{ P a g e s 16 }

122 2 0
                                    

P a g e s 16 ---------------->


"Ilang oras na din ako naka upo, na panay ang tingin sa may hagdan pataas, kung saan ako naroon.

Sa bawat paglagutok ng sapatos, umaasa ako na si Jhamir na un, pero diko alam kung nakailang tao na ang pinagkamalan kong siya.

Diko alam kung nakailang ngiti ako, sa tuwing may naririnig akong paakyat,at bumabagsak ang balikat ko, dahil hindi pala ang inaantay ko ang umakyat..

Panay ang bantay ko sa orasan, malamig na din ang pagkain na nasa harapan ko,dahil ilang oras na din itong hinanda.Hindi gaya ng alak na nakalagay sa isang pampalamigang maliit.Na malamig na talaga at nag aantay na lang na buksan, para mainom na..

Gutom, sabay ang ilang pagbuntong hininga, ang pinapaglapagpas ko, sa bawat ikot ng kamay ng orasan,sa bawat minuto na lumilipas, kung ano ano na ang sumasagi sa isip ko, na baka dahil sa gutom lang na aking nararamdaman ngayon..

Hanggang ngayon, umaasa ako na darating si Jhamir, dahil never pa naman siyang hindi sumipot sa usapan, pwera nalang kung may emergency,wag naman po sana Lord,, giit ko.


" Maam baka gusto niyo napong kumain.

Ayan sa kakaisip ko, diko napansin ang paglapit ng lalaki sa harapan ko.

"Ah,, wala pa kasi ung kasama ko,

Dali kong tugon sa kanya.

"Malapit napong mag 12:00 mamaya po magsasara na kami, e sayang naman po ang pagkain, kung di niyo kakainin,oh gagalawin man lang..

Magalang niyang sambit sa akin.

"Ah ganun ba sige, pero pwede bang ipabalot ko nalang ung diko makakain? Sayang naman kasi.

"Pwede po, wag kayong mag alala, sige po babalikan kopo kayo mamaya ulit.

"Sige salamat

"Nakahinga ako ng maluwag, pagkatalikod ng lalaki, kanina pa kasing gustong pumiyok ang boses ko," hindi ako pwedeng umiyak,, bulong sa sarili ko.

At kahit lutang ako,kusa nalang kumilos ang mga kamay ko,namalayan ko na lang, ngumunguya na pala ako.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko, halo halo ang nasa isip at puso ko, na sa bandang huli, pagpatak lang ng luha ang nagawa ko, "

"Grabe ang sarap naman ito, habang napapasinghot ako sa pag nguya,"kasabay ng pag nguya ko, sumabay narin ang pagpatak ng luha ko, na kanina ko pa pinipigilan."

"Maam ayos lang po ba kayo?"

Nasa harapan ko nanaman ang lalaki, at nakatingin ito sa akin,kaylangan kong umiisip ng dahilan bakit ako umiiyak.

"Grabe ang sarap ng pagkain niyo, nakakaiyak sa sarap,"

Panay ang dalangin ko na sana ok ang palusot ko, ayokong magmukhang kawawa sa harap ng lalaking ito.

"Ganun po ba, e ordinaryong pagkain lang naman po yan,"

At doon ako napatingin sa plato ko.


Oo nga Cheska ordinaryong pagkain lang ang lasagna", bulong ng isip ko.


"Paki balot nalang ung hindi nagalaw, kung ok lang."

Dali ko pag iba ng eksena

"Opo sige ibabalot ko na, daanan niyo nalang po sa baba, pag lalabas na kayo,"

~The Proposal~    CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon