Chapter VI: Lovers They Thought

20 2 1
                                    

Zerah Tania's POV

Ilang araw nalang at pasokan na. Ilang araw na rin ang nakalipas at hindi pa rin umuuwi sina mama at papa :( Naku! Baka nakalimotan na ako ng mga yun. Di pa nga nila ako naalagaan noong may sakit ako.

"Busy lang si Titania." ani nitong kasama ko sa bahay. Tatlong araw na. Oops! Bawal dirty minded. Magkahiwalay kaya ang  tinutulogan naming kwarto -___-

Teka... O_____O

"Did you just answer the question in my head?" tanong ko sa kanya na nag-aktong parang isang mind reader kanina.

"Tss." yun lang ang sinabi niya at biglang lumabas ng bahay.

"Oy! Shaaaaauuuun! Saan ka ba pupunta?"  sigaw ko sa pangalan niya at nagtanong. Liningon niya ako nang marating na ang gate.

"Wala ka ng makakain mamaya. At dahil ayaw kong mapatay ng mama mo, mag-gogrocery ako." sagot niya sa akin sabay labas ng gate.

Tumakbo ako para masundan siya pero ang tanga ko nga naman. Bakit? Wala. I just tripped on a stone pagkalabas na pagkalabas ko ng gate pero... hindi ako nadive sa kalsada. Nasalo ako ng prince charming ko, esti, ni Shaun pala -.-

"Maglalakad na nga lang, di pa magawa ng tama." I even heard him smirk nang maitayo na niya ako ng maayos. Tss. Sweet na sana e, kaso... Argh >.< Walang ka sweet sweetan ang lumalabas sa bibig ng lalaking ito.

Pero napangiti pa rin ako. Naririnig ko kasi ang bulong bulongan ng mga tao ngayon XD

"Ang gwapo ng boyfriend niya."

Oo. Gwapo nga siya kaya mainggit kayo!

"Ang sweet nyang boyfriend."

Oh ano? Inggit naman kayo? Tsk.

"Akin nalang sana yan. Ang hot. Damn!"

Bwahahaha XD in your dreams ladies.

"Hindi ba sila nandidiri sa sinasabi nila? Tss."

Alam niyo na. Wala ng iba pang magsasabi nun kundi si Shaun :3 Nilingon niya ako sabay sabing...

"Kinilig ka naman? Tss. Mandiri ka nga. Hindi kita girlfriend."

Padabog akong naglakad pabalik ng bahay dahil sa sinabi niya. Ayoko na! Ba't ba ang KJ niya? Tss. Panira ng mood. Tas, harap harapan pa niya akong pagsalitaan ng ganun? Akala niya naman kung sino siyang gwapo, e mas gwapo pa nga si Shaun kesa sa kanya. Ay crop that! Siya nga pala si Shaun -_____- Booby brain!

O_____O I was back to my senses when I bumped into something. Matigas. When I raised my head, nakita ko ang isang gwapong demonyo...

"Saan ka pupunta?" straight niyang tanong.

"Sa puso mo. Este, sa bahay ko! Tsk. Di ba halata?" ako naman ang nagsmirk ngayon kahit nadulas sa intro.

I was shocked when he grabbed my hand at kinaladkad niya ako. Pwede na rin tong iconsider na holding hands while walking ^///^

Ay tekaaaa. Tama ng ilusyon Zerah!

"Teka nga Shaun!" pagkasabi ko nun, napahinto siya sa paglalakad and he gave his oh so cool What-Look.

"Saan mo ba ako dadalhin?! Sabing uuwi na ako eh!" I turned around ngunit kinuha niya ulit ang kamay ko at nilingon ako sa kanya.

"Hindi ka pwedeng iwan sa bahay niyo mag-isa. You know you're such a trouble maker. Baka mapaano ka pa. Tss. Konsensya ko pa." ayun. Hindi na ako nagpumilit pa. Gosh! Why can't I reject this demon with an angelic face? How can he stand so cool and calm  kahit nagagalit at iritado na siya?

Nagcommute lang kami at ilang minutes lang ay narating na namin ang mall. Marami syang binili. Instant foods and some vegies na rin. Chips and others. Pero may nakalimotan sya :( Yung pinakagusto ko pa naman sa lahat. Nanahimik nalang ako, total wala din naman syang pakialam kung ano yun.

Naglakad na kami palabas ng mall. Buti at hindi ako yung ginawa niyang taga-bitbit nitong mga binili nyang pagkain :3 Pero teka, bakit tila hindi papuntang jeepney terminal ang pinupuntahan namin? -____-

I saw him left the groceries outside this building. Teka, ba't parang bago tong lugar na to sa mga mata ko?

When we entered, WOW. As in capital W-O-W. Napanganga lang ako sa ganda ng lugar nato. May nakalagay pang 'A place for Elites' Ibig sabihin, mayaman ako? Esti, si Shaun pala. Ngunit mas napanganga ako nang sa isang Choco Land kami napasok.

"Whoa? Is this a dream came true?" I exclaimed. Pagkapasok na pagkapasok namin sa section na to. First time ko talaga dito. Everything's chocolate. Yung mga mata ko, naka heart heart na ngayon XD

"Oh Shaun? Kailan ka pa nahilig sa chocolates?" tanong ng babae sa kanya. Ngunit kagaya ng treatment niya sa akin, cold, well, hindi niya sinagot yung girl. Kawawa naman. Mas swerte pa rin ako kesa dun sa babaeng yun. At least, kinakausap ako ni Shaun pag may sense daw yung sinasabi ko at tsaka inaalagaan din naman niya ako ^////^

Naupo lang kami sa isang table doon at may waiter na nagserve sa amin ng chocolate ice cream, I mean sa akin lang pala. Hindi nga talaga mahilig sa chocolate ang lalaking ito.

Napanganga pa ako ng mas malaki, yung kasya na ang ulo ni Shaun sa bunganga ko. Hihihi. Ang sarap talaga.

"Pulubi ka ba? Kung makanganga ka, parang hindi ka pa nakakain ng ice cream na pang-totoong mayaman. Tss." he said that. Awwww, So Mean. Tiningnan ko lang siya ng masama at nagpatuloy sa pagkain. Well, I won't waste this chance of eating such a high quality chocolate ice cream. Ayokong magpadala sa kabadtripan noh!

Oh well, Chocolates give me a really good mood :)

Paalis na sana kami ng section na yun nang biglang may nagsalitang lolo. He's wearing an apron, he looks like an old chef or what :3 He handed Shaun a chocolate bar sabay sabing...

"Minsan ka lang magdala ng girlfriend dito, Shaun. Kaya ito, ibigay mo sa kanya. I exclusively made that."

Tiningnan lang siya ni Shaun at buti tinanggap niya yun. I just can't help but love chocolates :D

As soon as we went out from that building, he handed me the chocolate bar.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ng lolo kanina. Ito oh, para sayo naman yan." whoa. Napangiti ako. Yung ngiting tagumpay XD

"I didn't bought you some sa mall kanina kasi baka mapasobra ka na. Tss. Mas tumaba ka pa." what the--- okay na sana yung nalaman kong alam niyang gusto ko ng chocolates. Kaso, dinugtungan pa. Tss. Oh well, what am I expecting? He's Shaun -.-

SUPERNATURALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon