~Neah Jemma's PoV~Kinuha ko ang phone ko. Dahil nga sabi ko ay Sabado ngayon, free akong lumakwatsa. Pero, nakakatamad. Wala akong magawa. Meron akong app na may mga free books (a.k.a. WATTPAD). Nagsulat ako hanggang ma-bored. Binuksan ko ang laptop ko at nag-type sa blog ko.
*Blog #1*
Ang Maganda Kong Doktor/Detective QuotesAche. May iba't-ibang gamit ang salitang iyan. May backache, headache, footache, kneeache, shoulderache. Minsan mapagkakamalan mo na mayroon siyang rayuma. Lahat ng sakit na iyan ay nagagamot. Pero mayroong isang word na gumagamit ng ache na hindi nagagamot ng simpleng gamutan lamang. Ito ang heartache. Rare ang gamot na ginagamit at it takes more than years bago magamot ang sakit na ito. Kailangan humanap ng isang taong propesyonal para magamot ito dahil kahit ako ay hindi magamot ang sarili ko. People who have heartaches cannot cure their own sickness without anyone helping them to move-on.
Gamot #1
Pag-mo-move on. Ang pag-move-on ay isa sa mga gamot na pwedeng panlunas ng heartache. Sa pamamagitan nito, magagawa mong makalimutan ang lahat ng sakit at hinanakit na ginawa niya sa iyo. Nagagawa rin nitong gawin kang manhid kung sosobrahan mo.
Gamot #2
Pag-tanggap. Isa rin ito sa mga gamot na pwedeng lunok-lunokin. If you ask me, ang pag-tanggap ay kailangang gawin ng buong puso. Hindi ½. At hindi rin ¼. Kung kalahati lang ang pag-tanggap mo na ayaw niya sayo, hindi mo magagawang kumpletuhin ang mga gamot mo. Ang pag-tanggap, nagagawa kasama ng mga maintenance kagaya ng Ibang kapalit...
Gamot #3
Humanap ng ibang kapalit. Kung keri na ang lahat ng maintenance at gamot, kaya mo nang maghanap ng iba o pwede ring hintayin nalang si mr. or ms. Right. Natapos mo na ang mga stage na iyan. Trust me. Lahat ng iyan, ginawa ko, pero, I am still waiting.
WARNING:
WAG MAG-OVERDOSE. DAHIL KUNG SOSOBRAHAN MO, IKAW RIN ANG MASASAKTAN.
*END OF BLOG*
"Phew!!!!" Sigaw ko dahil sa wakas ay natapos na ang blog ko.
*TOOT!! *TOOT!!
MAYROONG NAG-MESSAGE AGAD?! ANG BILIS!!!
Message #1- Rita-ritaPoMe
Ate DokTive, ano po ba ang mga pwede kong hanapin sa lalaking ipapalit ko sa unang sumakit sa akin?
Rita-ritaPoMe, ang dapat mong piliin ay ang lalaking magpapasaya sayo. Hindi ko man alam ang mga type mo, basta ang i-susuggest ko nalang ay ang lalaking magpapasaya sa iyo.
Message #2 BoboFuccBoi
Ate DokTive, ano po ba ang gusto niyo po sa lalaki? Saan po nanggagaling ang inspiration ninyo?
'Bakit naman parang napaka-pranka naman ng tanong?!'
"Kuya!! Samahan mo'ko sa school mamaya! Sasagutin ko lang itong comment sa blog ko! Tapos i-libre mo'ko sa mall! Isasama ko sa'tin si Christian!! Gora na kyah!"
![](https://img.wattpad.com/cover/131063645-288-k218873.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Matanggap Ko Na... {The Manhid Series} [On-Going]
Teen FictionGenre: Teen Fiction (May halong romance, mystery/thriller, comedy, etc.) Ang daming problema sa buhay ng isang tao. Minsan, problema sa pamilya, pag-aaral, pag-iimbestiga at kung tutuusin, sa pagmamahal. Ganyan ang millenials. Join Neah Jemma and Jo...