~John Steve's POV~Masaya ako ngayon kasi sumama ako sa Christmas Party ng isang sikat na kumpanya. Bilang isang miyembro ng choir, sumama ako kahit ayaw ko. Eh, isipin mo ba naman na kasama yung dalawang taong may gusto sa'yo. Mapapayagan mo ba naman yun?! Ayaw ko sanang bumalik kaso lang pinilit ako ni maam. Gizon. Anim kami na sumali. Ipapakilala ko sila.
My name is John Steve Ariarde. 19 years old. A BS Chemistry student. You can call me Rim. Why Rim? Ewan ko.
Si Neah Jemma Castro naman ay bestfriend ni Keith Hazel Tuzan na kaibigan ko naman dahil hindi naman masyadong approachable si Neah. Pareho silang 18 pero mas matanda pa'rin si Hazel dahil August siya at September naman si Neah. Si Hazel ay Phsychology at si Neah naman ay Criminology. Mas gusto ko si Hazel kesa kay Neah. Mas maganda, mas maputi, at mas makinis siya kesa kay Neah. Nagustohan ko lang kasi kay Neah ang pagiging matalino, mabait, at pagiging totoo sa sarili niya. Alam ko rin na ang dalawang mag-bestfriend na'to ay may gusto sa'kin.
'Hehe, pogi ko noh?'
Si Christian Thomas Tuzan ay kakambal naman ni Keith. Siya ay nasa Criminology section kasama ni Neah. Kabarkada ko rin since kinder.
Si Marco Enrico Gomez ay kabarkada ko since kinder.
Si Louise Angeline Salvador ay kaibigan ko rin pero pinsan siya ni Neah.
Si Ashley Irish Santos ay crush ko. Hehehe.. Since kinder.
Lahat kami ay magkakaibigan pero isang tao lang ang nakatawag ng aking pansin. Dati kasi, napaka-energetic niya pero ngayon, wala na yung saya. Kung ngingiti man siya, pilit naman. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para pasayahin ulit yung kaibigan ko. Baka may ginawa ako sa kanya? O baka naman....
'Wag na!"
•~•
"Jemmmmmmm!!" Tawag ni Hazel kay Neah.
Tumingin naman si Neah kay Hazel at hinawakan siya sa braso.
"Oh? Okay ka na? Smile naman jan!" Sabi niya kay Neah Jemma.
"Uuhmm, H-hazel, hayaan mo muna siya." Sabi ko.
Umalis kami ni Keith Hazel at pumunta sa sarili naming table. Pansin ko rin na sa buong araw, hindi man lang ngumiti o nagsalita man si Neah.
Playing: Love Grows at Christmas Time
"Snow falls, nature slumbers, winters flurry stops new growth.
December, brings the season, filled with laughter and new hope.
Kindness abounds, good deeds seem to thrive...
(Kindness abounds good deeds seem to thrive)
Hate is put down and your brotherhood comes alive"Pagkatapos naming kumanta ay isinerve na yung pagkain namin. Poker face pa'rin siya.
"J-john, lapitan mo kaya?" Pagmamakaawang sabi sa'kin ni Hazel.
"S-sige.."
Lumapit ako sa kanya pero bigla siyang umalis. Hindi siya kumikibo pero naririnig kong humihikbi siya.
'Bakit? Ganun ka nalang ba talaga Neah? Walang pakialam sa mundo?'
"Neah... N-neah! Jeeeemmm!" Tawag ko sa kaniya at bigla siyang huminto. Tumalikod siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tumalikod ulit siya na parang hindi pa'rin ako nakita.
'Loko 'to ahh!!'
*CLANK!!
Mayroon akong narinig bigla. May nagsisigawan at ramdam kong may pinagagalitan at ipinipahiya.
BINABASA MO ANG
Sana Matanggap Ko Na... {The Manhid Series} [On-Going]
Teen FictionGenre: Teen Fiction (May halong romance, mystery/thriller, comedy, etc.) Ang daming problema sa buhay ng isang tao. Minsan, problema sa pamilya, pag-aaral, pag-iimbestiga at kung tutuusin, sa pagmamahal. Ganyan ang millenials. Join Neah Jemma and Jo...