Chapter 5.
-Andrea Charmaine Flores-
Ipinatawag kaming lahat ni Manang Dolores. May importante daw kasing ipinapasabi si Mam Cynthia. Nagtipon-tipon naman kaming lahat na mga katulog sa malaking kusina ng mansion. Nakahilera kaming lahat habang hinihintay ang padating ni Manang. At ilang sandali lang ay dumating na siya.
Pinatawag daw kaming lahat dahil magkakaroon daw ng general cleaning dito sa mansion simula bukas hanggang sa Biyernes. Grabe. Ganun pala katagal mag-general cleaning dito. Sabagay, sobrang laki naman kasi. Tapos kailangan pakintabin ang lahat ng dapat pakintabin. Kailangang palitan lahat ng mga kurtina e sobrang laki at bigat ng mga yun.
Pinapasama niya rin ako, si Sharon at si Neri sa pagkuha ng mga pamalit na kurtina. Tapos na raw kasi ipatahi ang mga yun. Tapos mamimili din daw kami ng mga pangdecorate. Magse-celebrate kasi ng 25th Wedding Anniversary sina Mam Cynthia at Sir Ramon at madami daw ang inaasahang bisita. At Sabado na yun gaganapin.
Tumango-tango naman kami sa utos ni Manang Dolores. Nagsibalikan na rin kami sa mga ginagawa namin nang tapusin na niya ang anunsiyo niya. Napaisip tuloy ako kung dadating ba ang mga anak niya. Siguradong malulungkot siya kapag hindi sila nagpunta. Kaya sana kahit ganito ang sitwasyon nila, kahit man lang para kay Mam Cynthia ay makapunta sila.
Pagkatapos naming gawin yung mga nakatoka sa amin, umalis na kami. Una na naming pinuntahan ang patahian. Kaya pala dalawang malaking sasakyan ang ginamit kasi sobrang dami. Ang lalaki pa ng kahon na pinaglalagyan. Parang balik-bayan box. Yung isang sasakyan, para lang sa pagkuha ng mga kurtina. Ito namang sinasakyan namin na minamaneho ni Edward ang gagamitin para sa pamimili.
Nakarating na kami sa mall. Sumunod lang kami nina Sharon at Neri kay Manang Dolores sa paglalakad. Alam niyo bang minsan lang akong makapasok sa mall? Nakakahiya mang aminin pero yun ang totoo. Wala naman kasi akong pera kaya hindi ako nakakapunta. Kapag pinipilit lang ako ng mga kaibigan ko at mga dati kong kaklase noong high school ako nakakapunta. Kaya heto ako ngayon, namamangha. Hindi ko na nga lang pinapahalata sa kanila kasi nakakahiya. Sobrang probinsiyana kasi ako.
Habang naglalakad kami, panay ang saway ni Manang Dolores sa amin kasi medyo maingay kami. Sina Sharon at Neri kasi kanina pa naghaharutan at napapatawa ako sa kanila. Sa tuwing may nakakasalubong kasi silang mga lalaki na gwapo, kinikilig sila at nagkukurutan. Idinadamay pa nga nila ako sa paghaharutan nila e.
Kumuha na kami ng ti-iisang cart gaya ng utos ni Manang Dolores. Ganun talaga kadami ang papamilihin namin? Sigurado, sobrang laki ng gastos nila para dito. Pinagtatanggap na lang namin lahat ng inaabot niya sa amin.
*****
-Ethan Johann Cooper-
Busy ako sa pag-aayos ng instruments ng banda namin nang magring ang cellphone ko. Mom is calling. Palagi kong namimiss ang mga calls niya. Baka nagtatampo na siya sa akin kaya dapat ko na tong sagutin.
“Mom.”
“Ethan, buti naman at sumagot ka na sa tawag ko. I miss you anak.”
“Sorry Mom. I was just busy kaya hindi ko napapansin ang mga calls mo. And I miss you too.”
“Anak, can you come home?”
“Why? Has something happened?”
“Wala naman anak. 25th Anniversary na namin ng Dad mo. We’ll celebrate this Saturday. I want you to be here.”
“Mom, he’s not my Dad. You know that.”
“I know, I know son. Pero hindi ka naman niya pinabayaan di ba? Give him a little respect.”
BINABASA MO ANG
The Snob Prince (On-Going)
RomanceMahirap ako, mayaman siya. At ang mapaglarong tadhana, pinagtagpo at pinagsama kaming dalawa. Ako si Andrea Charmaine Flores. At siya si Ethan Johann Cooper. Ikinasal kami hindi dahil sa nagmamahalan kami. Kundi dahil kailangan niya akong panagutan...
