---
█ REVERSE WORLD █
Ang mundo kung saan lahat ay hindi ordinaryo. Iba ito sa mundong ibabaw na ginagalawan ng mga tao, iba ang galaw at ang mga bagay bagay dito. At sa lugar na to nababagay ang mga SuNa.
■ ■ ■
Iba pa rin ang lakas ng Titania, ang lakas ng isang emperatres. She's still that demonic goddess.
Nakaupo lang ako sa taas ng isang puno habang pinapanuod ang labanan sa pagitan ng isang babae at isang nakawalang priso sa Hell's Ground Floor. Isa lang naman ang ibig sabihin nyan, umatras lahat ng SuNa guardians dahil sa takot sa isang priso na mula sa Hell's Ground Floor kaya kailangan na ng pamahalaan na kumilos para maaksyonan agad ang problema. Kaya heto ngayon ang pinakamamahal na Empress ng Reverse World, kinakalaban ang demonyong si Gantomysh, ang pinakanakakatakot na nilalang sa loob ng kulungan. Sa totoo lang, napunta din ako sa lugar na to para kalabanin ang demonyong kapatid ng ama ko pero parang di ko na kailangang mag-aksaya ng lakas para dito. Hindi naman kasi mamamaliit ang lakas at kapangyarihan ng emeperatres.
P ero hindi rin makakailang nakakatamo din ng mga tama si Titania mula sa kalaban. Kaya ngayo'y sugatan na rin sya at...
"Heavenly Body's Darkness!" sigaw ng kalaban. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig dahil sa isa ito sa malalakas niyang kapangyarihan. Ngunit naharangan ito. Mas lumaki ang mga mata ko ng makitang si Damon ang humarang nito, ang pinakamalakas na SuNa Security Demon.
Tila nag-uusap silang dalawa ng biglang...
"Aray." sambit ko ng mahina. Nahulog lang naman kasi ako mula sa taas ng puno -____- L*ch*ng telekinesis!
"Ano ba Tania?!" kinausap ko sa isip ang emperatres na siyang may taglay lamang ng telekinetic magic. Syempre hindi ako makakasingit at harap harapan siyang sumbatan :3 Kitang nakikipaglaban yung tao, esti, SuNa.
"Nanunuod ka lang kasi! Bantayan mo nalang muna ang anak ko."
Dahil sa inutos niya e tumayo nalang ako at akmang tutulongan siya. Tss. Mas gugustuhin ko pang makipaglaban kesa sa magbantay ng bata ano -____-
But she pointed her sword to me and gave me her fatal eyes as she spoke, "Emergency Mission given by the empress to the prince of the reverse world, Shaun Mystogan Titan. Be a temporary SuNa Guardian to protect the young lady, Zerah Tania Red who lives in the world of ordinary. Mission signed." Leche plan -______-
---
May magagawa pa ba ako? Kaya heto nakatayo ako sa labas ng bahay ng emperatres na yun. Tss.
"...Mission signed." hinawakan ako ni Titania at biglang boom! Nandito na ako sa bahay nila -_____- Such a protective parent. Nakita kong may lalaki sa loob ng bahay. Sa pagkakaalam ko, babae ang anak niya. Bakit... Tss. Bahala na nga yan. Hanggang sa walang SuNa na umaaligid sa anak niya, mananahimik lang ako.
Nakita ata ako ng lalaki kaya lumapit siya sa may pintuan kaya... Invisibility.... at hindi niya ako nakita. Sinundan ko lang siya na napasok sa isang kwarto. Ang babaeng nakahiga sa kama, yun na siguro ang anak ng dakilang boss -___- Sa mga naoobserbahan ko, wala namang masamang balak ang lalaking to kaya nagtungo nalang ako sa terrace ng kwarto at doon umupo hanggang sa marinig kong nagbukas sara yung pinto, umalis na yung binata.
Pagod na rin ako sa kakapanuod ng labanan kanina kaya mabuti pang matulog na muna.
BINABASA MO ANG
SUPERNATURAL
Teen FictionSupernatural is not the ordinary. Thus, Zerah Tiana should live not in the ordinary but in its reverse world where everything is supernatural. READ • COMMENT • VOTE • FOLLOW (If you want to :)) - Iiaammmmee/Miss Mean