Chapter 15.5: Feelings

27 3 0
                                    

Mouuu~ Ang lakas nung pagkakasigaw nya saken. Grabe. Pagbaba ko, nakita ko sa may guard house sina Hazel, kasama ang 3 kings, si Frances, yung kaibigan nila (namin rather) na si Erika, at syempre..the apple of my eye, si Blair. 

"Bat nandito pa kayo? 5pm na oh." I said.

"Pupunta kami sa bagong bukas na perya. Sama ka?" tanong ni Blair tapos ngumiti sya sa akin. Ang bait nya yata sakin pagkatapos nung pag uusap namin.

"Sure." I smiled. Tapos nag commute lang kami papunta dun sa perya. Pagdating namin, nagkahiwa-hiwalay kami. Magkasama sina Jonas at Erika dun sa may shooting game. Si Martin, Hazel at Frances naman, magkakasama sa catterpillar. At ako, si Paul at Blair magkakasama dito sa ice cream stand.

"Tara sakay sa ferris wheel! Antagal ko ng di nakakasakay dun eh. Please?" pakiusap ni Blair sa amin.

"Pangdalawahan lang yung upuan oh, saka isa pa.. mahihiluhin ako eh. Kayo nalang ni Ezra." sabi ni Paul.

"Okay lang ba sayo Ez?" tanong naman ni Blair sa akin. Syempre oo! A very big yes!

"Yep. Wait, bibili lang ako ng tickets." tapos bumili ako ng 2 tickets para sa ferris wheel. Ang huling beses yata na sumakay ako dito eh nung bata pa ako. Si ugly duckling pa kasama ko. Pagbalik ko, inaya ko na si Blair na sumakay. Si Paul naman, sabi nya hihintayin nya nalang kami dun sa bench. Pagsakay namin, at nagsimula ng umandar ang ferris wheel. Magkaharap kami ni Blair kase yung upuan ay dalawang magkaharap. Pang couple yata yung ganitong ride eh. Napatingin ako sa relos ko, 6pm na. Ang ingay. Yung mga ibang nakasakay nag iiritan pa. Wala naman ka-thrill thrill yung gantong ride eh. O.A masyado.

"Nabo-bore ka ba?" tanong ni Blair. She looked worried.

"Ah.. no. Tumingin lang ako sa oras." then I smiled.

"The last time na sumakay ako dito bata pa ako, kasama ko yung childhood friend ko." sabi nya tapos ngumiti sya. Wow. Parehas kami. Kaso yung akin fiancee daw. Hindi lang kaibigan. Come to think of it.. wala na kong balak hanapin sya. Siguro pag naging kami ni Blair.. at pinakilala ko sya kay dad titigilan na nila ako tungkol sa pagpapahanap kay ugly duckling.

"Huy. Bat ka tumahimik?" napatingin ako kay Blair. She's really beautiful. Huminto ang ferris wheel sa pag andar. Nandito kami ngayon sa pinakatuktok. I think it's time.

"Blair.. I have something to say."

--

[Blair's POV]

"Blair.. I have something to say." Ezra looked serious. Ano kaya yun? His serious look seems so mature. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What's this tingly feeling? My heart's beating like crazy.. lalo na ngayong nakatingin kami sa isa't isa. 

"Blair.. I..." biglang umandar yung ferris wheel at umingay na ulit. Hindi ko narinig ang sinabi nya. Umiwas sya ng tingin at ngumiti. Kung babasahin ang buka ng bibig nya.. it says.. "I..love..you." h-huh? (O//////O) You've gotta be kidding me. Siguro mali lang yung pagkakabasa ko sa buka ng labi nya. Bumagal yung takbo ng ferris wheel nung pangatlong ikot.. hindi ako makapagsalita. I'm prolly bright red now. Unti-unting nawala ang sigawan at iritan ng mga nakasakay. Malapit na matapos ang ikot ng ferris wheel.

"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo Blair. Because I love you." Hindi na ako nakakibo. Pagbaba namin sa ferris wheel..

"How's the ride? Mukhang nahilo ka Blair. Hahahahaha! You're bright red. At ikaw naman Ez, di ka ba nabored dun? Parang wala lang sayo yung ride ah." sabi ni Paul. Wala syang kaalam-alam sa nangyari.

"Uh yeah." sabi lang ni Ezra. Tapos nagkita kita na kaming magbabarkada. At naghiwa-hiwalay na kami on our way home. Hanggang sa maka uwi ako ng bahay, pakiramdam ko namumula parin ako. It's the first time that someone confessed to me.

"Nagbu-blush ka. Si Neil na naman ba?" napatingin ako kay couz. Tanong nya habang may hawak na pocketbook. Nasa daan na't lahat nagbabasa padin. Oo, magkasabay kaming umuuwi. Naglalakad lang kami kase malapit lang naman yung subdivision na tinitirahan namin. Saka safe naman ako dahil ang kasabay ko ay black belter ng taekwondo at judo karate. 

"Hinde ah. Anu ba yang binabasa mo?" tanong ko sa kanya.

"Secret." damot sa impormasyon ah. Pagdating namin sa bahay dumiretso na su couz sa kwarto nya, ako naman sa kwarto ko. Humiga ako sa kama.. "Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo Blair. Because I love you." Naramdaman ako ang init ng mukha ko. Urghhhh!! 

"Ezra kasalanan mo to!!!"

 --

You Are My Destiny [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon