Chapter 18: The Sly King and the Storage Room

14 2 0
                                    

[Blair's POV]

 Pumasok na sa room namin ang Filipino teacher namin. Nag attendance kami at si Ezra lang ang wala. At dahil ako ang president.. as usual..

"Ms. Sullivan please look for Mr. delos Santos." Kaya heto ako ngayon.. gala na naman sa buong campus. Ay nako, bat ba kase ako ang ginagawang taga hanap ng nawawalang unggoy na yun? *sigh*

After kong naikot ang buong campus, wala padin sya. Di ko padin makita, pati sa rooftop wala sya. Baka naman lumabas. Nagpunta ako sa guard house. Tinanong ko si manong guard kung may lumabas ng estudyante. Wala naman daw. San ba nagpunta ang lokong yun?

"Hija, diba dapat ay nasa klase ka?" sabi nung guard. Tumingin sya sa orasan nya. Nga naman, class hour ngayon eh.

"May hinahanap po ako, lalaki na may katangkaran. Tapos.. ahm.. gwapo po. Maitim ang buhok." sabi ko sa guard. Wala akong ibang description sa kanya eh.

"Yung apo ba ng director ang tinutukoy mo? si Ezra?" wow? kilala sya ng guard? teka. a-apo ng director?! 

"o-opo..si..si Ezra nga..apo pala sya ng director..?!" nanlaki nalang ang mga mata ko sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala grabe.

"Ay ou. Nakita ko sya kanina sa may storage room, naghahanap yata ng matutulugan. Try mo nalang hanapin dun." nagpasalamat ako kay manong guard pagtapos nun. Dumiretso ako sa storage room at tama nga sya.. andito ang unggoy. Nasa sulok. Natutulog sya sa ibabaw ng mga box. Like a boss ah. Madilim kaya iniwan kong nakakawang yung pinto para may konting liwanag. 

"Psst! gumising ka nga." tapos inalog alog ko sya kaso wa-epek.

"Mga bata talaga, kahit ilang beses kong sabihan na isasara ang pinto pagkakakuha nga mga gamit wala pading nakikinig." may narinig akong nagsalita sa labas. Parang boses nung janitor. Tapos lumagitnit ang pintuan at narinig ko ang tunog ng kadena sa handle ng pintuan. Naku po.

"Huy Ezra gumising ka nga dyan!" tinapik tapik ko sya. Nagising din sa wakas.

"Hmmm? Ano ba.. Tsk." tapos bumalik sya ulit sa pagtulog. Unggoy talaga! -_-

"Bahala ka nga dyan!" tapos pumunta ako sa kabilang sulok. Takot ako sa dilim sa totoo lang. Pero mas natakot ako ng sumagi sa isip ko na.. I'm here..alone.. with this..weirdo.. in a closed..dark..room.. (O////O) *tug dug* *tug dug* Here we go again. Bakit kahit na inis na inis ako sa kanya kapag ganito ang sitwasyon sumisikip ang dibdib ko at bumibilis ang tibok ng puso ko? Biglang may kumaluskos sa may paanan ko. Waaaah >< anu yon?! tapos biglang may gumapang sa paa ko. Napalundag ako at tumakbo palapit kay Ezra.

"Ezra! Ezra! May gumapang sa paa kooooooo!" nagising sya sa kaka alog ko sa kanya.

"Hmm? Imagination mo lang siguro yun.. " pabalik na sana sya sa pagtulog pero hinatak ko sya patayo.

"May gumapang talaga eh.. " sabi ko sa kanya. Bumangon sya tapos nag evil grin. 

You Are My Destiny [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon