---
Naglalakad lang ako sa beach ng may nahagip ang mga mata ko. Isang napakagandandang babae na walang malay. Malayo pa man ito sa akin ay alam ko na kung sino yun. Isang babae lang naman ang nakakahumaling ng ganito sa akin. Tumakbo ako para malapitan siya habang palakas ng palakas ang pintig ng puso ko sa bawat hakbang ko palapit sa kanya.
Nang medyo mas napalapit na ako, nakita ko namang may ibang lalaking nakaupo sa tabi niya. Parang nag-aalala sa kanya. Boyfriend niya kaya yun?
Bahala na. Lumapit ako sa kanila ngunit... eksaktong nakalapit ako kay Zerah ay nakaalis na rin ang lalaki. Tiningnan ako ni Zerah na may pagtataka... "Anong nangyari?" tanong niya sa akin.
Ano nga bang nanyari? Eh, wala akong kaalam-alam -____- Tumingin nalang ako sa malayo at hindi nagsalita.
"Nicolo? May masama bang nangyari?" pag-uusisa niya muli sa akin. Nilingon ko siya at akmang sasagot na sana ako ng Hindi ko alam ng biglang sumakit ang kanyang ulo at ngayo'y nakahawak siya sa kanyang dalawang sentido.
Inalalayan ko siya sa pagtayo, "Ihahatid na kita."
"Naku, huwag ka ng mag-abala Nicolo. Kaya ko na to." pagtatanggi niya.
"Tss. Di pwede, Zerah. Responsibilidad ko yun bilang boyfriend mo." kapal ko lang hahaha sabay wink pa sa kanya. Pero sana... dun na talaga ang punta ko.
"Hahaha advance mo masyado. Confident lang ah!" natatawa niyang sagot habang mahina akong pinalo.
At ito na naman yung puso ko, nag-abnormal na naman, nginitian lang ni Zerah -___-
Binuksan ko ang pintuan ng front passenger's seat ng sasakyan ko para makasakay na siya. "Thank you, Nicolo." ngumiti na naman siya.
"It's my pleasure, babe."
"Sige lang Jude Nicolo Fuentabella, i-feel mo nalang ang moment hahahaha" pero Zerah... sana... sana...
"Zerah?" sambit ko sa pangalan niya kaya nilingon niya ako.
"Bakit?"
"May pag-asa man ako o wala, alam mo namang hindi ako titigil. Mahal kita at paninindigan ko ang sinabi ko. Kaya sana... huwag mo akong pagbawalang iparamdam at ipakita sayo ang pagmamahal ko. Makita ko lang na masaya ka..." nilingon ko siya eksaktong nasa tapat na kami ng bahay nila at naitigil ko na yung sasakyan... "sapat na sakin yun kahit na di mo man ibalik ang pagmamahal ko sayo." sabay ngiti ko sa kanya na nakanganga. Hahahaha anong klaseng babae ba tong minahal ko -____- "Tandaan mo yan." I told her as I hold her chin to close her mouth.
Nginitian niya lang ako.
Inalalayan ko si Zerah papasok ng kwarto niya. Habang nakahiga na siya sa kama niya, pumunta akong kusina para timplahan siya ng gatas. Hindi na ako bago sa kanila dahil madalas akong nandito. Syempre, magkaibigan kami at magkaka-ibigan na rin balang araw. O diba? Such an ambitious man. Tss. Ang bakla ko na. Yuck.
Paakyat na sana ako sa kwarto niya ng may nakita akong lalaking tila nakasandal sa wall malapit sa main door ng bahay nila. Lumabas ako para makita kung sino yun ngunit wala akong naabotang nakatayo pa dun. Napadaan lang siguro yun kaya pumunta na ako sa loob ng kwarto ni Zerah.
Walang katok katok ay binuksan ko ang pinto.
"Zerah, inumin mo muna tong gatas oh."
Inabot ko sa kanya ang baso. Kinuha niya ito at ininom ang gatas na tinimpla ko. Nang maubos na, iniabot nalang niya sa akin ang walang laman na baso sabay nagsalita siya.
"Wala naman siguro yung gayuma, diba, Nicolo?" Anong klaseng tanong ba yun? -___- I even heard her laugh silently. Ginulo ko nalang ang buhok niya at napaupo sa tabi niya nang biglang tumunog yung cellphone ko.
From: Mommy
Asan ka na ba, Nicolo? Tara na! Uuwi na tayo.
Nagpaalam ako kay Zerah at tumango lang siya.
"Pero, okay ka lang ba talaga?"
Tumango na naman siya bilang sagot.
"Okay. But remember, when anything gets wrong, just call or text me and I'll be here after a sec." I told her as I kissed her hair.
"Wow. Parang superhuman lang! Ano ka? Nakakapag-teleport?" at tinawanan na niya naman ako at tuluyan na akong umalis ng kwarto niya.
Ako nga pala si Jude Nicolo Fuentabella, kaibigan niya, campus heartthrob na nanliligaw kay Zerah for almost a year. Please pray for me para magkakami na ng babaeng mahal na mahal ko. Salamat sa suporta!
BINABASA MO ANG
SUPERNATURAL
Teen FictionSupernatural is not the ordinary. Thus, Zerah Tiana should live not in the ordinary but in its reverse world where everything is supernatural. READ • COMMENT • VOTE • FOLLOW (If you want to :)) - Iiaammmmee/Miss Mean