{P a g e s 8}

198 4 0
                                    

P a g e s 8 ------------->




Ali




"Itong mga nakaraang araw, napapaisip ako, sa kung ano ba talaga ako? kung sino ba talaga ako?kung ano ba talaga ang gusto ko? At higit sa lahat kung ano ba talaga ang magpapasaya sa akin?


"Bukod sa apat kong kaibigan, ano paba ang magpapasaya sa akin,ang totoo pati ako diko na alam,


"Naguguluhan ako,, confuse ako sa sarili ko, basta yun na yun, pinoproblema ko pa, kung dapat ko bang ipaalam sa kanila, ang nararamdaman ko oh sosolohin ko nalang,


"Nasa trenta higt na ako, pero ngayon ko pa naramdaman ito, nagsimula lang ito nung gabi,nung lumabas kaming magkakaibigan,


"Nung time na papunta ako ng cr nun, may nakanakaw ng atensyon ko, ang dalawang pares na nakaupo, at magkahawak ang mga kamay,


"Hindi ko alam pero, ung feeling ko that time na naiihi biglang nawala, natuon ang buong atensyon ko sa mesa, kung saan naroon ang dalawang tao, nasa tingin ko ay nagmamahalan, dahil magkahawak sila ng kamay, habang nakapatong ang mga kamay nila sa mesa,


"Hindi nila alintana ang mga tao sa paligid, walang silang paki alam kahit na sa bawat taong, lalagpas sa mesa nila, ay pinagbunulungan sila,ganun talaga pag nagmamahal, wala kang paki alam sa iisipin oh sasabihin ng iba, basta ang mahalaga masaya ka, at masaya siya sa piling mo,


"Sa tagal ng minuto na pagkakatitig ko sa dalawa, napuna ko na napatingin sa akin ung isa, kinindatan niya ako, ewan ko imbes na mainis ako, para kinilig ako, pero umiling ako di pwede ito, di tama na kiligin ako, sa isang kindat lang,


"Hanggang sa nagpasya na akong umalis, at pumunta na ng cr, tutal yun naman talaga ang pakay ko, ang mag cr diba, kaya dali dali na akong pumasok,


"Nasa kalagitnaan ako ng pag ihi, ng may tumabi sa akin, pagtingin ko ang kumindat pala sa akin kanina, kaya binilisan ko ang pag ihi, hanggang sa naghugas na ako ng kamay,

Alam mo, type kita,

"Yan ang sinabi niya sa akin, kaya naman napahinto ako sa paghuhugas ng kamay, at napatingin sa salamin, kung saan kita ko ang mukha niya,

"Hindi mo alam kung anong nangyayare sa akin,at napatitig lang ako sa maamo niyang mukha,habang nakangiti ito nakatingim sa akin sa harap ng salamim,

Wag mong sabihing first time mo?

"Yan pa ang sinabi niya, diko na alam ang nararamdaman ko, naghalo halo na ang lito,kaba, at kung ano ano pa sa sistema ko,

Aahh paminta ka anoh?

Dagdag pa niya ulit, dahil hindi man ako nagsalita sa bawat sinasabi niya sa akin,

Napakunot na ng tuluyan ang mga kilay ko, hindi ko magawang ibuka ang bibig ko, para makasagot sa katabi ko,

Oh, tawagan mo ko pag kaylangan mo ng makakausap, wag kang mag alala nauunawaan kita, dumaan din ako sa ganyan,

Napatingin nalang ako sa calling card na iniwan ng lalaki sa akin, tinitigan ko maige ang pangalan niya, Karl Latrino,

Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko,

Ali bilisan mo, inaantay na tayo nina Cheska sa mesa,

Nakatayo na pala sa pintuan si Dennis

Oo anjan na,

Agad kong binulsa ang calling card niya, saka bumalik sa mesa kung nasaan ang iba,

That night, dun na nagsimula ang lahat, kaya hanggang ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko,

"Ang hirap pala!!!ung akala mo alam mo na lahat, ang mga gusto mo sa isang iglap, para nawalang bigla,ung mga dating hilig mo, bigla mo nalang inaayawan, ung mga dimo ginagawa noon, gustong gusto mo ng gawin ngayon,ano naba talaga ang nagyayare sa akin,

