P a g e s 37 ------------>
Saktong pauwi na ako ng tawagan ako ni Jade,,hindi ko na naitanong kung asan naba siya,, dahil halata sa boses nito na parang nagmamadali siya na ewan,, basta ang sabi ko nalang magkita nalang kami sa bahay,,para dun nalang mag usap,, isa pa kailangan ko ng makauwi agad,, baka hinahanap na ako ni Jhamir, dahil ang paalam ko ay may bibilhin lang kami ni Jade,,,,hhaaiisstt isang nakakawendang na gabi,,, at sabay hinto ko ng sasakyan sa tapat ng bahay...
Nung nasa ospital kami ni honey,, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya,,, at syempre nasagot lahat ng tanong ko sa isipan ko,,, medjo nagkagulo man pero atleast naayos din sa huli,,, at yun abot abot langit ang paghingi ko ng tawad kay Honey...
Maling akala!!!!,,, tama nga yung kasabihan na maraming nanamatay sa maling akala na yan,,, pero gud news kasi di ako namatay,,, oh sina Jade at Honey na di halos magpaawat kanina,,, at buti nalang naisalba ko sa pagkamatay ang relasyon namin,,, yun naman talaga yun diba,,,,
May natutunan nanaman ako na panibago, sa pangyayare itong,,, kung ano???,,, ay yung matuto kang magtanong,,, bago ka umaksyon,,,siguro nga kung sa simula palang ay kinausap ko na agad si Honey,,, di sana walang kalmutan oh sabunutan na naganap,,, hindi ko kasing kayang tanungin si Jhamir,, baka kasi isipin niya pinagdududahan ko siya,,, which is yun naman talaga diba,,, pero hindi aahh,, ah basta yun na yun,,, ang mahalaga natapos na itong issue na ito,, na ako lang pala mismo ang nag iisip at nag aalala...
Medjo natawa pa nga ako kanina,, sabi kasi ni Honey,,,,madalas daw talaga siyang nasusugod ng mga babae,, anjan ung pinagkamalan siyang kabit,, kirida,, kulasisi,,, third party,,, mang aagaw,, at kung ano pang bansag sa mga taong ganun....
At yung nangyare kanina,, ay hindi na daw bago sa kanya,minsan daw gusto niyang sisihin ang mga magulang niya,,, kung bakit sa dinami dami ng pwedeng ipangalan sa kanya ay "Honey pa",,, aaminin ko nakaramdam ako ng konsensiya kanina,,oouucchhh,,, nga naman kasi di ko man lang ito natanong kay Jhamir,, bago ako umaksyon ng ganun diba,,, well its to late too regret,, nagawa ko na at humingi naman ako ng tawad kay Honey,,, maluwag sa kalooban ko na nagkaayos kami,, at ok na ang lahat...Ngayon si Jhamir naman ang haharapin ko....
Pagpasok ko ng bahay,,, tahimik na malapit na kasing mag 12,,, kaya agad akong nagtungo sa may beranda,, kung saan ko iniwan dun sina Jhamir at Dennis na nag iinuman kanina lang..
Malalaking hakbang ng aking mga paa, hanggang sa nakita ko ang isang lalaking nakayuko,,, at sa itsura palang niya alam ko na kung sino siya,,,, kaya naman agad na akong lumapit na kanya,, para gisingin siya at makalipat sa kwarto para makatulog na ito....
Nakahiga na ako sa kama,,, at buong nakatitig sa mukha ni Jhamir,,, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko,,,, kung bakit nangyare yung kanina,,, alam ko hindi naman siya ang nasugod,, oh nakalmot at nasabunutan,,, pero pakiramdam ko,,, kelangan ko paribg humingi ng sorry kay Jhamir,,, dahil heto nanaman ang issue ng pagtitiwala.
Buo naman ang tiwala ko sa kanya,, kaso may kasunod un na "KAYA LANG"...Alam ko may nga kagaya akong babae na ganito ang pinoproblema,,, siguro nga hanggat hindi kami nakakasal, hindi ako mapapanatag,, hindi ako magiging kampante sa relasyon naming dalawa,, kahit na sobrang tagal na naming dalawa...
