Chapter VII: Mister Jealous

8 0 0
                                    

Jude Nicolo's POV

Pagkababa ko pa lang sa parking lot ng mall nang makita kong may kasama si Zerah ngayon. Naglalakad sila papuntang jeepney terminal siguro. Parang di mapigil ang mga ngiti niya habang nakatitig sa likod ng lalaki. Tss.

At ito na naman yung puso ko. Tila tinusok ng kung ano.

Wala na akong nalamang gawin sa mga oras na yun kundi ang tumakbo palapit sa kanila.

"Hi!" bati ko kay Zerah syempre nang masabayan ko na sila sa paglalakad.

"Oh? Nicolo? Saan ka ba galing?" Zerah asked. Tinuro ko nalang yung mall para sumagot. At nakita ko naman siyang nag-nod. Tss. Hindi ko lang kasi maalis ang mga mata ko sa lalaking kasama niya habang kinikilatis ko kung sino kaya to. He looks familiar. Think I've seen him before. He's wearing a bonnet and sunglasses kaya hindi ko masyadong madistinguish yung pagmumukha niya. Pero alam ko namang mas gwapo ako sa kanya. *Smirk*

"Okay ka lang, Nicolo?" I was back to business when she asked me that habang itinaas niya ang mga nakakuyom kong kamay para ipakita sa akin. Hindi ko pala namalayang gusto ko ng suntukin ang lalaking to.

"I'm fine." sagot ko sa kanya with a smile syempre.

"Tiana, pumasok ka na." sabi ng lalaki with a voice full of authority. Just as she was about to take her step to get in the jeepney, hinawakan ko ang kamay niya.

"Ihahatid ko na siya." napatigil si Zerah at napatingin kami pareho sa lalaking kasama niya. She looks like waiting sa anumang sasabihin nitong kasama niya.

"Bahala ka." Sabi nung kasama ni Zerah at sumakay na ng jeep. Tiningnan ko si Zerah na naghihintay sa sagot niya. Pero tila nasa kawalan ang pag-iisip niya kaya hinila ko na siya papuntang parking lot, kung saan ko iniwan ang sasakyan ko.

"Uh, Nicolo? K-kasi..." tiningnan ko siya nang binanggit niya ang pangalan ko.

"Kailangan ko sigurong sumama kay Shaun eh, hehe" she looks... guilty(?)

"Shaun? So Shaun is his name. You don't need to, Zerah. Ihahatid na rin naman kita sa inyo. Tsaka, sino ba yun?"

"Housemate?" di sigurado niyang sagot.

I keep my cool.

"Paanong housemate? Alam ba nina tita yan?" and she nods.

"Actually, si mama ang nagpapunta sa kanya sa bahay para bantayan ako."

"Don't worry. This won't be an issue sa parents mo. I assure you. So, get in." sabay bukas ng pinto sa front seat.

Ilang minutong byahe pauwi kina Zerah. Lumubas ako at pumunta sa kabila para buksan ang pintoan ng sasakyan para kay Zerah.

"Shaun?" aniya.

Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakatayo ang lalaking yun sa labas ng gate ng bahay nina Zerah.

"Natagalan ata kayo?" bati niya sa amin.

"Wala na sayo yun." I answered. And I heard him smirk.

"Wala man sakin yun, pero nabigyan ako ng responsibilidad para bantayan ang babaeng yan. Wala man akong pakialam sa kanya, pero kailangan kong makialam." Inalis niya ang tingin niya sakin at inilipat ito kay Zerah.

"Pumasok ka na." at sinunod niya naman ito. Papasok na rin sana siya nang bigla siyang tumigil at nagsalita ulit. Tss. Lalaking satsat ng satsat.

"Wala kang dapat ikaselos. Kailanman, hindi ko magugustuha ang babaeng to." at naiwan ako sa labas ng isinara niya ang gate.

Selos? Ako? Magseselos? Tss. Oo, nagseselos ako. Syempre, si Zerah yun! Kasama niya sa iisang bahay. Leche.

SUPERNATURALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon