 8 6
                                    

"were here!" Sambit niya sabay hinto namin sa isang resto na malapit sa dagat.

"wow! ngayon ko lang ata narating ang place na to ah." imik ko habang pumapasok at iginagala ang mga mata ko sa kabuuan nung resto.

"teka it looks weird. Bakit parang walang ibang costumers dito kung di tayo?" pagtatanong ko sa kanya habang patuloy sa paglilibot nang mata ko sa paligid.

"it's because.." Tapos nag-snap siya at biglang tumunog ung isang lumang Jukebox at hinawakan ako sa bewang. "Pinareserve ko to para sa isang PRIVATE apointment."

Bago pa man ako sumagot nagplay na mula sa jukebox ung 'wonderfull tonight' at ginabayan niya ung mga kamay ko na ipatong sa balikat niya.

We're actually dancing na, kung tutuusin. Kaya tiningnan ko siya tsaka nagreact."Wow. May nalalaman ka nang private appointment ngayon huh?"

"Hahaha sakyan mo na lang trip ko." tapos inilapit niya ung ulo niya sa may ulo ko at bumulong. "Alam mo bang super na miss ko ang seniors ball natin kaya naisipan ko ang ganitong setting? Sobrang pinagsisisihan kong hindi kita naisayaw nang matagal."

"Haha. Alam mo bang nung time na un sobrang confused naman ako kung sino sa inyo ni Rem ang pipiliin ko? ung taong napangakuan ko o ung taong mahal ko?" sagot ko sabay baon nang ulo ko sa dibdib niya.

"And I'm so glad na ako ang pinili mo. Alam mo bang hindi ko inaasahang ikaw ang makakatuluyan ko?."

"Alam ko, kase nung una ganyan din ako. Kase wala ka sa stado nang mga type kong lalake." at dahil dun sa sinabi ko. Inilayo niya ung ulo niya sa ulo ko at tiningnan ako nang direkta.

"At ano naman kaya ung type mong guy?"

"Haha syempre opposite mo. Pero wag kang magalala. Kinatuwa ko pa ngang ibang guy ka at hindi katulad nang dream guy ko."

"sus ikaw talaga," tapos hinalikan niya ako sa noo. "Halika na nga, tara munang kumain." tapos dinala niya ako sa isang mesa na malapit sa bintana at nagsimula nang kumain.

"Pagkatapos natin dito tara dun." imik niya sabay turo dun sa tabing dagat.

"Sure ka ba? Parang nalakas ung ulan oh." tanong ko habang nakatingin sa tinuturo niya.

"Ulan lang yan." sagot niya sa akin at nagpatuloy sa siya sa pagkain.

"owkie sabi mo ee, buti na lang nadala ko itong payong." Pagkasabi ko nun, tahimik na kaming kumain nang miryenda namin.

At ilang minuto lang din ay nagkayayaan na kaming pumunta sa tabing dagat at naglakad-lakad dun.

We're actually holding each other's hand. :)

Ito un ee, ung feeling na maglalakad na kami mismo na walang pagaagam-agam akong nararamdaman.

"Uhm Hanna?" Imik niya sabay hinto sa paglalakad namin kaya napauna ako nang konti sa kanya saka humarap sa kanya.

"Baket?"

"Sa tingin ko mali ang ginagawa ko." Tapos bigla siyang tumungo sa akin.

"huh? anong ibig mong sabihin? Wala naman tayong tinatapakan diba?" at dahil sa sinabi niya, naalarma ako at lumapit sa kanya.

"Oo tama ka wala tayong tinatapakan pero.. Sa tingin ko hindi dapat sa ganito magtapos ang lahat."

Memories of Him (Short story) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon