P a g e s 12 -------------->
Ali
Dahil sa tawag ni Cheska sa akin, minabuti kong tawagan si Karl,
At ngayon papunta na ako sa lugar niya, ewan ko kung para saan ang kaba na ito, kung para ba kay Karl dahil magkikita kami ulit, at sa lugar pa niya, oh kung para ba sa mga kaibigan ko, na ilang minuto nalang, ay malalaman na nila ang pagbabago ko,
Hingang malalim Ali, sambit ng utak ko,dahil sa paninikip ng dibdib ko sa kaba at takot ng kahihinatnan ng lahat ng ito,
Diko namalayan nasa harap na pala ako ng pinto, ng condo yunit ni Karl,
Saktong kakatok ako ng buksan niya ito ang pinto,
Oh anjan kana pala,,
Ah oo andito na nga ako,
Ngisi kong sagot sa kanya,
Tara samahan mo muna ako sa baba, bibili lang ako ng pagkain, wala pa lang laman ang ref ko, nakakahiya,
Ayos lang,
Pero hindi pa man ako umoo, isinara na nito ang pinto, pagkalabas, at naglakad na pauna sa akin, kaya sinundan ko nalang siya,
At dahil nakatalikod siya sa akin, kitang kita ko ang likod niya, ang maharot kong utak, naghaharot na, kaya naman diko na mapigil ang pagngiti, habang nakayuko na ako,
Magkasunod din kaming pumasok sa loob ng elevator, grabe dalawa lang kami ni Karl, pero pakiramdam ko, loaded na ng tao ang loob ng elevator, dahil sa paninikip nanaman ng puso ko,
Grabe diko akalain na sa pagbabago ko, ang utak at puso ko ay nagkakasundo, good sign ba yun oh bad?
Hanggang sa paglabas ng elevator,nakasunod lang ako na parang bata kay Karl, aba malay ko ba kung saan siya pupunta kaya nakasunod lang ako, at napatingin ako sa mga receptionist sa may desk ng condo,
Siya kaya ung bago ni Sir Karl?
Sayang ang gwapo pa naman niya ano, grabe walang matris ang mga bakla, pero bakit ganun parami sila ng parami,
Nakuyom ko ang aking kamao, dahil sa aking narinig,
Kung tutuusin di nila ako kilala, para magsalita sila ng ganun sa akin, wala silang karapatan, lalo na di sila ang mga magulang ko,oh nagpapalamon sa akin.
Pero ito naman talaga ang isang makatotohanan, lalo na kung dito sa Pinas ang pag uusapan.
Dalawang lalaking magkasama at nag lalakad, bakla na agad, samantalang sa mga babae magkasama iisipin lang nila magkaibigan, lugi ata kaming nga lalaki ay mali paminta pala.
At dahil sa mga salitang yun naramdaman ko ang pag akbay ni Karl sa akin,
Kung titingnan mo siya, dimo aakalain na pamin siya, dahil sa gwapo niyang taglay, e plus mo pa ang katawan nito, nasa tingin ko ay may mga monay sa loob ng t-shirt niya,
Bilisan mo, baka maubusan tayo ng pagkain,
Yan lang ang sinabi niya,
Kaya pinilit kong sabayan ang paghakbang niya, dahil nga sa inakbayan niya ako,
****************
Jhamir at ako
Kaya pala ganun ung kilos nung Karl,
![](https://img.wattpad.com/cover/124048073-288-k921770.jpg)
BINABASA MO ANG
~The Proposal~ Complete
Romancea girl who's willing to wait, mag aantay siya ng mag aantay sa isang pangarap, na kay tagal na niyang inaantay, hanggang saan kaya ang kaya niyang tiisin, para sa pag aantay ng kay tagal niyang inaasam, mula sa lalaking matagal na niyang minamahal? ...