FIVE

27 2 0
                                    

"Class dismiss."


"Tara CR muna tayo." Aya ni Nicole.


1st day of final exam. Kakatapos lang ng dalawang exam namin, isang subject na lang at uwian na.


"Finally, isang subject na lang uwian na" Sabi ni Kayleigh ng makalabas ng cubicle.


"We still have lots of upcoming exam." Paalala ni Courtney habang nagsusuklay ng buhok niyang color ginger orange. 


"Courtney, pinanganak ka siguro para maging kj no? Sinabi lang eh," Sabi naman ni Kayleigh, kaya naman natawa kami ni Nicole. Ganyan talaga yang dalawang yan. 


"Gosh look who's here, nandito pala yung ex kuno ni Xav."


Napatingin kami sa nagsalita, kakapasok lang ng apat na babae dito sa CR. I know them, mga alagad ni Cassandra, kilala rin sila dito sa university dahil members din sila ng cheering squad. As of now hindi nila kasama si Cassandra.


"Yumi ano naka move on ka na ba sa imaginary relationship mo with Xav?" Sabi nung Rhian. She's pretty with her dark brown mid-length straight hair, kaya lang medyo tagilid ang ugali. 


Di ko sila sinagot, bahala sila dyan mag mukhang tanga.


"Wawa ka naman Yumi, he's with Cassandra na. Kung ako sayo mag momove on me." Sabi naman ni Yvonne. Like Rhian, maganda rin naman siya actually lahat sila maganda ugali lang talaga pangit, anyway light brown hair and naka bob cut 'to.


"Kung ako rin sainyo tigil tigilan niyo kaibigan ko, tantanan niyo na kayo lang nagmumukhang tanga tyaka..." napatigil sa pagsasalita si Kayleigh tapos nagtakip ng ilong, "Baka mahawa pa kami sa kabahuan ng ugali niyo." with head-to-toe look pa.


"What did you say b*tch?!" Naiinis na sabi nung Tanya naman. While Tanya, she has jet black wavy hair. 


"I said, kung ako rin sainyo tigil tigilan niyo kaibigan ko, tantanan niyo na kayo lang nagmumukhang tanga tyaka baka mahawa kami sa kabahuan ng ugali niyo. Ano ba yan? Pangit na ng ugali, bingi pa." Gusto kong matawa sa sinabi ni Kayleigh, pero pinigilan ko.


"Gusto mo ba ng away?" Sabi naman ni Karen, na red hair na naka wolf cut. 


Courtney sighed, "Let's go, remember hindi tayo pumapatol sa low class." Kalmadong sabi niya samin. Paalis na sana kami nang magsalita ulit isa sa kanila.


"What a b*tch!" Akmang susugod na si Tanya pero humarang ako.


Ayoko sana makipag away, hays.


"Excuse me? Sorry, but we don't have time for this childish arguements with low class. Mawalang galang lang pero kailangan na kasi naming umalis, you know, school stuffs. We need to maintain our unos. Tyaka niyo na kami kausapin kapag kaya niyo na pantayan or higitan yung grades namin oki?" Nakangiting sabi ko then umalis na kami sa CR. Iniwan namin silang nag gagalaiti sa inis.

My Boyfriend for One MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon