CHAPTER 6

8 3 0
                                    

                HALOS mag-twe-twelve thirty na ng matapos siya sa kapipirma ng mga papel na mga nakatambak sa table niya. Inex-cersise pa niya ang leeg at likod niya para kasing namanhid ito. Nagugutom na siya kaya napagdisesyonan niyang sundan si Joy at Jaz sa blue restaurant para kumain. Lumabas siya ng office niya at sumakay sa elevator at nagtungo sa parking lot kong saan nakaparada ang Limousin  niya. Nagtungo siya sa blue restaurant. At nang makarating siya dito akmang ipaparada na niya ang kotse niya ng mag ring ang phone niya.

Sinagot niya ang tawag ng makitang si Joy iyon habang naghahanap ng pwedeng pagpaparkingan.

"Hello." Sagot niya niya ng may mahanap na pagpaparkingan.

"Hello May Irish ikaw na ba ito May cazlawadilamsanatanipahinap."

"Ano?" Tanong niya ng palabas na siya ng sasakyan. "Paki-ulit hinay-hinay lang di ko maintindihan."

"Okay huwag kang mabibigla si Jaz mawawala!."

"Ano kailan pa?  Gaano na katagal? Kanina pa ba? San mo siya huling nakita? Bakit mo siya iniwan?" Sunod-sunod na tanong niya. "Sige pupunta na ko malapit na ko diyan.

Pagpasok niya sa blue restaurant nakita niya si Joy na di mapakali at ng mapansin siya nito biglang itong tumakbo papunta sa kanya. Pero ang ikinagulat niya ay kung bakit kasama nito si Prince pero binaliwala niya ang bagay na iyon dahil ang nasa isip niya ay ang anak niya.

Pinukol niya ang atensiyon kay Joy. "Joy bakit nawawala si Jaz?" Halos pasigaw na tanong niya.

"So-sorry May Irish k-kasi nag CR lang ako at pagbalik ko wala na siya.

"Tumawag na ba kayo sa pulis? Shi*. Nasaan kaya si Jazper?" Halos maiyak na ani niya.

"O my god. " gulat na ani ni Joy sabay tabon sa bibig nito. "Behind you." Kinabahan siya kong ano ang maaari niyang makita pero isinawalang bahala niya ang kaba at lakas loob na tumingin sa likod niya.

Napasinghap siya sa nakita. Shi* ba't di niya naisip yon. Kung nandito nga si Prince ibig sabihin nandito din di Kieyl. At ng makita niya ang ayos ng anak niya at ni Kieyl muntikan na siyang maiyak because it's a scene that she would love to see.  Karga lang naman ni Kieyl ang anak nila.....niya.

"Mommy." Tawag sa kanya ni Jaz ng bumaba ito sa bisig ni Kieyl."Mommy look i saw someone who look's like me." Masayang turan nito habang tinuturo si Kieyl.

"May Irish?" Napatingin siya kay Kieyl ng tawagin nito ang pangalan niya.

"Mommy do you know him?" Takang tanong ng anak niya.

"No baby mommy doesn't know him." Harapang tanggi niya pero alam niyang kahit na sinong makakita lahat sasabihing anak ni Kieyl si Jaz pero nunkang aaminin niya iyon kay Kieyl. "Let's go na baby pupunta nalang tayo sa Jollibee diba gusto mo don?" Tanong niya habang binubuhat ito.

"Jollibee? Yehey yehey let's go na mommy." Masayang ani nito bago lumingon kay Joy. "Tita mommy let's go na po."

"Joy tara na." Yaya niya sabay labas nila sa restaurant pero ng mapansin niyang wala sa hulihan nila si Joy lumingon muli siya sa restaurant na pinanggalingan ngunit ng akmang aalis na si Joy kinapitan ito sa braso ni Prince.  Nagpumiglas si Joy pinalo ito ni Joy ng bag nito at napa-upo ito sa bangko at nabitawan si Joy pero ng akmang aalis na si Joy kinapitan muli ito ni Prince sa braso at hinigit. Joy ended up on Prince lap pero ng makita niyang papalapit na sa kanila si Kieyl mabilis pa sa alas kwatrong pumunta siya sa nakaparadang kotse niya.

"Sorry baby di ka mabibigyan ni mommy ng kompletong pamilya." Ani niya sa sarili ngunit ng akmang bubuksan niya ang kotse niya may mga kamay na pumigil sa kanya at paglingon niya walang iba kundi si Kieyl iyon.

Past Is In The PresentWhere stories live. Discover now