Chapter 6 Island Hopping (News)

49 3 6
                                    


~John Steve's POV~

Nakakapabagabag? Nakapabagagabag? Tsk!!

Nakakapagpabagabag. Ah!! Basta, nakaka--- wag na nga!! Ang hirap mag-pronounce.

"A-ate!!" Bungad ko kay Quim.

"Oh?! May nangyari ba???" Tanong niya.

"Ate, mapapahamak s-si Ne-- Jemma!!"

"Bro, ang praning mo... ibig sabihin..." sabat ni Matt.

"Hindi ako bakla!! Huwag kang mag-isip dahil---"

"Hindi mo na kailangang mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko." Sabat rin ni Neah. Nakaupo pa'rin siya sa higaan niya. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Anong pangiti-ngiti yan, ha? Alam mo, para kang timang." Sambit niya.

"H-hindi ako timang!! Mayroong death threat si Ne-- Jemma!!"

Nanlaki ang mata niya. Nagulat rin si Matt at si ate.

"A-ano kamo? Death th-threat?" Nag-aalalang tanong ni Matt.

"Oo nga!! Eto oh!" Pinakita ko sa kanya ang text message na natanggap ko mula sa isang unknown number. "Ayan! Nag-text bigla. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko pagkatapos kong mabasa iyan!!"

"Kung ganun...." tumingin si ate at Matt ng sabay kay Neah. "Neah, your life is in danger."

Ngumisi naman siya na para bang walang pakialam sa mundo. Ay! Oo nga pala. Wala talaga siyang pakialam sa mundo.

"By the way, tinawagan ako ni momay. Ang sabi niya, pupunta daw tayo ng Cebu para i-check si Grand Poppy." Ani Jemma habang nakatingin pa'rin sa binabasa niya. "At, isasama kita Steve."

"A-ako? Bakit ako?"

"Ayaw mo? Ni-request lang ni lolo na pumunta ang isang bestfriend ko. Since kilala ka niya at si Keith, in-invite kita. Wala si Keith dahil may business meeting ang parents niya at kailangan niyang bantayan yung kapatid niya. Just please, cooperate." Sabi niya.

"Huwag na huwag ka lang talaga gumawa ng bagay na ikahihiya at ikaiinis ni Jemma. Baka kapag nasapak ka niyan, triple kill ang aabutin mo." Banta ni Matt sa akin.

"Maghanda ka na ng gamit mo at bukas na bukas aalis na tayo. Ate Quim, sama ka ah?" Sabi ni Jemma kay ate.

"Oo. Mag-e-excuse letter ako kay maam. 2 days right? I stand by corrected." Sabi naman ni ate.

"Don't worry. It's just 2 days and we will pay the flight." Sambit naman ni Neah.

May bumabagabag sa isip ko. Bakit gusto ng anonymous person na iyon na patayin si Jemma? Oo, siya nga si Ate DokTive na puro hugot. Natamaan ba itong taong ito? Masyado 'atang sensitive itong anonymous person. Not to mention na murderous ang pagkakasend ng sms message.

"Steve... steve..." hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ni Jemma. "Kaya kita pinasama ay dahil napipilitan lang ako. Isasama ko rin si Christian. Don't worry mapoprotektahan naman ako nun."

Biglang nalungkot ang damdamin ko.

'Hindi na talaga niya ako mapagkakatiwalaan...'

"Lalabas lang ako. May i-me-meet akong kliente."

Nagtaas ng isang kilay si Jemma. Akmang lalabas na sana ako ng kwarto ni Jemma nang bigla siyang nagsalita.

"At kailan ka naman nagkaroon ng kliente?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Matanggap Ko Na...  {The Manhid Series} [On-Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon