CHAPTER 3

6 3 0
                                    

                  HINDI niya alam kong ilang araw na siyang nagkukulong, mahigit dalawang araw na nga yata o mahigit pa yata at di siya  kumakain. Nakatulala lang siya at pag naiisip niaya si Kieyl naiiyak na lang siya di niya alam ang gagawin niya. Isang gabi nakatulugan na lang niya ang pag-iyak.
Hanggang ngayon di pa rin siya nakakamoveon kay Kieyl. Iniisip niya itp lagi. Ang masasayang sandali na magkasama pa sila ang pagiging sweet nito, ang pagiging carring, maaalahanin, mapagmahal. Di man niya aminin sa sarili'y nami-miss niya ito.
Kahit konting dandali'y di to nawala sa kanyang isipan, kaya pagnaiisip niya ang masasyang sandaling pinagsamahan nila tutulo na lang yong luha niya. Katulad na lang ngayon di niya nalamang umiiyak na pala diya kong di niya naramdaman ang pagpatak ng mainit na likido sa kaniyang kamay at pagpunas niya sa pisngi niya napatawa na lang diya sa sarili niya. Hindi niya na alam itsura niya siguro mukha na siyang aswang di siya nagdusuklay, meske maligo wala siyang time kahit paghilamos manlamang hindi. Siguro kong makikita siya ni Kieyl ngayon mandidiri siguro ito sa itsura niya awan ba miya sa sarili niya kahit anong pilit niya na huwag maalala.si Kieyl pumapasok pa rin ito sa isip niya ng walang kahirap-hirap.

Kumusta na kaya siya?
Ano kayang ginagawa niya?
Masaya kaya siya?
Kumusta na kaya sila ni Xyrelle?
Tanong niya sa sarili niya at ng maalala niya ang pangalan ang pangalan ng pinsang nagtaksil at dating kasintahang nagtaksil din. Nasabunutan niya ang sarili, ipinadyak niya ang mga paa, at nagsisigaw habang walang sawang umiiyak sa loob ng silid niya.

"Ahhhhhhhhhhhhhh....."sigaw niya...."ahhhhhhhhhh......ahhhhhhhhhhhh." Nagsisigaw siya hanggang sa mapaos siya at wala ng tinig na lumabas sa kanyang lalamunan. Umiiyak pa rin siya at sinasabunutan ang sarili ng mag-ingay ang ceelphone niya. Dali-dali niya itong kinuha sa pag aakalang si Kieyl ito ngunit nadisapoint siya ng makita ang number na nakarehistro sa kanyang cellphone ay ang number ni Clarrise. Hinayaan niya lang itong mag-ingay hanggang sa matapos ang tawag. Nakita niyang 566 missed calls na galing sa mga kaibigan niya at 457 text galing din lahat sa mga ito. Inisa-isa niyang iselect ang mga message ng makita niya ang pangalan ni Kieyl dali-dali niyang binuksan ito.

Kieyl:I'm sorry....

Lalong lumakas ang iyak niya akala niya ubos na ang luha niya ngunit meron pa pala hindi ito maubos-ubos at isang tao lang dahilan ng pag-iiyak niya at pagmumukmok ng ulang araw. Walang iba kundi ang taong pinag-alayan niya mg lahat.

Alam niyang nag-aalala ang mga kaibigan niya sa kanya ngunit ayaw niyang humarap sa mga ito may pinagdadaanan na nga si Joy dadagdag pa siya at ayaw niyang mas lalong kamuhian ng mga ito ang mga kalahi ni Adan lalong lalo na ang barkada nila Kieyl.

Hindi siya kasing tatag ni Joy, di siyang kasing lakas nito at higit sa lahat di siya kasing galing nito sa pagtatago ng emosyon o totoong nararamdaman.

Unti-unti nang nahilam ng luha ang mata niya hanggang sa makatulugan niya ang pag-iyak, at pag iisip sa problemang kinakaharap.





NAALIMPUNGATAN  niya na parang may maiingay na bubuyog o mga lamok malapit sa kanya.

"Huwag niyo siyang gisingin hayaan niyo siyang magpahinga." Nakinig niyang isang boses na pamilyar sa kanya.

"Baka umiyak na naman siya." Usal pa ng isa.

"Nakakaawa naman siya." Wika ng ikatlo.

"Ang sakit siguro ng pinagdaanan niya." Segunda ng ika apat.

"Huwag kayong maingay baka magising siya." Pag papatahimik ng isa pa.

"Sige na nga basta kailangan nating malaman ang problema niyan kong bakit ganyan ang itsura niyan." Galit na saad ng isa pang boses babae.

"Pag ito dahil sa Kieyl na yan mananagot na talaga sila sa akin." Galit ding wika ng isa pa at sa pagkakakinig niya sa pangalan ni Kieyl doon siya napabalikwas ng bangon.

Past Is In The PresentWhere stories live. Discover now