Chapter 4.

75 3 0
  • Dedicated kay Jona Espiritu
                                    

Chapter 4.

“Mam Cynthia, pinapatawag niyo daw po ako?” magalang na pagtatanong ko nang makapasok ako sa kwarto niya.

“Yes, hija. Halika. Maupo ka dito. Gusto lang kita makausap.” Seryoso niyang sabi sa akin. Parang kinakabahan ako. Ayoko kasi ng ganito. Kapag seryoso ang mukha ng kakausap sa’yo. May ginawa ba akong mali?

“Tungkol po saan?” Kinakabahang tanong ko matapos kong maupo sa katapat niyang upuan.

“Nung nakausap ko kasi si Edward, sinabi niyang hindi ka daw nakapagcollege.” Nagulat ako sa tinanong niya. Bakit kaya niya to sinasabi sa akin. At bakit kaya nila napag-usapan ni Edward ang bagay na yun tungkol sa akin?

Bahagya naman akong tumango bago sumagot. “Opo e. Kapos po kasi kami sa pera kaya hindi na po nakayanan.”

“Pero sayang ang scholarship mo. Nakita ko kasi to sa envelope mo. Accidentally mo sigurong nalagay to. Bakit hindi mo ginamit? Sayang naman ang talino mo hija.” Napasinghap ako nang makita ko ang scholarship certificate ko na hawak ni Mam Cynthia. Paano kayang napasama yun sa envelope? Ilang beses ko naman na-check yun.

Salutatorian kasi ako nung high school kaya meron akong 50% discount sa kahit na anong school ako pumasok. Kaso mahirap kasi talaga para sa amin ang gastos. Kaya hiindi ko na ipinagpilitan kina Nanay na pumasok pa ako. Alam kong gusto din nilang gamitin ko iyon pero alam kong nag-aalala din sila na hindi namin kayanin ang magiging gastos.

“Gusto ko naman po talaga na makapag-aral kaso hindi ko din po kayang pabayaan ang Nanay at ang Tatay. 50% lang po kasi ang scholarship ko at hindi po naming kayang icover ang 50% na natitira pati na ang magiging allowance ko sa araw-araw.

Mahina po ang baga ng Tatay at hindi siya nakakapagtrabaho ng maayos. Ang Nanay naman po ay umeextra lang ng labada at pamamalantsa sa mga mayayaman sa lugar namin kaya mahina po ang kita ng pamilya namin. Kaya mas pinili ko na lang po na magtrabaho at tulungan sila na kumita para sa araw-araw naming gastusin.”

Matiim namang nakinig si Mam Cynthia sa pagpapaliwanag ko. At nakikita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Nanghihinayang talaga ako para sa’yo hija. May future ka. Kung makakapag-aral ka, makakakita ka ng mas magandang opportunity sa labas ng mansion na to. Pwede pa kitang ipasok sa isa sa mga kumpanya ko.”

“Kaso lang po, matagal na ring expired ang scholarship ko. Kahit naman po ako, nanghihinayang sa opportunity na pinalampas ko. Kaso mas kinailangan ko po talagang piliin ang huwag mahirapan sina Nanay at Tatay.” Kung hindi nga lang ganito ang lagay ng pamilya namin, mag-aaral talaga ako. Dahil sa nangyaring yun, dun ko natutunan na wag palampasin ang bawat opportunity na dumadating.

“Gusto kitang tulungan. At pwede kong kausapin si Ramon tungkol dito.” Tungkol ba sa pag-aaral ko ang ibig niyang sabihin?

“Ano pong ibig niyong sabihin?” Tanong ko na lamang. Kailangan ko kasi munang masigurado kung yun nga ang ibig sabihin ni Mam Cynthia.

“Malambot talaga ang puso ko sa mga katulad mo. Nanggaling din kasi ako sa ganyang buhay. Kaya alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo. Kaya’t ngayon na nasa ganitong estado na ako, gusto kong kuhanin ang opportunity na to para makatulong. Gusto kitang pag-aralin.”

“Pero Mam Cynthia. Nakakahiya po. Sobra naman po yata ang ginagawa niyo.” Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang dahilan kung bakit niya ginagawa to. Sobrang bait naman yata ni Mam Cynthia para gawin to.

The Snob Prince (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon