Chapter 5

31 2 3
                                    


~Neah Jemma's POV~

•Flashback•

Pagkatapos naming kumain, dumeretso kami ng Quantum para maglaro. Palagi akong nananalo dahil kusang nagpapatalo si kuya.

"Hahahaha!! Ang saya nun kuya! Balik tayo next time..." sabi ko.

"Geh, balik tayo. Dadalhin ko na rin si Quim at si J-john."

"K-kuya wag kang mag-alala. Okay lang sa'kin yun.."

Naglakad na kami papuntang parking lot.

"Neah, okay lang ba kung iwan ko muna kayo ni Christian dito? Ihing-ihi na talaga ako." Tanong ni kuya sa akin. Tumango naman ako.

*KRIIIIIIIING!! *KRIIIIIIIING!!

Biglang tumunog ang telepono ni Christian.

"Hello?.... ha?! S-sino?!..... sige..... Ano?! Bakit ganun?!.... TSK!! Kailangan ko pang samahan si Ne--.... Ngayon na?!.... S-sige!" Tumingin siya sa akin.

"B-bakit? Ano ba yung nangyari?"

Tumingin sa akin si Christian.

"Okay lang ba sa iyo na iwanan kita dito? Importante kasi. Si Lolo Lohan kasi... kailangan  ihatid sa ospital. Inatake ulit sa puso. Sorry talaga." Hinawakan niya ako sa balikat at binigyan ako ng isang yakap.

"Okay lang. Sige na. Sabihin mo kay lolo na magpagaling siya. Mag-ingat ka!!" Sinabi ko bago siya tumakbo papunta sa kotse niya.

Kumaway ulit ako sa kanya hanggang sa hindi ko na matanaw ang kotse niya.

"Haaaaay, ang tagal naman ni kuya! Hmph! Nambabae nanaman ba yun?!" Bulong ko sa sarili ko.

'Pero parang nakita ko siya.." sabi ng isang misteryosong tono ng isang lalaki.

"Huh?! Sino ka?!" Tanong ko.

"Ako lang naman ang nag-iisang 'M' sa mundo."

"E-m? S-sino ka?!"

"M for malupit. M for mapogi. M for macho. M for matalino. M for mabangis. At higit sa lahat... MASAMA."

Nangilabot ang buong katawan ko.

"S-sino ka?!" Sigaw ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid at ginawang alerto ang sarili ko dahil alam kong baka matsambahan ako nito.

"Alam kong may bahid ng takot ang iyong mukha. Huwag kang matakot Ms. Jem. Wala akong gagawin sa iyo." Bigla siyang lumabas.

Kitang-kita ko na parang sabik na sabik siyang gumawa ng isang masamang bagay sa akin.

Bigla siyang pumunta sa likod ko at may itinutok na matulis na bagay malapit sa leeg ko.

Sana Matanggap Ko Na...  {The Manhid Series} [On-Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon