"Waaaaaaah!" bigla akong napagising dahil sa sigaw ng babaeng di mapakali. Tumayo ako para puntahan siya subalit... nanlalaki lang ang mga mata niya habang nakatayo sa may kurtina ng terrace niya dito sa kwarto.
"Sino ka?" tanong niya. Lumingon lingon ako sa palagid para tingnan kung sino ang tinatanong niya... Ay tanga! Ako lang pala ang nasa loob ng kwarto niya. Teka, diba inactivate ko yung invisibility magic ko kanina? -____- ay oo nga pala, natulog ako kaya di ko na nakontrol. Nawalang bisa tuloy.
Napakamot lang ako sa ulo. Tss. "Huwag ka ng magtanong." sagot ko sa kanya.
"Ba't di ako magtatanong? Ha?! Ba't ka ba nandito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko? Paano ka napunta dyan sa terrace na hindi ko man lang napansin na dumaan ka?!---" napatigil siya sa pagsasalita nang sumagot ako.
"Call me 'Shaun'. Pinapunta ako ng mama mo dito para bantayan ka. Tulog ka nang pumasok ako. Kung ikakataranta mo pala itong gwapo kong pagmumukha, o sige, sabihin mo sa mama mo na pauwiin na ako." -__- Akala niya naman kung sino akong may gustong samahan siya. Nakapamulsa lang akong naglalakad palabas ng kwarto niya nang biglang... *Brrrrrrr*
"Ano yun?" tanong ko agad nang hinarap ko siya.
"Anong ano? Wala naman akong nari--" *Brrrrrrrr*
"Ano nga yun?!" napataas na siguro yung tono ng pagsasalita ko kaya napatingin siya sa mga paa niya.
"Ano kasi... Ako yun, gutom na ako." mahinahon niyang sagot na di pa rin ako tinitingnan.
"Tsk. Edi kumain ka." pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng kwarto niya.
Mga sampung minuto na akong nakaupo dito sa sofa sa baba. Hindi pa rin nagpunta sa kusina ang babaeng yun. Ano ba siya? Akala ko ba gutom siya? -____- mapuntahan nga muna siya sa taas.
O_________O
Nilapitan ko agad siya na nakahandusay na pala sa sahig.
May sakit ata tong babaeng to. Oo nga, ang init niya. So I carried her in my arms and bring her to her bed. Hiniga ko siya dun saka ako bumaba para magluto ng lugaw para sa kanya.
Matapos magluto ay pinuntahan ko na siya sa taas. Ginising ko siya para kumain. Ngunit nanginginig ang mga kamay niya kaya hindi niya masubo ng tama ang kutsara. Ano pa bang magagawa ko? Di, sinubuan ko na siya hanggang sa maubos niya ang isang bowl ng lugaw. Before I left her room, I heard her say 'Thank you, Shaun.'
Babawiin mo din yan. Someday... I thought.
Matapos kong hugasan ang pinagkainan niya. Binulabog ni Titania ang isipan ko, "Kumusta ang anak ko Shaun?"
"Ang init niya."
"Lagnat yan. Punasan mo ang katawan niya ng basang panyo. Mainam yun para bumaba ang temperatura ng katawan niya."
"ANO?!"
"Tanga! Hindi ko naman sinabing hubaran mo siya. Tsk. Green minded. Yung hindi natatakpan ng damit niya, yun nalang ang punasan mo. To make it clear with you."
"Oo na." tsaka ako dumiretso sa kwarto ng anak niya na may daladalang planggana ng tubig at isang panyo.
Binantayan ko to, nagluto ako para sa babaeng to, naghugas ng pinagkainan niya, ngayon... ginagawa ko naman ang iniutos ng magaling niyang ina. Tsk. Anong klaseng trabaho ba tong napasok ko? -_____- Titania, darating din ang oras ko. Makakapaghiganti din ako sayo.
Ilang oras ang nakalipas ay naobserbahan ko naring unti unti ng bumababa ang init ng katawan niya. Tss. Inaalagaan ko to, e kung tutuusin, kaaway ko itong si... Teka, ano nga bang pangalan nito?
"Shaun..." sambit niya sa gwapo kong pangalan. Tss. Mukhang nakasanayan na niyang tawagin ako ah :/
"Pwede mo ba akong ikuha ng tubig?" nagbuntong hininga lang ako at naglakad. Do I have another choice?
Bumalik akong may dalang isang baso ng tubig at iniabot sa kanya. "Salamat, Shaun. By the way, ako nga pala si Tania. Zerah Tania ang pangalan ko."
O____O Teka, nabasa niya ba yung tanong sa isip ko kanina?
"Nagtanong ba ako? Hindi naman ako interesado sa pangalan mo." ani ko sa kanya.
"Wala. Ang awkward lang kasi na hindi natin kilala ang isa't isa."
"Wala akong pakialam." nakita kong naglungkot ang mukha niya.
"Tss. Teka, ilang taon ka na pala?"
"15" napahinga lang ako ng malalim matapos kong marinig ang sagot niya. Buti nalang. Akala ko kasi nabasa niya talaga ang iniisip ko kanina.
This girl. Zerah Tania Red, nag-iisang anak ng emperatres ng Reverse World. I shouldn't be doing these things to her. I should have done the opposite.
Tss. Look how playful fate is. I even got this mission *smirk*
BINABASA MO ANG
SUPERNATURAL
Teen FictionSupernatural is not the ordinary. Thus, Zerah Tiana should live not in the ordinary but in its reverse world where everything is supernatural. READ • COMMENT • VOTE • FOLLOW (If you want to :)) - Iiaammmmee/Miss Mean