Author's Note:
Hello dear readers! Here's the 3rd chapter of the story.
If you just want to, you may also read my other stories. On-going din po lahat ng mga to. :)
*I Just Love You
*Stand By You
*Hidden Agenda
Keep on reading my stories! Enjoy. :) And thanks for reading anyway.
---
Chapter 3.
Inabot din ako ng isang linggo bago makatapos ng mga requirements ko. Sa wakas makakapagsimula na din ako sa trabaho ko. Hindi man ganun kagusto nina Nanay at Tata yang napili kong trabaho, wala na rin silang nagawa. Nakapagdesisyon na ako.
At isa pa, kesa naman sa nandito lang ako sa bahay. Nasa tamang edad na ako para magtrabaho. Kailangan na ako makatulong sa kanila sa pang-araw araw na gastos para mabawasan naman ang pangungutang namin sa tindahan.
*Flashback*
“Anak, ano nga pala ang trabahong nahanap mo?” Tanong ni Tatay sa akin habang kumakain kami ng hapunan. Gabi na kasi ako nakarating at hinintay na nila ako para maisabay sa pagkain.
“Ang totoo po, namasukan po ako bilang kasambahay.” Nahihiyang pag-amin ko sa kanila. At kagaya nga ng inaasahan ko, nagulat sila.
“Bakit ka naman namasukan bilang katulong anak? Kung alam lang namin na maglilinis ka lang din ng ibang bahay, hindi na kita pinaluwas ng Maynila at dito ka na lang sa bahay maglinis maghapon at magdamag.” May halong panghihinayang sa boses ng Nanay ko.
“Wala naman po kasi akong makitang iba Nanay. Lahat po ng nadaanan ko, puro college graduate o di kaya’y kahit papano ay nakapagkolehiyo ang tinatanggap. At nagkataon naman po na may nag-alok sa akin ng trabaho bilang kasambahay nga po kaya pinuntahan ko na din. Saka hindi naman po basta-basta yun Nanay kasi sa mansion ako magtatrabaho. Saka mababait naman po ang mga magiging amo ko.” Pagtatanggol ko naman sa sarili ko. Alam kong ganito ang mararamdaman nila kaya dapat ko lang ipaliwanag sa kanila ang nangyari. Dapat malaman din nila ang punto at nararamdaman ko.
“Pasensya ka na anak sa amin ng Tatay mo kung hindi ka namin nakayanang papag-arlin sa kolehiyo ha. Alam mo naman ang buhay natin.” Malungkot na pahayag ni Nanay.
“Nanay naman e. Hayaan niyo na po yun. Hindi ko naman sinusumbat sa inyo kung may pagkukulang man kayo e. Basta ang mahalaga, buo tayo at masaya. Hindi tayo nag-aaway away. May nakakain tayo araw-araw.” Pag-aalo k okay Nanay. Inatake na naman kasi ng kadramahan to e.
“Salamat anak ha. Napakabait mo talagang bata. Maniwala lang tayo sa Kanya, hindi Niya tayo pababayaan.”
“Opo Nanay. Kain na nga tayo Nanay. Best actress ka na naman diyan e.” Natatawang pagbibiro ko naman kay Nanay.
*End of Flashback*
“Nanay, Tatay.” Pagmamano ko sa kanila bago ako umalis. “Mauna na po ako ha. Mag-iingat po kayo dito. Padadalhan ko na lang po kayo ng pera kapag nakasweldo na ako.”
“Anak, ipunin mo na lang ang suswelduhin mo. Ikaw ang maghihirap diyan e kaya ikaw ang dapat na gumamit niyan.” Pagpoprotesta ni Nanay. Kahit kelan talaga tong si Nanay, napakakulit. Kaso pasensyahan na lang kasi mas makulit ako.
BINABASA MO ANG
The Snob Prince (On-Going)
RomanceMahirap ako, mayaman siya. At ang mapaglarong tadhana, pinagtagpo at pinagsama kaming dalawa. Ako si Andrea Charmaine Flores. At siya si Ethan Johann Cooper. Ikinasal kami hindi dahil sa nagmamahalan kami. Kundi dahil kailangan niya akong panagutan...
