Author's Note:
Hi eveyone! This is my third story. Hope you enjoy it.
Follow me, I do follow back. :)
Wattpad: LeighDCapricorn
Twitter: @LeighDCapricorn
Instagram: @SeoYoung005
---
Chapter 1.
“Grabe lang ha! Kailangan talaga nanglalampas kayong mga bus kayo?” gigil na sigaw ko nang nilampasan na naman ako ng bus na pinara ko.
Ilang bus na kasi ang dumaan, pero kahit isa walang tumigil. Pumapara naman ako ah! Grabe lang talaga. Magbabayad naman ako! Mukha ba akong mahirap o asbag na mahilig sa 123? Nakakainis talaga! Male-late ako sa trabaho nito e.
Eto, may bus na ulit. Sana naman this time tumigil ka na. Please, please. Ayan na, malapit na. Konti na lang.
Para!
Yes! Sa wakas may tumigil din! Salamat po Lord hindi niyo ako pinapabayaan. Sana po makarating ako sa trabaho ko on time. Mahirap na po, first day ko pa naman ngayon sa bago kong trabaho. Wag niyo po akong papabayaan Lord. Sana po di ako ma-late.
OMG! What’s this?! Standing ovation?!
Kaya ba hindi ako tinitigilan ng mga naunang bus kasi standing?
“Ahh, kuya wait lang po! Hindi pa ako ready e, umandar ka na agad.” Sigaw ko nang biglang paandarin ni kuyang driver ang bus.
Nakakahiya naman tong nangyaring to. Halos masubsob ako kay kuyang pogi dahil sa pagka-out of balance ko. Si kuyang driver naman kasi e. Hindi ba niya nakita nan aka-high heels ako at saka may mga bitbit ako? Huhuhu. Ang hirap kaya ng ganito. Try niyo para malaman niyo.
Buti na lang mabait tong si kuya at hindi nagalit sa akin kahit halos malaglag sa kanya yung mga folders na bitbit ko.
“Miss dito ka na oh.”
OMG! Ang bait naman ni kuya. Ang gentleman. Plus pogi points ka sa’kin. Hihi.
“Thank you.”
Tumunghay naman ako at nginitian ko siya nang makaupo na ako. Nginitian din niya ako. Ang cute mo po kuya. Hihi. Nikikilig ako kasi ang pogi niya. Weee!
Bagay na bagay sa kanya ang porma niya. Mukhang papasok din siya sa trabaho niya ngayon. Nakablack leather shoes siya, black pants, black belt, light blue polo na nakatupi hanggang sa may bandang siko yung sleeves tapos nakabukas yung dalawang first buttons. Tapos may suot din siya na silver na relo sa kanang kamay niya. Clean cut yung buhok.
Yung ngiti niya ang ganda. Lumalabas pati yung dimples niya sa magkabilang pisngi. Tapos yung mga mata niya, ang ganda. Ang gandang pagmasdan habang nakatingin siya sa akin.
Wait –
Bigla naman akong napayuko nang marealize kong unconsciously ko pala siyang kinikilatis. Waaah! Someone bury me now! Nakakahiya po. Kinakahiya ko na po ang sarili ko ngayon. That was really embarrassing! Waaaahh!
Nang tumigil yung bus sa bus stop, bumaba yung babaeng katabi ko. Lumipat naman agad ako dun sa inupuan niya para sa tabing bintana ako. Gusto ko kasi talaga na nasa tabing bintana ako pag sumasakay ako sa bus. At saka kailangan ko din to ngayon kasi nahiya talaga ako sa nangyari kanina.
“Gwapo ba ako ngayon?”
Napalingon naman ako sa katabi kong nagsalita. Waaaah! Si kuyang pogi! Di pa pala siya bumababa. Hindi naman sa ayaw kong bumaba na siya, kaso ramdam ko pa din ang pagkapahiya. At mas matinding pagkapahiya pa dahil sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Stand By You (On-Going)
RomanceNagsimula sa pagpapacute, napunta sa asaran at nauwi sa gantihan. Nakilala ni Monique Soriano si Willem Morris sa isang bus. Pero hindi niya inakala na ito rin pala ang boss niya. At first, natutuwa pa siya, pero hindi nagtagal nagsimula na siyang m...