~Neah Jemma's POV~"You're stalking me aren't you?" Tanong ko kay John. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat.
'Akala mo naman kasi na maiisahan mo ako... tsk tsk tsk.... patago-tago epek pang nalalaman... bokya naman..'
"A-ah, hindi ahh!!! Papunta kasi ako sa bahay ng tita ko.. s-si tita Ferol.."
"Si tita Ferol? Diba sa kabilang subdivision pa yun? Bakit nauutal pa 'po' kayo?" Sarkastikong sabi ko.
"Ah- eh..."
"I at O at U... sige lang... mag-vocalization ka lang diyan. Pampalakas ng boses.. pampaganda pa. Geh, tuloy lang.."
Naiwan ko tuloy siyang nakatunganga...
'Bwahahahaha!! Ganito ang mga mean girls.. sinsaktan ang taong sinaktan sila.. bawing-bawi na ako.. handa na'ko mag-move--- What the HECK is he doing?!?!'
"W-WHAT THE---?! John, tigilan mo yan!!"
"Hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi kung bakit galit na galit---"
"Hindi ako galit."
"Galit ka eh..."
"Hindi ako galit."
"Hindi nga, may sama ng loob naman!!!"
"Hindi nga ako galit sabe eh!!!" Sigaw ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. " Hanggang kelan ko pa ba sasabihin sayo na layuan mo ako?! Kung ayaw mo nang umalis, edi sige!! Humiga ka lang diyan sa daan at hintayin mo si kamatayan!!" Dagdag ko pa. "Huwag mo na akong kulitin dahil tatlong beses kong sinabe na 'Hindi ako galit!!'. Sinabi ko na sa iyo ang lahat at hindi mo na kailangang mag-pumilit pa dahil yun at yun lang ang dapat mong malaman!"
Natigilan siya.
'Sige lang Juan. Babanatan kita kapag may sinabi ka pa..."
Binuksan ko na ang pinto at malakas na isinara ito.
*EEEEEEEENNNKKKK!!!
*DUUUUUGSSSSHHH!!!'BUWISET!!!!'
♣
♣
♣
♣
~John Steve's POV~
'B-bakit ganito?! Bigla akong nagalit?!'
'N-nagalit sa sarili ko... b-bakit kasi ginawa ko pa yu--'
*TOK!! TOK!! TOK!! TOK!! TOK!!
Narinig kong may kumatok sa pintuan, obviously.
*EEEEEEEENNNKK!!
Pagbukas nito ay nakita ko si mom.
"H-hi mom." Bati ko sa kanya.
"Anak, how's the celebration?"
"Okay naman, ma."
Tumango siya. Parang mayroong kakaiba sa kilos niya at ramdam kong mayroong nanaman siyang itatanong tungkol k-kay....
"Neah..."
"M-ma, ano bang s-sinasabi mo?" Kabadong tanong ko.
"Ahhh, okay na ba kayo ni Neah? I-i mean ni J-jemma?"
BINABASA MO ANG
Sana Matanggap Ko Na... {The Manhid Series} [On-Going]
Teen FictionGenre: Teen Fiction (May halong romance, mystery/thriller, comedy, etc.) Ang daming problema sa buhay ng isang tao. Minsan, problema sa pamilya, pag-aaral, pag-iimbestiga at kung tutuusin, sa pagmamahal. Ganyan ang millenials. Join Neah Jemma and Jo...