NAGISING na lang siya isang araw na parang hinahalukay ang tiyan niya. Mabilis siyang bumangon at patakbong tinungo niya ang C.R ng bahay niya.
"Bwahhhh......bwahhh...." Naiiyak na siya, sumusuka siya kahit wala namam siyang sinusuka.
"Bwahhhhhh....... "Sumusuka pa rin siya kahit nahihilo na siya.
May narinig siyang papalapit na yabag sa kinaroroonan niya.
"O my gosh." Gulat na bulalas ni Joy ng makita siyang dumuduwal sa lababo.
"Anong nanyayari sayo?" Nag-aalalang wika nito pero di na niya ito nasagot sapagkat unti-unti ng umikot ang kaniyang paningin at nabuway siya sa kanyang kinatatayuan.
Ang huli niyang narinig ay ang magpapanic na boses ng kanyang kaibigan.
NAGISING na lang siya sa isang silid na puro puti ang kanyang nakikita at di pamilyar sa kanya, medyo nahilo pa siya uli ng maamoy ang di kaaya-ayang amoy ng mga gamot. Inikot niya ang paningin sa buong silid at napagtanto niyang nasa hospital siya. Ang huli lang niyang natatandaan ay nagsuka siya, tapos umikot ang paningin niya, at nahimatay siya, di niya alam kong paano siya nakaabot sa hospital.
"Nahimatay siya dahil don?"
"Oo naabutan ko na lang siya sa C.R na nagsusuka."
"Kailan pa daw un nagsimula?"
"Di ko alam."
"Di pa ba niya alam?"
"Feeling ko hindi pa."
"Maayos na kaya ang pakiramdam niya?"
"Siguro, sabi ng doctor magigising na raw siya maya maya eh."
"Alam na ba niya ang kalagayan niya?"
"Hindi ko din alam."
Narinig niyang pinag-uusapan ng mga pamilyar na tinig sa kanya. Sa sapantaha niya ay ang mga kaibigan niya ang nagtsitsismisan. Nacurious tuloy siya kong sino at ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Maya maya'y bumukas ang pinto ng silid kong saan siya naroroon. At di nga siya nagkamali ng sapantaha, mga kaibigan nga niya ang mga nakukwentuhan.
"Hai guys." Nakangiting bati niya sa mga ito ngunit wala man lang nasukli ng mga ngiti niya.
"Hello." Sabay sabay ngunit mga nakangiwing bati ng mga ito sa kanya.
"Anong nangyari sa mga mukha niyo? Ang papriceless eh." Natatawang tanong niya.
Nakabanaag niya ang awa at pag-aalala sa mga mata ng mga ito. Hindi kaya siya ang pinag-uusapan ng mga ito kanina? Anong sakit niya? Ano bang kondisyon niya? Malala ba? Bakit di niya alam? Gusto niyang itanong sa mga ito pero iba ang lumabas sa bibig niya.
"Anong problema?" Nag-aalalang wika niya. Nagkatinginan ang mga ito at waring tinatantiya ang mga isat-isa kong sasabihin sa kanya ang problema. "May hindi ba ko alam?" Sigundang tanong pa niya. Ngunit nanatiling tikom ang mga bibig ng ga ito.
"Marrian, Janice, Allysha, ate Lyle, ate Shane, Clarrise." Isa-isa niyang binalingan ang mga ito ngunit wala pa ring nagsalita sa mga ito. At ang huli niyang pag-asa. "Joy." Tawag niya rin dito ngunit iniwas lang nito ang tingin sa kanya at nagbaba lang ito ng ulo nito.
Napabuntong hininga na lang siya ng malalim. Bago magsalita nahahigh blood na siya. "Ano ba guys wala bang magsasalita sa inyo." Napalakas na ang tinig niya. "Sige ganyan na kayo di ko na kayo friends." Parang batang maktol niya.
Unti-unting nagtaas ng tingin si Joy. "May Irish." Panimula nito habang unti-unting sumungaw ang mga luha sa mga mata nito
na agad nitong sinuway sinabi na nga pala nito na di na ito iiyak muli.
YOU ARE READING
Past Is In The Present
Short StoryPROLOGUE I thought we love each other but the truth is I'm the only one who loved him. After I give everything to him after a week he said that he loved another girl and broke up with me. And now after 5 years he is now infront of me and saying t...