P a g e s 34 -------------->
Mula nga ng araw na yun, nagpatuloy ako sa pag imbestiga, naging maingat ako sa bawat kilos oh salita ko, wala din akong pinagsabihan nun, kundi kay Jade lang,saka ko nalang sasabihin sa iba, pag tama nga ang hinala ko, na kabaligtaran ng pinagdarasal ko.
Ng hiramin ko ang cellphone ni Jhamir, ng oras ng kainan pinahiram naman niya agad ito, at nauna na akong humanap ng pwede naming mauupuan, saka ko agad kinalikot ang cellphone niya, ipinasa ko sa number ko ang numbet ng honey na yun, at ng buksan ko ang mga register call niya, halos malaglag ang panga ko, dahil halos kada araw pala ito natawag kay Jhamir.
Hindi pa ako nakuntento ginalaw ko ang daliri ko, at tiningnan ko ang txt sa mga inbox niya, pero bigo ako kasi ni kahit isang messege wala akong nabasa, mula sa honey na yun.Sakto patapos na ako ng makita kong palapit na si Jhamir sa mesa, kaya agad kong binura ang mga binuksan ko, para di niya makita at makahalata pa.
Oh maya na ang cellphone kain muna tayo, honeybabes.
Sambit niya pagkalapag niya ng pagkain sa mesa.
At nagsimula na kaming kumain.
Pinipilit ko talagang ipakita kay Jhamir na ok lang ako, lalo na ngayon ang dami nilang usap ng honey na yun, kailan pa kaya sila nag uusap? Kailan pa kaya sila nagkakilala? Ano kaya ang pinag uusapan nila?Maloloka na ako,, parang akong bombang nag aantay ng tamang minuto para sumabog.
Oh ayaw mo ba ng pagkain mo Honeybabes!!!
Naku, bakit ba huminto ako sa pagsubo, at sigeng tusok na lang ng tinidor ko aa pagkain ko sa plato, utak kilos anong sasabihin ko kay Jhamir.
Ah,, hindi naman,napagod lang ako kanina, dahil dun sa ginawa kong makina.
Ganun ba, kung dimo kaya, tawagin mo ako lalo na pag waka ako sa tabi mo, para may katulong ka at hindi ka mahirapan.
Mmmm,,,
Gustuhin mang magtambling ng puso ko, pero di niya magawa,dahil sumisigaw ang utak ko,, Mamaya pag uwi tatawagan ko ang numero na yun, para naman malaman ko kung sino ba talaga ang babaeng yun.
Halos hilain ko ang oras, dahil atat na atat na akong makauwi, at magawa na ang plano ko, kaya naman ng makarating kami dito sa bahay, nag paalam na ako agad kay Jhamir,nagmadali akong lumabas ng kotse niya, pagkatapos ko siyang gawaran ng halik sa pisngi, sinabi ko lang na naiihi na ako kaya ako nagmamadali.At buti nalang ay hindi na niya ako pinansin pa at tumatawa nalang ng paandarin niya ulit ang sasakyan niya.
Pagpasok ko sa bahay agad na akong umakyat sa kwarto ko, buti nalang wala pa sila, kung hindi magtataka ang mga yun kung bakit ako nagmamadali.Pagkalock ko ng pinto ng kwarto ko ay agad ko ng kinuha ang phone ko sa bag, at kabadong tinatawagan ang numero ba nakuh ko sa cellphone ni Jhamir.
Nakaupo ako sa kama ko, at gustong gusto ko ng bumagsak,pagkarinig ko sa boses ng honey na yun,,.CONFIRM...Si honey ay babae, at ang lambing pa ng boses niya, na parang nang aakit ng kausap.
Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko, Ganito ba talaga pag umiibig, ganito ba dapat,,, ung hindi pwedeng hindi ka masaktan, ung hindi pwedeng di ka umiyak,, Bakit kung kaylan ang tagal na namin, saka pa napapadalas ang pag iyak ko diba dapat wala ng ganitong issue,dahil matagal na nga kami, pero mali pala ako, dahil kahit matagal na kayon di pwedeng walang ganutong issue, hindi pwedeng di ako masaktan.Dahil hanggat nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan ka.
Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog, namalayan ko nalang ang tapik ng kamay ni Dennis sa akin, Ginigising pala ako nito para maghapunan na.
Grabe ba ang pagod mo, at hindi mo na nakuha pang magbihis bago matulog, huh Cheska
Napatingin ako sa suot ko, oo nga pala di pa pala ako nakapag bihis, dahil sa pagmamadali na matawagan ang babaeng yun, oo babae dahil sigurado na ako at naribig yun mismo ng tenga ko.
May problema ba?
Huh????
May gumugulo ba jan sa isip mo, hindi ka naman ganyan, tungkol nanaman ba yan kay Sam.
Napangisi ako, sana nga si Sam nalang ang pinoproblema ko, kasi nakaksiguro ako na kahit maghubad pa ito sa harap ni Jhamir, ay di niya ito papatulan.Kaso hindi si Sam kundi ibang babae nanaman, at ang masama pa nito, wala akong ka idea kung gusto din ba siya ni Jhamir, lalo nat ang lambing ng boses nito sa telepono.
Kaya nga ayoko ng makipag relasyon, dahil ayokong maging katulad mo, laging lutang...
Sabay akbay sa akin ni Dennis pag kaupo niya sa kama ko.
Ano bayan ng dahil pa pala sa akin, kaya dipa siya nagkakarelasyon, kagaya rin kaya siya ng mga iba naming kaibigan ng rason, kaya pare pareho silang wala paring lablife hanggang ngayon.
Ano kaba hindi naman tayo pare pareho ng magiging sitwasyon pag nagkipag relasyon Dennis.
Panguso kong dahilan habang nakayuko
Ano wala ka ba talagang sasabihin? Oo alam ko masyado akong bz nitong mga nakaraang mga araw, pero kahit ganun pa man, handa parin akong makinig saiyo, alam mo yan Cheska.
Uuhhmm,,, alam ko naman yun,,, tutal ikaw narin namang mapilit, pwede bang one time yayain mo dito sa Jhamir,
Napatingin ito sa akin na parang binabasa ang mukha ko.
Sige,,, yayayain ko siyang mag inuman,kay tagal nadin mula nung huli naming inom.
Uuhmmmm,, salamat Dennis
Tara na kumain na tayo, baka mangayayat kapa niyan lalo,
At dahil hila na ako ni Dennis, hindi na nga ako nakapag palit pa ng damit, panay ang pag jo joke niya habang pababa kami ng hagdan, at sa sobrang tawa ko sa mga korny niyang joke, hindi ko nalayan na may pumatak ng palang luha sa pisngi ko, At agad ko itong pinunasan, bago pa man makita ng iba, dahil rinig na rinig ko ang tawanan nila sa kusina, kumpleto kaming kakain ngayon ng hapunan, na magkakaibigan.
--------------->
Thanks for reading..
Happy new year sa inyong lahat...
Goodbye 2017
Hello 2018
Be good to me please....
Hahahahahahaha
Labyu all po♥♥♥
BINABASA MO ANG
~The Proposal~ Complete
Romancea girl who's willing to wait, mag aantay siya ng mag aantay sa isang pangarap, na kay tagal na niyang inaantay, hanggang saan kaya ang kaya niyang tiisin, para sa pag aantay ng kay tagal niyang inaasam, mula sa lalaking matagal na niyang minamahal? ...