This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
MY BOYFRIEND FOR ONE MONTH
Written by: silentine
***
"Hoy sungit, sige na pumayag ka na kasi" Pangungulit ko rito sa kausap kong masungit
"No." Naka poker face na sabi niya
Hay nako kung hindi lang talaga kailangan, hindi naman ako magmamakaawa at mangungulit ng ganito sakanya no tsk.
"Please? sige na naman oh. Tyaka about doon sa ginawa ko sayo...."
Napapikit ako sa saglit dahil naalala ko nanaman yung ginawa ko sakanya, no choice ako kaya ko lang naman ginawa yon.
Shit. Nakakahiya.
"Iisipin kasi nilang boyfriend kita, so sige na pumayag ka na" Paki-usap ko sakanya
"Problemahin mo yan mag isa, ang daming ibang lalaki dyan. Pinalagpas ko na nga yung pagnanakaw mo--"napahinto siya sa pagsasalita
Naalala niya siguro.
"Tapos gusto mo pang magpanggap na tayo? No way."
Akmang aalis na siya pero napigilan ko siya nang hawakan ko yung braso niya.
"Please, desperada na kung desperada. I'll do anything you want. Please, dali na." Napabuntong hininga na lang siya at naupo uli.
Papayag na kaya siya?
"Tsk. Why me? Give me one f*cking valid reason." Naiinis na sabi niya
Ang dami namang tanong nito pumayag na lang kasi siya grrr.
"Revenge? Hehe" Sabi ko sakanya
"What? You're going to use me just because of your childish reason? Baliw ka ba?"
Aalis nanaman siya, bago pa man siya makaalis nahawakan ko yung laylayan ng polo niya. Kahit na pinagtitinginan at pinaguusapan na kami wala na akong pake. Duh mas importante mapapayag ang lalaking 'to!
"Teka lang naman! Sige na, one month lang naman eh. Pagkatapos non hinding hindi na kita guguluhin kahit kailan. Promise! Cross my heart and padlock susi" Sabi ko with matching taas kamay pa.
"Ts," Umupo siya muling tinitigan ako. Tinitigan ko rin siya at inabangan yung sasabihin niya.
"Fine," Walang emosyong sagot niya
Wait anong fine? Fine, as in payag na siya? Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sinabi niya.
"You mean papayag kana?!" Di makapaniwalang sabi ko
"Sit down." Utos niya
"Pero payag kana? Payag ka na maging boyfriend ko?!" Naeexcite kong tanong.
"Can you please lower down your f*cking annoying voice? Gusto mo bang bawiin ko?"
"Wag! Ito naman hindi lang makapaniwala eh. Waaaah thank you talaga!"
Dahil sa sobrang saya ko muntikan ko na siya yakapin buti na lang tinutok niya yung hintuturo niya sa noo ko at inilayo niya ako.
"Yuck, don't hug me."
"Hoy maka yuck ka naman! Anyway, thank you talaga wihihi" Natutuwang sabi ko.
Masyado akong masaya para patulan yung sinabi niya, tyaka baka bawiin niya kaya di ko na inaway. Tinignan niya lang ako, tapos naglakad na siya palabas ng coffee shop. Lalabas na sana siya ng lumingon uli siya.
"I forgot, we only have one rule."
"Ano 'yon?" Tanong ko.
May pa rule pa akala mo naman talaga.
"BAWAL MA INLOVE."
Pagkatapos niya sabihin yun, tuluyan na siyang lumabas ng coffee shop.
Bawal ma-in love? Wow ha! As if naman na mai-inlove ako sakanya no, kapal naman non.
Ew. No freaking way.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend for One Month
Teen FictionONE MONTH Sa loob ng isang buwan, kailangan naming magpanggap. Magpanggap na kami ay may relasyon. Pero may kaisa-isa kaming RULE, yun ay ang... "BAWAL MA INLOVE."