Chapter 1.
Grabe pala talaga ang init dito sa Maynila. Hindi ko inakala na ganito. Mabuti pa sa probinsiya namin, malamig lamig pa ang hangin. Samantalang dito parang wala nang hangin. Paano kaya nakakatagal ang mga tao dito? Parang hindi ko kaya magtagal dito kaso kailangan ko.
Napakahirap naman maghanap ng trabaho dito. Kung sana ay nakayanan ng nanay at tatay na pag-aralin ako sa kolehiyo, sana ay mas madali akong matatanggap. High school lang kasi ang natapos ko. Kaya ito, hirap na hirap ako maghanap ng trabaho.
Kapag nakakakita ako na may hiring, napapaatras din ako kapag nakikita kong college level ang required. Nakakalungkot isipin na nagkakaroon ng discrimination nang dahil lang sa educational attainment ng tao. Sa tingin ko naman kasi, pare-pareho lang kami ng takbo ng utak kaya makakaya din naming gawin ang kayang gawin ng mga nakatuntong sa college. Kahit kailan talaga unfair ang buhay.
Minsan tuloy napapaisip ako lalo na sa gabi bago ako matulog. Bakit kaya kailangan ganito ang buhay namin? Bakit yung iba nakakaangat? Bakit kami hindi? Masipag din naman ang nanay at tatay magtrabaho pero bakit parang wala kaming asenso? Bakit yung iba sobra-sobra naman yata sa biyaya tapos kami kahit yata anong dasal at nobena ang gawin ay hindi naririnig ang mga kahilingan namin.
Tulad na lang ngayon. Kalahating araw na akong naglalaboy sa kahabaan ng lugar na ito sa maynila pero wala pa rin akong mahanap ng mapapasukang trabaho. Ano bang problema ng mundo? Bakit ang ibang tao, sila ang nilalapitan ng grasya? Samantalang kami, parang pilit iniiwasan ng kahit na anong grasyang gusto naming makamtan?
Nagugutom na ako. Kaso magkano na lang ang pera ko? Sa isang libong pera na dala ko, P300 na ang nawala, pamasahe pa lang ang nababawas. Kailangan kong magtipid. Mamalimos na lang kaya ako? Haha. Nako, hindi ko kaya. Baka walang maniwalang pulubi ako. Maganda kasi ako. Haha. Joke.
Mag-GRO na lang kaya ako? Nyek. Hindi na no. Ang halay halay ng trabahong yun. Saka hindi naman ako kaladkaring babae. Hindi ko magagawang ipagkanulo ang birhen kong katawan para lang kumita ng pera. Kailangan marangal ang maging trabaho ko.
Pakiramdam ko mahihimatay na ko. Gutom na talaga ko tapos sobrang init pa. Kailangan ko na makahanap ng makakainan. Pero puro mamahaling restaurant naman ang nakikita ko sa paligid ko e. Yung P700 na natitira kong pera, baka kanin lang at sabaw lang ang mabili. Joke lang. Pero seryoso, wala bang karinderya dito? Lahat ban g tao dito mayaman?
Ayun! May nakikita na akong karinderya. Konting lakad pa, malapit na rin ako. Konting tiis pa makakarating na rin ako. Sana huwag muna akong himatayin.
“Ano sa’yo ate?” Tanong sa akin ng babaeng kumukuha ng order. Ano nga kaya ang kakainin ko. Lahat kasi masarap. Ang hirap naman mamili ng kakainin kapag ganitong gutom na gutom ka na tapos nagtitipid ka pa.
“Ate, magkano poi sang order ng ulam?”
“P25 lang lahat yan. P35 may kasama ng kanin. Pili ka lang ate ng gusto mo. Masarap yan lahat.”
P35, hindi na masama. Ang masama lang baka mabitin ako. Isang tasang kanin lang ba ang makakasagot sa gutom kong ito? Bahala na nga. Bibili na lang siguro ako ng biskwit para hindi ako gutumin mamay pag nagtuloy na ako sa paghahanap ng trabaho.
“Ate, ito na lang pong sinigang.”
“Dine in po ba?"
“Ah, opo.”
Parang Jollibee o McDo lang ah. Dine in o take out. Kaso, parang wala akong pupwestuhan ah. Naabutan na din kasi ako ng lunch break ng mga kumpanya dito kaya puno na ang karinderia. Nang makuha ko na ang order ko ay, naglakad lakad ako para makahanap ng pwesto. Baka sakaling may bakante akong makita. May isang table na isang tao lang ang nakapwesto. Pwede naman siguro akong maki-share ng table sa kanya no?
BINABASA MO ANG
The Snob Prince (On-Going)
RomanceMahirap ako, mayaman siya. At ang mapaglarong tadhana, pinagtagpo at pinagsama kaming dalawa. Ako si Andrea Charmaine Flores. At siya si Ethan Johann Cooper. Ikinasal kami hindi dahil sa nagmamahalan kami. Kundi dahil kailangan niya akong panagutan...
