Chapter 2.

80 5 2
                                        

Chapter 2.

Hindi ko alam kung paano ako bababa mula sa kotse. Nakakatakot yung nagsalita. Para siyang isang witch na matanda. Ito na ba ang kamalasan ko? Bakit ang bilis naman yata. Hindi pa nga ako sinuswerte sa alok sa aking trabaho e may ganito agad.

“Manang Dolores naman, wag niyo nga tinatakot si Andrea. Di ba kailangan niyo ng bagong kasambahay? Naghahanap kasi ng trabaho tong si Andrea kaya sinama ko dito.”

“O siya, hala. Papasukin mo na sa loob iyan at ng makilatis.” Sagot sa kanya ng babae. Grabehan lang. Maiiyak na yata ako.

“Tara na Andrea.” Pag-anyaya sa akin ni Edward.

Sumunod naman ako kay Edward. Nginitian ko lang yung matandang tinawag niyang Manag Dolores. Pero hindi siya ngumiti sa akin. Paano kaya nakasundo to ni Edward? Makakasundo ko din kaya siya? Parang nakakatakot siyang kausapin.

Pumasok na kami sa loob ng mansion pero sa likod kami dumaan. Hindi ako makapaglakad ng maayos kasi hindi ko mapigilan mapatingala. Sobrang ganda kasi ng pagkakagawa. Mas malaki pa to sa bahay ni Governor. Ang sarap sa pakiramdam na nakatuntong ako sa ganitong kalaki at ganitong kagandang mansion. Hindi na ako makapaghintay maibalita to kay Nanay.

Pinaupo ako ni Edward nang makarating kami sa kusina. Kita mo nga naman, pinaghanda pa ako ng merienda. Para naman akong bisita dito. Kapag nagkataong natanggap ako dito, malilibot ko ang buong mansion. Ang sarap siguro tumira dito.

Nagkwentuhan lang kami ni Edward habang hinihintay ang sinabi ni Manang Dolores na pagkilatis daw sa akin. Siya kaya ang mangingilatis o yung amo nila? Sana mabait yung may kanya nito.

“Edward, pinapatawag daw ni Mam Cynthia yung nag-aapply na katulong. Nasa garden sila.” Sabin g isang babae na lumapit sa amin. Katulong din siguro siya dito.

“Sige. Salamat She. Pano, tara na? Samahan na kita papunta sa garden.” Pagyaya niya sa akin. Ang bait talaga nitong si Edward. Hindi ka pababayaan.

“S-Sige.” Pagsang-ayon ko. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil makikita ko na ang may kanya nitong mansion na to. Sana talaga mabait sila.

“Wag kang kabahan, mabait naman si Mam Cynthia at Sir Ramon. Si Manang Dolores lang talaga ang nagmamatapang dito. Akala mo sa kanya tong mansion.”

Tumango na lang ako sa sinabing yun ni Edward. Pero di ko pa din mapigilan kabahan kahit na medyo nakakatawa yung pagkakasabi niya. Para kasi siyang may hinanakit kay Manang Dolores sa tono ng pananalita niya.

Halos umikot yata kami sa mansion bago nakarating sa garden. Sobrang lawak naman nito. Gaano kaya katagal inaabot ang paglilinis nito? Ang tanong pala, ilan ang tagalinis nila dito? Sa labas pa lang, mukhang kailangan ng maraming tagawalis e. Ilan din kaya ang mga maids dito. Malamang marami. Di ko pa kasi sila nakikita.

“Good afternoon po Mam Cynthia, Sir Ramon. Eto na po si Andrea.” Magalang na pagbati ni Edward sa mga amo niya. Nakapwesto sila sa isang table na nandito sa garden. Pati ang garden nila, sobrang ganda. Halatang alagang alaga.

“Good afternoon po Mam, Sir.” Bati ko rin sa kanila. Medyo yumuko pa ako bilang tanda ng paggalang.

“Good afternoon. Halika hija, maupo ka dito.” Tawag sa akin ni Mam Cynthia. Umalis na din si Edward. Kaya naiwan kaming tatlo nina Mam Cynthia at ng isang lalaki na nagbabasa ng diyaryo. Siguro ay asawa ito ni Mam Cynthia. Kung di ako nagkakamali ay Sir Ramon ang sinabi ni Edward kanina.

“So, your name is Andrea. Anong apelyido mo?” Pag-uumpisa ni Mam Cynthia nang makaupo na ako. Nakatingin siya ng diretso sa akin habang kinakausap niya ako.

The Snob Prince (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon