"Anong nangyari sayo?"
Bungad sakin ni Kayleigh ng makapasok ako sa condo namin. Tulala at nagmumugto kasi ang mata kong umakyat dito sa condo namin.
"Umiyak ka ba?!" Tanong naman ni Nicole.
"Anong ginawa niya sayo?!"
This time tumaas na din ang boses ni Courtney ng itanong niya 'yon.
"Break na kami."
"Ano?!" Muli nanamang sumigaw si Kayleigh.
"What the hell?! Bakit?! Ano nangyari?!"
Kinuwento ko sakanila lahat ng nangyari kanina, kung ano ginawa sakin at paano ko tanggihan si Xavier sa gusto niyang mangyari.
"Eh gago pala siya, e?!" Kayleigh.
"Hindi lang napagbigyan nakipag break na? Yung iba ngang lalaki dyan kaya mag hintay eh!" Sabi naman ni Nicole.
"That asshole, wag na wag siyang magpapakita sakin." Courtney.
Napatakip naman ako ng mukha, naiiyak nanaman ako. Di ko alam kung ano ba mararamdaman ko, tama ba yung desisyon ko na tinanggihan ko siya o dapat ba di ko na lang siya pinigilan para di kami mag break?
"Hindi ka dapat malungkot! Dapat nga magalit ka! Obvious namang sex lang ang habol sayo ng siraulong 'yon. Gawain ba ng matinong boyfriend yon?!" Kayleigh.
Totoo ba? Hindi naman ganon si Xavier eh. Iba siya. Napapikit ako ayoko maniwala at makinig sa sinasabi nila.
"Ang sakit lang mahal ko siya, eh. Baka naman talagang kailangan kong intindihin yung needs niya, girlfriend niya ko diba? Kailangan Intindihin ko siya."
"Tanga ka ba? Hindi gagawin ng matinong boyfriend yan Yumi, tandaan mo. Kung mahal ka talaga niyan, maghihintay yan sayo, hindi ka niya pipilitin. Oo masakit Yumi, pero buti na lang tama ang naging desisyon mo, yan yung desisyon na hindi dapat pinangsisisihan. Mas masakit yan kapag nakuha na niya ng tuluyan yung gusto niya tapos doon ka iniwan." Nicole.
Hindi na lang ako sumagot, dahil may point naman si Nicole.
"Yumi, kaibigan mo kami. Sinasabi namin kung ano nakakabuti para sayo. Wag ka naman magsisi sa desisyon mo. Makinig ka samin. Masakit man, pero kailangan mo tanggapin."
Umiiyak lang ako. Mahal ko si Xavier.
"Look at yourself, crying over him? Nakipag break just because hindi napagbigyan makipag sex? Wake up Yumi. Wag ka namang tanga. Alam ko takbo niyang isip mo, wag na wag kang makikipag balikan don, sinasabi ko sayo Mayumi Viel, kapag nakipag balikan ka sa lalaking yon, meron kang boyfriend pero tandaan mo 'to mawawalan ka ng kaibigan. Mawawala siya or kami, isa lang pipiliin mo."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend for One Month
Teen FictionONE MONTH Sa loob ng isang buwan, kailangan naming magpanggap. Magpanggap na kami ay may relasyon. Pero may kaisa-isa kaming RULE, yun ay ang... "BAWAL MA INLOVE."