Chapter 6.

79 1 0
                                        

Yun oh! After 3 months, nakapag-update din ako ng isang chapter. Wahaha! Di ko nga lang sure kung kelan ako ulit makakapag-UD. Isa lang po ang masasabi ko sa inyo, mga dear readers ng story ko... "Patience is a virtue." Wehehehe.

So this is it! Enjoy reading... Votes and comments are greatly appreciated. O siya, vavush.........

---

Chapter 6.

-Ethan Johann Cooper-

“Ethan, isn’t this kind of awkward?” Erika asked while we’re on our way to the mansion. I just shrugged. I really don’t know. Maybe for her, it is.

It’s because Mom asked if Erika could also come and stay with us. At first, nag-aalangan siya kasi maiiwan si Papa mag-isa. But Papa agreed because he wants Erika to experience what it’s like to have a mother.

“It’s all in the mind Erika. Just remember what I told you.”

“Yes Papa, I will.”

After the long drive, nakarating na din kami sa mansion. Madami nang tao nang makapasok na kami. Most of them are business partners ni Dad. Of course, hindi mawawala ang mga kapatid nina Mom and Dad at mga pinsan namin ni Erika.

Dumiretso na kami sa loob ng mansion para hanapin sina Mom and Dad.

“Ethan!” napalingon ako nang may tumawag sa akin mula sa likuran. Si Nanay Dolores. Mabilis naman siyang lumakad papalapit sa amin at niyakap ako ng mahigpit and I hugged her back.

“Nanay! Kamusta ka na?”

“Ethan... mas gumwapo ka ngayon ha. Namiss kita dito sa mansion.” Sabi niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

“Namiss din kita Nanay. Where’s Mom?”

“Nasa kwarto pa sila, inaayusan pa. Pwede kayong pumunta kung gusto niyo. Erika, ang ganda mo talagang bata.”

“Thank you po Manang Dolores.”

“Nanay na lang din itawag mo sa akin hija.”

“Sige po… Nanay.”

“I’m going upstairs, sasama ka ba?” Tanong ko kay Erika.

“Papa?” Baling naman niya kay Papa.

“Don’t mind me. Sige na tumaas na kayo. Hihintayin ko na lang kayo dito.”

“Sige na hija, ako na ang bahala kay Johnny. Kanina pa din kayo hinihintay ni Cynthia.”

“Papa…” Erika said while slightly waving her hand.

“Go ahead.”

Nagpunta na kami ni Erika sa kwarto. Inalalayan ko siya sa paglalakad. I could feel that she’s feeling nervous. I guess it’s because of Dad. And I can’t do anything about it. Wala akong masabi para mawala ang kaba niya.

Nang makarating kami sa harap ng kwarto, hinawakan ko na lang ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napahinga naman siya ng malalim at saka tumango. That’s the sign na she’s ready.

So I knocked on the door then I slightly opened it.

“Ethan! Erika!” Mom exclaimed. Wala nang nagawa ang make-up artist na nag-aayos sa kanya nang tumayo siya at salubungin kami. Agad niya kaming niyakap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Snob Prince (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon