"Mayumi Viel Cortez Forteza!"
Nagulat naman ako dahil sa sigaw na bumungad sakin nang makadating ako ng condo. Bumungad si Kayleigh sakin na nakapamewang pa na parang mamamalo ng bata.
"Explain, now!" Sigaw niya muli, nandito rin sila Nicole at Courtney nakaupo sa sofa.
"Teka lang pagbihisin mo muna ako!"
"5 minutes!" Sigaw ni Kayleigh.
Jusko parang nanay si Kayleigh! OA.
"Okay, now explain." Sabi ni Kayleigh ng makalabas ako ng kwarto, this time naka upo na si Kayleigh katabi nila Nicole. Naupo naman ako sa harap nila.
Pft. Mukha akong lilitisin. Tinignan ko sila, seryosong seryoso sila. Ghad, nakaka pressure naman,
"Teka ano ba sasabihin ko?"
"What the hell Yumi? Talagang di mo alam yung sasabihin mo?!" Sigaw ni Kayleigh.
Putcha ang OA!
"Ang OA mo Kayleigh ha!" Ayan tuloy sumigaw na din ako.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ni Nicole.
"Anong 'yon?"
Kahit alam ko yung tinutukoy niya, mas pinili ko mag maang maangan, di ko pa kasi alam isasagot ko. Nahihiya pa din ako sa ginawa ko!
"C'mon Mayumi! Hello? Yung eksena mo sa food court duh. Bakit mo hinalikan si kuyang transferee?!" Kayleigh.
"Okay sige, kaya ko ginawa yon dahil yon lang ang naisip kong way para tigilan na nila ako especially Xavier. Di ko alam bakit ginagawa niya pa rin to sakin, bakit di na lang nila ako hayaan? Di ko naman sila ginugulo. Sa way yon napakita ko sakanila na naka move on na ko, sawang sawa na ko dahil pinapamukha nila sakin na naghahabol ako kay Xavier. Ayoko nang guluhin nila ako. Kailangan ko din gumawa paraan para matapos panggugulo sakin."
"I know na mali pero yon yung unang pumasok sa isip ko and that's it ginawa ko na. Bigla na lang sumagi sa isip ko yung napagusapan natin kahapon. Tingin kasi ni Xavier sakin mapaglalaruan nanaman niya ko, eh. Sa totoo lang gulong gulo na ko." Sabi ko, sandali silang nanahimik.
"Sorry, talagang nagulat lang ako sa ginawa mo kanina. Tapos hindi ka pa nag take ng last exam for 1st day kanina." Sabi ni Kayleigh.
Hindi na ako nakapag take ng exam kanina. Pagkatapos ng nangyari nagpalipas muna ako sa open field pagkatapos umuwi rin ako agad, sa kahihiyan ba naman na ginawa ko talagang hindi na ko makakapasok.
"Sana naman tantanan ka na nila pagkatapos ng nangyari, tyaka agree naman ako doon sa ginawa mo, I'm so proud of you Yumi hehe." Sabi naman ni Nicole kaya natawa ako sakanya.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend for One Month
JugendliteraturONE MONTH Sa loob ng isang buwan, kailangan naming magpanggap. Magpanggap na kami ay may relasyon. Pero may kaisa-isa kaming RULE, yun ay ang... "BAWAL MA INLOVE."