Chapter 17: Time Skip, Revelations, New Relationships, Heartbreaks (part 2)

16 2 0
                                    

[Erika's POV]

 

What?! Anung kalokohan to?..I.. I.. no! Why? Bakit si Hazel?!  I'm about to break down in tears. Damn that Martin. Damn!

"That's good guys. Well, kailangan ko gumamit ng comfort room. Okay lang ba na mauna na ako?"  here I am. Making excuses. Ayoko naman na mahalata nila ang nararamdaman ko.

 

"O-okay." sabi ni Blair. Muka syang worried. Sorry Blair. Tumayo na ako at naglakad. Sa halip na dumiretso sa c.r, sa rooftop ako nagpunta. Dun ako umiyak. Why does it have to be her?

 

"What're you doin' here?" narinig ko ang boses ni Jonas kaya pinunas ko agad ang luha ko. Pero ayaw padin tumigil nito sa pagpatak.

 

"No-nothing. Ikaw, bat ka nandito?"

 

"This is my usual place. Masakit ba? Sobrang sakit diba?" tapos ngumiti sya sa akin. Alam ko na ex nya si Hazel. At sa laki ng pinagbago nya after nila mag break, makikitang gusto nya padin si Haz hanggang ngayon. Paano nya pa nakukuhang ngumiti?

 

"A-anong masakit? Hinde ah. It's not what you think. Tears of joy ito. Masaya ako para sa kanila. Ikaw? Gusto mo padin sya diba? Pano mo pa nakukuhang ngumiti?" tanong ko sa kanya.

 

"Kase wala naman akong ibang magagawa kung si Martin na yung gusto nya. Kung san sya mas masaya, kahit na hindi pa sa tabi ko yun. Susuportahan ko sya. Kahit na ang tanging paraan pa ay ang isakripisyo ko ang sarili kong kasiyahan." tapos ngumiti ulit sya. Pero ramdam ko ang sakit sa mga ngiti nya. Lalong umagos ang luha ko. Parehas siguro kami ng nararamdaman. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

 

"Parehas pala tayong bitter. Dahil wala na tayong ibang choice kundi mag sacrifice." I chuckled. Tapos naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko. 

 

"Okay lang naman..sa lalaki na umiyak diba?" I smiled and replied "yes.." Hanggang sa naramdaman ko na ang init ng luha nya sa balikat ko. It feels like my heart's being crushed because of his silent cries... Ramdam ko ang sakit at ang bigat na dinadala ni Jonas. I've never thought na ganito pala ang pakiramdam ng magparaya. Hanga na ako sa kanya sa lakas ng loob nya. Napangiti nalang ako habang tumutulo ang luha ko. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking sobra kung magmahal...

--

[Blair's POV]

 

Tuloy padin ang kwentuhan namin. Magkatabi na si bes at si Martin. Mukhang sobrang saya nya. Siguradong hindi alam ni bes ang nararadaman ni couz. Tumayo ako.

 

"Guys.. pupuntahan ko lang si couz." sabi ko sa kanila, pero hinawakan ni Paul ang kamay ko at umiling sya. Tapos binitiwan nya na ang kamay ko. Nagkaroon ng awkward silence sa table namin. 

 

"M-malapit na magbell guys. Diba dapat bumalik na tayo sa room? Tutal tapos na naman tayong lahat kumain. hehehe." sabi ni Frances. Seryoso ang muka ni Martin, nakayuko naman si bes. At nakatahimik na kaming lahat. Maunti na din ang mga tao sa canteen. 

You Are My Destiny [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon