---
5'0 yung height niya, hindi pa magaling lumangoy. Tss. Pero ang tigas ng ulo. Hirap pasunorin. Hindi kaya nahihirapan si Titania sa babaeng to? Anong klaseng nilalang ba ang iniluwal niya? -___- Ewan ko na lang kung anak niya ba talaga to. Organisadong babae si Titania samantalang ang anak niya ay hindi. Maligo nga ba naman ng dagat na walang dalang pampalit na damit? Ano? Maglalakad siyang basa sa kalsada? At magmumukhang tanga?
Pagpasensya-an niyo nalang ako kung ang dami ko ng satsat tungkol sa babaeng ito. Kasi nga naman, kanina, muntik ng masagasaan; kasunod, walang dalang damit; tapos ngayon, kagagaling ko lang sa department store para bilhan siya ng damit, naabotan ko namang natataranta na sa dagat at halatang nalulunod na. Babaeng pahamak! *smirk*
"Grey, bakit kargakarga mo na ang anak ko?" biglang narinig ko ang boses ni Titania. Kinakausap niya ako sa isipan lamang.
"Nalunod kasi sa dagat. Tss. Binalaan ko na, di pa nakinig. Buti nga't naabotan ko pang buhay--"
"Grey!" sumbat ng dakilang ina sa akin.
"Oo na, Oo na." at biglang di na siya nagsalita. Dinala ko na tong babaeng to sa kung saang banda niya iniwan ang tsinelas niya. Lahat ng tao'y nakatingin sa amin. Nakatingin sa aking karga karga ang batang to -___-
"How sweet"
"Kyaaaah! Ang gwapo niya."
"He's so damn hot!"
"Aww, ang swerte nung babae."
At kung anu-ano pa ang pinagsasabi ng mga tao sa paligid. Tss. Mga tao talaga -____- Wala ng ibang magawa kundi ang bantayan ang mga kilos ng iba nang hindi binabantayan ang sa kanila. Mga tanga, "Kagaya mo Tiana. Dinududahan pa kasi yung sinabi ko nang hindi mo man lang dinududahan ang duda mo sa sinabi ko. Wow. Self confidence. Tanga." mahina kong sabi sa walang malay pang Tiana.
Tumingin ako sa paligid muna bago gumawa ng kababalaghan dito. Alam niyo na, mapagmasid ang mga tao...
Nang makita kong wala ng nakatingin sa amin...
Binuksan ko ang kanang kamay ko at itinapat ang aking palad sa palad ng nalunod na bata. Hinihigop ng kamay ko ang tubig sa buhok hanggang sa paa niya, bahagya kong itinaas ang aking kamay at nailuwa niya ang tubig na nainom kanina. Yan ang kababalaghan, hindi nagagawa ng tao yan :>
Napatingin nalang ako sa damit na binili ko, Kung alam ko lang na mahihimatay din pala to, di nalang sana ako bumili ng damit. Di na rin niya magagamit to dahil sa tuyo na siya. Bahala na siyang magtaka kung paano ito nangyari -____-
Nakita kong gumalaw na siya at unti-unti na niyang binuksan ang kanyang mga mata. Oras na para umalis ako dito. Hindi niya ako dapat makita kundi mababato ako ng maraming tanong. Baka madulas pa ako at mapatay ng dakilang Titania. Sa isang kisapmata, hindi na niya ako nakita.
Matutulog na muna ako... Ay teka, di ko pa ba napakilala ang sarili ko? I'm Damon Grey Aquatian, a member of SuNa Security Council and obviously, a Supernatural creature from the Reverse World. O ba't napanganga kayo? Akala niyo ba mga tao lang ang marunong mag-ingles? Is that a joke? Tss.
BINABASA MO ANG
SUPERNATURAL
Novela JuvenilSupernatural is not the ordinary. Thus, Zerah Tiana should live not in the ordinary but in its reverse world where everything is supernatural. READ • COMMENT • VOTE • FOLLOW (If you want to :)) - Iiaammmmee/Miss Mean