Lalaki parin si Jhamir at maraming pwedeng magkagusto sa kanya,,, na tun ang ikinakatakot ko,,, baka kasi ung 12 years namin,,, matapon lang ng basta basta,,,, mabura lang walang pag aalinlangan,,, Hindi ko na kasi nakikita ang kinabukasan ko,, na wala sa tabi ko si Jhamir,,, ultimo nga eksena sa isip ko na nasa banyo ako,,, kunyare tapos siya nasa labas ng pinto,, at kinakatok ako kung oo lang ako,,, oh diba ang lakas makakilig ng tagpong yun,,, kahit na sa iba ay kay babaw lang,,, aahh basta kilig ako sa eksenang ganun....Makababa na nga lang muna, at akoy nauuhaw,,, kaya agad akong umalis sa kama,, ng dahan dahan, para di magising g mahimbing na tulog ng aking pinakamamahal.
Pagbaba ko sa kusina,,, nakita ko sa Ali na nakaupo sa sofa,,, uuhhmmm mukhang malalim ang kanyang iniisip,, ni hindian lang niya napuna ang pagbaba ko,,, kaya agad akong nagtungo sa kusina,, at lumapit sa ref para kumuha ng tubig....
Bitbit ang bottle na tubig,,, umupo ako sa tabi ni Ali,,, na kung dipa ako tumabi sa kanya,, hindi niya talaga ako mapapansin..
Baka naman malunod ka na sa lalim ng iniisip po,,,, sambit ko sa kanya saka bukas ng bottle ng tubig na hawak ko,,, at pagkatapos kong uminom,, nakatingin lang ito sa akin na parang timang lang.
Anong problema???",, sabay kunot ko ng kilay ko sa kanya,,, hindi ko alam kung peke bang ngiti ung ginawa niya,,, oh tunay na ngiti,,, pati tuloy ako naguluhan sa baklang ito.....
Si Melai kasi!!!! tugon niya sabay kamot sa ulo niya,,, aba mukhang marami atang kuto ang mokong na ito,,, at saka ako nagsalita ulit...
Oh anong meron kay Melia?
Hindi niya daw matanggap na bakla ako,kaya nakikiusap siya na kung pwede bumalik nalang ako sa dati,, kung gusto ko daw na mag kausap pa kami, at maisalba ang pagkakaibigan namin...
Ako tuloy ang napabuntonghininga,,, oo alam ko na never na matatanggap ni Melia ang pagbabago ni Ali,, pero diko akalain na pati ang pagkakaibigan nila ay idadamay pa ng luka lukang yun,,,..Tinapik ko ang balikat ni Ali..
Alam mo hindi mo naman pwedeng ipilit ang ayaw mo Ali,, oh ang labag sa kagustuhan mo,, ng dahil lang sa pagkakaibigan niyo ni Melia, nasasabi niya lang yun dahil di pa niya tanggap ng lubos,,kaya kung ako saiyo,, Stay what you are,, pasasaan ba't matatanggap ka din ni Melai,, isa pa andito pa kami na naka suporta lang saiyo, tandaan mo yan palagi...
Salamat Cheska,,, at niyakap ako ni Ali..
Basta gawin mo lang ang gusto mo,, basta wala kang tinatapakam oh sinasaktan na tao,, at asahan mo na nasa likod mo kaming lahat,, idamay mo pa si Jhamir at ang bago mong kaibigan na si Karl,, sigurado ako,, mas sasaya ang samahan natin dahil wala tagong tinatago sa isat isa....
Pagkatapos ng pusuang pag uusap namin ni Ali,, nagpasya ba akong bumalik sa kwarto,, para makapag pahinga na,, at makaipon ulit ng lakas, para kausapin si Jhamir,makipagkita ulit kay Honey,,, pakiramdam ko kasi un ang tama na gawin ko,,, lalo na sa babaeng wala namang ginawang masama sa akin,, na ang tanging hangad lang ay ang, makapagtrabaho ng maayos, at kumita para sa mga mahal aa buhay.....
------------->
Thanks po sa pag basa.
♥♥♥
Comment and vote.
<3<3<3
Labyuh
♡♡♡
BINABASA MO ANG
~The Proposal~ Complete
Romansaa girl who's willing to wait, mag aantay siya ng mag aantay sa isang pangarap, na kay tagal na niyang inaantay, hanggang saan kaya ang kaya niyang tiisin, para sa pag aantay ng kay tagal niyang inaasam, mula sa lalaking matagal na niyang minamahal? ...