Ali baba na,handa na ang hapunan, ikaw nalang inaantay,

Sige susunod na ako,

"Kahit sinabi kong susunod na ako, parang walang ganang kumilos ang mga paa ko, para wala ring gana ang bibig ko na kumain,parang mas gusto ko pa ung ganito, ung nakahiga lang ako dito sa kama, habang nakatingin sa kisame, walang kasama walang nangiistorbo, pero ang daming naglalaro sa isip,

"Makababa na nga lang, baka mamaya magalit pa sila sa akin, saka ko nalang pag iisipan, kung paano ko sasabihin sa kanila ang mga nangyayare sa akin, kaylangan may sabihan ako, para naman mabawasan ang nasa dibdib ko, medjo masikip narin kasi!!!

"Pagbaba ko sa kusina, tama nga nandoon na silang lahat, ang apat kong kaibigan,panigurado may dalang kwento ang bawat isa sa kanila, kung anong nangyare sa maghapon nilang trabaho,ako kaya ano kaya ang maibabahagi ko,hhaaayyyyyyyy

Grabe ang lalim naman nun Ali, ayos ka lang ba ah?

"Katabi ko pala si Cheska, kaya pala narinig niya ang pag buntunghininga ko,sa kanya ko kaya sasabihin, tutal siya naman ang pinaka close ko sa apat, at isa pa sure ako na mauunawaan niya ako,

Mamaya may sasabihin ako saiyo,

"Lapit ko sa tenga ni Cheska sabay bulong, buo na ang pasya ko, sa kanya ko sasabihin,

Ui ano yan,

"Singit ni Jade na nakaharap pala sa amin ni Cheska, kaya panigurado na nakita niya na may binulong ako kay Cheska,

Ah wala!!

Sita ni Cheska kay Jade na nakatingin na sa amin,

Kumain na kayo, mamaya na kayo magdaldalan jan, may maganda pa namang palabas sa tv ngayon,

Sita sa amin ni Melai, dahil wala si Dennis siya ang ate atehan namin, guro nga siya, kaya minsan ang pagiging guro niya ay nai a apply niya dito sa bahay,

At tahimik na kaming kumain, pinilit kong kumain, kahit na wala talaga akong gana, ayoko na may makahalata sa mga kinikilos ko, dahil pag nagkataon uuriratin lang ako ng mga ito,

"At wala pa akong planong magpasabog ng bomba, kaya nga mas naisip ko na kausapin nalang mamaya si Cheska, nakasalalay sa kanya ang pagpapasya ko, kung ipapaalam ko pa sa iba ang mga nangyayare sa akin,

"At dahil ako ang toka sa paghuhugas, minabuti ko ng mabilis na iligpit ang lahat, para makausap ko si Cheska,

"Napatingin ako sa iba, na abala sa pagharap sa telebisyon, sana hanggang sa matapos ako, ganyan sila, ng sa ganun di nila mapansin ang pakikipag usap ko kay Cheska,

"Wala pang kalahating oras, natapos ko na agad ang paghuhugas, nagtxt nadin ako kay Cheska na aantayin ko siya sa may 3rd floor ng bahay, plano ko sa rooftop siya kausapin, may tambayan din naman dun, kaya mas ok na din,para kami lang talaga na dalawa,


---------------------->
Itutuloy

Sana masabi na ni Ali ang gumugulo sa kanya, at sana nga maunawaan siya ni Cheska, dahil sa sitwasyon niya ngayon, ung ang kaylangan mismo ni Ali, ang isang kaibigan na handang makinig at umunawa sa sitwaston niya,

Kayo ano po bang maipapayo niyo kay Ali? Sa pagiging confuse niya sa kanyang pagkatao?

Abangan niyo ang paghaharap ulit nina Jade at Victor,

Kamusta naman kaya ang isang daang pirma,binigay kaya sa kanya?

Comment po kayo aahhn, asahan kopo yan, thank you so much.

Labyuh♥♥♥

~The Proposal~    CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon